WSE 15
Keanna's POV
Nakapag desisyon kami na tawagan si Althea at Kaye Mark at baka nga sila ang killer. Malakas rin ang kutob ko na ang mag pinsan talaga ang killer pero may mga katanungan ang na sa isip ko kung sino nga ba ang lider ng patayang 'to.Totoo bang si Heavenly? Siya ba ang may kagagawan ng 'to? Naghiganti ba siya sa amin?
"Pupunta na sila dito and then giniit nila na hindi sila 'yung killer." sabi ni Chei Ann at ipinasok ang phone sa kanyang bulsa.
Tumango na lang kami.
Hinintay naman naming dumating rito ang mag pinsan kaya fifteen minutes ang makalipas ay nakarating na nga sila rito. Agad kaming inutusan ni Chei Ann na itali sa upuan ang mag pinsan kaya sinunod naman namin ang utos niya.
"Kahit anong pilit niyo sa akin, hindi pa rin ako aamin na kami yung killer! Malay ba namin na may patayang nagaganap rito!" sigaw ni Althea.
"Aminin niyo na kasi! Kayo ang may balak pumatay sa grupong 'to!" sigaw ko naman.
"Wala kaming alam sa mga sinasabi niyo! Ba't ba kami ang pimagkakamalan niyo?" ani Kaye Mark.
"Sana hindi na lang pumayag ang parents namin para makita lang namin kayo! Tapos ganito lang pala ang mangyayari? Gosh." sabat naman ni Althea.
"TANGINA NIYO!!" biglang sigaw ni Adrian. "BA'T HINDI NIYO PA KASI AMININ?"
"WALA NGA KAMING KINALAMAN!" sigaw ni Althea.
"Sino lider niyo?" seryosong tanong ni Chei Ann.
Hindi sila umimik. Posibleng sila nga ang killer.
"Ilabas niyo si Princess sa sako. Para naman makaranas siya ng fresh air." utos ni Chei Ann sa amin kaya sinunod naman namin.
Lumabas naman kami ng mansyon at tumungo sa malaking puno kung saan nakabitay ang sako kung saan na sa loob ng sako si Princess.
Pero bigla kaming nagukat sa nakita! Naputol ang tali kaya nahulog si Princess mula sa puno! Bukas na ang sako kaya posibleng tumakas na nga si Princess!
Si Princess ang killer!
"S-Si Princess ang pumatay kay Aila?" hindi makapaniwalang sabi ni Adrian.
"Kailangan 'tong malaman ni Chei Ann." sabi ko kaya bumalik naman kami sa loob ng mansyon ata agad tumungo sa sala kung saan namin iniwan si Chei Ann at ang mag pinsan.
Na abutan namin si Chei Ann na sinasabunutan ang mag pinsan at iginupit-gupit ang buhok nito gamit ang gunting.
"BA'T HINDI NIYO PA KASI AMININ?" sigaw niya.
"Chei Ann!" bigla kong sigaw kaya napatingin siya sa amin. "Si Princess! Nakawala!"
Napahinto siya sandali bago nagsalita.
"Hindi puwede! Hanapin natin siya!" biglang nagdabog si Chei Ann at lumabas ng mansyon kaya sinundan namin siya.
Si Princess ba ang killer? Posible nga.
Angel's POV
Hinanap namin si Princess sa lumang bodega pero wala siya kaya patuloy na lang kami sa paghahanap sa kanya sa labas ng mansyon."Hindi kaya pumunta siya sa kabilang gubat?" tanong ko kay Davy pero inirapan niya lang ako.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kay Davy at kung bakit niya ako pinagkamalang killer. Wala akong kasalanan sa kanila at mas lalong wala akong kasalanan kay Davy. Pero pag inabuso nila ako, hindi ko alam kung paano ko papatayin si Davy.
Tumungo naman kami sa isang gubat kaya nag desisyon kaming maghiwa-hiwalay. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero patuloy lang ako sa pagtakbo.
Hanap lang ako ng hanap kay Princess pero walang ni anino niya ang nakita ko.
"TULONG!" bigla akong nakarinig ng sigaw sa gubat. "TULONG!"
"ASAN KA?" sigaw ko.
"TULONG!"
Sinubukan ko na lang sundan ang sigaw niya. Hindi ko alam kung sino ang humihingi ng tulong. Hindi kaya patibong 'to ng mga killers? Imposible.
"TULONG!"
"ASAN KA?" sigaw ko ulit pero wala ng sigaw ang narinig ko.
Nasaan siya? At sino siya? Ba't ba siya humihingi ng tulong?
Huminto ako sandali saka ko naman narinig ulit ang kanyang paghingi ng tulong.
"TULONG!" sigaw niya muli.
Kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo at sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla akong nahulog sa bangin!
"AHHH!" sigaw ko.
Pero agad akong napasabunot sa isang dahon upang makaahon ako sa bangin. Inubos ko ang lahat ng puwersa ko pero hindi ako nakalabas sa bangin. Sinubukan ko namang umakyat ulit pero waley. Hindi pa rin ako nakalabas ng bangin.
Ako na naman yata ang hihingi ng tulong nito. "TULONG!!" sigaw ko naman saka pinatuloy ang pag-akyat.
May nakita naman akong kahoy kaya agad ko itong kinuha at itinusok sa lupa upang maka-akyat kaya successful ako't naka-akyat. Nakalabas naman ako ng bangin. Pero naririnig ko pa rin ang kanyang paghingi ng tulong.
Hindi kaya si Princess 'to? Imposible. Killer siya tapos hihingi siya ng tulong?
"TULONG!" sigaw niya muli.
Kaya sinundan ko ulit ang boses na humihingi ng tulong. Pero sa hindi inaasahan, si Davy ang humihingi ng tulong. Nilalamon siya ng kumunoy.
"Davy!"
"Ano ba naman 'yan, ang malas ko naman." pagreklamo niya. "Seriously, isang killer tutulungan ako?"
"Huwag ka na nga mag inarte." may nakita naman akong mahabang kahoy kaya agad ko itong pinulot at inabot kay Davy. "Sige na, tutulungan na kita."
Inirapan niya na lang ako habang patuloy pa rin siya sa pag lubog sa kumunoy.
"Ano, papatayin ka ng kumunoy na 'yan o tutulungan kita?"
"Mamamatay naman rin ako, ah." sagot niya habang palubog ng palubog siya sa kumunoy. Umabot na sa dibdib niya ang putik nito. Napatingin siya sa paligid. "S-Sige na nga!"
Hiniwakan niya naman ang kahoy kaya hinila ko siya. Puno naman ng putik ang kanyang damit kaya nang diri ang bakla dahil sa unti-unti niyang paglubog kanina sa kumunoy.
"Nahanap na namin si Princess!" biglang sulpot ni Adrian sa likuran namin. Napatingin siya kay Davy. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Wala. Nag swimming lang. Hehe." sagot naman ni Davy.
Napakunot na lang ng noo si Adrian saka tumango. "Ah, sige. Tara na. Umuwi na raw tayo sabi ni Chei Ann."
Tumango na lang kaming dalawa ni Davy saka nagsimulang naglakad pauwi sa mansyon. Na abutan naman namin sina Chei Ann ata Keanna sa gate na gapos si Princess.
Papasok na rin sila sa mansyon. Pero sa hindi namin inaasahan. Na abutan rin naming wala na sa upuan ang nakatali kanina lamang ang mag pinsan. Nakita namin sa sahig ang putol na tali at gunting.
"Na iwan ko 'yung gunting." isang pagkakamaling nagawa ni Chei Ann.
"Sila nga 'yung killer..." rinig kong bulong ni Davy.
Sila nga.
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...