WSE 18
May 28, 2016
Keanna's POV
Bigla akong nagising ng madaling araw at eksantong 3:00 AM akong gumising. Hindi ko alam kung anong dahilan pero ramdam kong nanunuyo ang aking laway sa aking lalamunan kaya napag-isipan kong lumabas ng kuwarto at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig.In-on ko muna ang ilaw bago kinuha ang baso sa tray at tumungo sa water dispenser upang kumuha ng tubig at uminom. Pero sa hindi ko inaasahan, biglang bumukas ang pinto sa kusina kaya agad naman akong nagtago sa likod ng pinto! Malapit lang kasi ang dispenser sa pinto kaya nagtago ako agad.
"Huwag kang, maingay. Shhh..." sabi ng isa sa kasama.
Oh my god. Magnanakaw ba sila?
"Ba't kasi ang aga nating gumising para gawin lang 'to sa kanila? Antok pa nga ako, e." sagot naman ng kasama niya.
May dala-dala naman silang isang balde at may ikinalat sa sahig! Kaya nagtakip ako ng bibig dahil sa baho ng amoy! Mga patay na hayop ang kanilang ikinakalat sa sahig, mga daga, pusa, at aso!
Hindi sila magnanakaw, sila 'yung dalawang killer! Hindi ako makapaniwala na nakikita ko mismo sa harap ko ang mga killers na pumasok sa mansyon. But wait, asan ang lider nila?
Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa refrigerator upang magtago sa likod nito pero hindi ito ang nangyari, dahil habang naglalakad ako biglang natulak ng braso ko ang pinto kaya nagsara ito!
"Hoy!" tinuro ako ng isa.
"Huwag ka nga sumigaw, baka marinig nila tayo." sabat naman ng kasama niya.
Hindi ko nakikita mga itsura nila dahil nakasuot sila ng puting maskara. Magkapareha sila ng maskara of course.
Bigla naman akong kinabahan na parang na iihi na ako sa nangyayari, ako ba isusunod nila? Ako ba ang susunod na mamamatay? Hindi maaari. Wala pa akong love life kaya hindi muna ako mamatay ng maaga!
Kinuha ko naman ng walis sa gilid ko at agad ko silang inatake pero dahil sa bilis nila ay may kinuha silang kutsilyo sa kanilang bulsa. Akmang isasaksak na sana nila sa akin pero umilag ko!
Pinalo ko sila ng tambo kaya naman nasaktan silang dalawa dahil sa natamo nila sa akin.
"Aray! Ano ba naman kasi 'yan?" sigaw ng kasamahan niya at napahaplos sa ulo.
"Tambo, obvious naman 'di ba? Jusko, hindi ko alam kung saan ba nakalagay utak mo." umirap pa ako sa kanya. "Sa susunod, magpaalam kayong dalawa sa akin kung ayaw niyo ma-pak ganern ng tambo sa ulo niyo. May nalalaman pa kayong surprise party para, ano? Para pag gising namin makikita namin 'to tapos ma-sho-shock kami at hulaan kung sino gumawa nito? Naku, wala na ba kayong ibang paraan para naman may thrill?"
"Ah, gusto mo thrill?" tanong niya. 'Yung boses niya pamilyar.
"Paulit-ulit? Nakakapagod maging ekstra, ha? Alam niyo ba 'yun?" napa-cross arms pa ako sa kabobohan ng isang 'to.
Inangat niya ang kanyang kutsilyo at isinaksak sa balikat ko!
"ANONG GINAWA MO SA BALIKAT KO?" sinigawan ko siya saka ako napahawak sa kaliwang balikat ko.
"Di ba, sabi mo gusto mo ng thrill?"
"GAGA! BA'T HINDI 'YANG BOBO MONG KASAMA ANG ISAKSAK MO? PARA NAMAN MAGULAT AKO NA KAYA MO PA LANG PATAYIN ANG KASAMA MO!"
Binuhusan niya naman ako ng balde na puno ng dugo! Kaya kumalat ang nga tinta ng dugo sa katawan ko. Tumakbo naman sila papalabas ng mansyon kaya agad akong tumungo sa loob ng kuwarto ko kung saan natutulog ang mga barkada ko.
"B-BROS!" sigaw ko kaya naman gumising sila at laking gulat nila nang makita nila akong duguan!
"Keanna, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Princess sa akin kaya napalunok ako ng laway dahil sa kaba.
"Yung mga killers, pumasok sa loob ng mansyon!"
"Pumasok sila Kaye Mark at Althea sa mansyon?" tanong naman ni Davy.
Mabilis akong tumango sa kanila. "Pero nakatakas agad sila! Sinaksak pa nila ako ng kutsilyo bago tumakas!"
Bigla namang lumabas ng kuwarto si Adrian. "Adrian, saan ka pupunta?" mabilis na tanong ni Angel pero hindi na siya narinig ni Adrian kaya naman pati siya ay lumabas na rin ng kuwarto.
"Umupo ka muna rito, Keanna. Gamutin muna natin ang sugat mo." inalalayan muna ako ni Princess bago ako pinaupo sa kama. "Kumuha kayo ng panyo at warm water." pag-uutos niya kina Davy at Quila kaya sinunod naman nila.
Napakagat ako ng labi. "Magiging okay na ba ang lahat pag ginamot na ang sugat ko?"
"Dipende sa sitwasyon, Keanna." pilit na ngumiti si Princess sa akin. "Pagkatapos nito, maligo ka na at magbihis. Natutuyo na ang mga tinta ng mga dugo sa katawan mo."
Angel's POV
Hinabol ko si Adrian dahil sa kanyang pagtakbo. Hinabol ko lang siya at patuloy pa rin ako sa pagtatakbo. Sa tingin ko may isa pang mangyaring masama ngayong gabi pagkatapos ng kay Keanna."Adrian, huwag mo na sila habulin!" sigaw ko nang makarating kami sa gubat. "Adrian, wala ka ng magagawa! Killer sila! Mapapatay ka nila pag nangyari!"
"Ayaw kong isa-isang mawawala ang mga miyembro ng grupo natin, kaya hindi ko ito palalampasin!" takbo pa rin siya ng takbo. "Gusto ko silang makitang nagdurusa sa sarili nilang dugo!"
Naabutan naman namin ang tumatakbong killer na nasa unahan! Kaya mas lalong binilisan pa namin ang aming pagtakbo. Nagsimula ng tumulo ang mga pawis sa mukha ko pati na rin sa dalawa kong braso. Nangangalay ang dalawang binti't paa dahil sa bilis na aming pagtakbo sa kakahabol sa kanila.
Nang makita nila kami ay agad rin silang tumakbo papalayo sa amin! Kailangan namin silang ma-abutan, kailangan namin silang patayin at katulad ng sinabi ni Adrian ay kailangan nilang magdusa sa sarili nilang dugo. Mahuhuli rin namin sila.
Huminto naman ang kasamahan nito at may kinuhang kung ano sa bulsa nito! Pero patuloy pa rin kami sa aming pagtakbo. Kaya bigla niyang itinutok sa amin ang isang kalibre-45 na baril kaya napahinto ako sa pagtakbo!
"Adrian, umilag ka!" sigaw ko kay Adrian.
Mukhang hindi niya ako narinig kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya at itinulak siya kasabay ng pagputok ng baril!
Napadapo kami sa damuhan kaya naman tumakbo ulit si Adrian. "Kailangan ko la rin silang mahuli!"
Pumutok ulit ang baril!
"ADRIAN!!!" biglang sigaw ko nang bigla siyang lumuhod.
Dugo. Iyon ang nakikita ko sa tinta ng damuhan kung saan sa nakaluhod.

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mistero / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...