WSE 26

140 6 2
                                        

WSE 6

Keanna's POV
Nagulat na lang ako sa pagka-gising ko nang makita ko si Quila sa sala na nanonood ng TV. Paano siya nakarating dito, e sa pagkakaalam ko three days muna ang stay niya sa ospital bago siya lalabas? O kaya naman ang aga niya naman lumabas ng ospital? Paano siya nakalabas, e wala naman kaming pera sa gastusin niya do'n.

Maybe, tumakas siya sa ospital kaya lumabas siya. What a wise girl.

"Nakalabas ka na pala?" napakamot ako ng ulo ko.

"Yea. Kanina pa. Ang bagal mo namang gumising, Keanna." sagot niya habang nag cha-channel hopping. "It's already 10:00 AM."

Nakita ko namang pumasok si Chei Ann sa loob ng bahay at tumungo naman sa sala si Adrian na galing kusina. Kaya nagtataka ako kung saan si Princess. Baka tumungo lang sa tindahan kaya tinabihan ko na si Quila sa panonood ng TV at nakinood na rin si Chei Ann at Adrian.

"Tumakas ka, 'no?" bulong kong tanong kay Quila kaya ngumiti siya.

"Oo naman. Kahit maganda at busaw ako, kailangan ko pa rin ng utak. Biruin mo, natalo ko nga kanina 'yung killer, e." bulong niyang sagot kaya napatingin naman si Chei Ann at Adrian sa aming dalawa.

Mukhang narinig yata nila ang pinag-uusapan namin.

"Ano 'yun? Natalo mo 'yung killer?" tanong ni Chei Ann.

"Yes." proud na sabi ni Quila.

"How?"

"Simple. Pina-inject ko sa kanya ang i-iinject niya sana sa akin. I think it's poison at akala niya siguro ay..." ngumisi siya "...mamamatay ako."

Napatayo ako sa sinabi niya. "Wow, girl. I'm so proud of you!"

"I know, plastik." sagot niya. Inalis niya ang pagkatutok niya sa TV at tumingin sa akin. "Baka nga, ikaw ang nag-utos sa kanila, e. Poor you."

Umalis naman siya at lumabas ng bahay. Saka naman kami nagulat na kanina pa pala nakasandal si Princess sa labas ng kuwarto ko.

Tumungo na rin ako sa kusina upang kumain ng almusal. Habang kumakain ay bigla kong na isipan kung na sa magandang kalagayan pa rin ba si Davy.

Patago kong kinuha nilipat sa isang plato ang ulam at dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng ng kuwarto kung saan ikinulong si Davy.

Kahit no'ng una ay sarili ko lang ang iniisip ko sa grupo pero nakakaramdam rin pala ako ng awa. Dahil malakas rin ang kutob ko na itinuro lang ni Heavenly si Davy.

Dahan-dahan ko namang inikot ang door knob at gumawa ito ng konting ingay at pumasok sa kuwarto. Nakita ko namang nakahiga lang sa kama si Davy at mahimbing ang kanyang tulog kaya lumapit ako sa kanya at ginising siya.

"Davy," iniyugyog ko ng mahina ang kanyang balikat kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Nasisinagan pa rin naman ng araw ang loob ng kuwarto at nakikita ko rin naman ng maayos si Davy. Agad niya naman akong niyakap nang makita niya ako kaya napangiti ako sa kanya. Humiwalay siya sa akin ng pag yakap at mukhang naluluha ang kanyang dalawang mata.

"Hindi ako ang killer, Keanna. Maniwala ka sa akin wala akong ginawang masama..." bulong niyang sabi bago hinawakan ang dalawa kong mga kamay "Pinagkamalan ako ni Heavenly, Keanna. Maniwala ka. Ayaw ko pang mamatay, Keanna. Please. Tulungan mo ako..." garagal ang kanyang boses dahil na iiyak na siya sa sitwasyon.

"Kumain ka muna," iniabot ko naman sa kanya ang hawak kong plato na may pagkain kaya dahan-dahan niya naman itong kinuha at kinain. "Hindi ko lang alam, Davy kung saan ka mapupunta sa sitwasyong 'to. Hindi kita kayang ma-itakas sa lugar na 'to. Kasali ka na sa patayan at kasali na ako sa impyernong 'to..."

Tinitigan niya lang ako habang kumakain kaya dahan-dahang nangingilid ang kanyang mga luha sa magkabila niyamg pisngi.

Quila's POV
Isinulat ko ang shi sa kanyang ulo bago ako tumayo. Tumingin ako sa oras at 9:30 AM na pala ng umaga. Muli ko siyang tiningnan at umuungol naman siya ng konti. Markang-marka sa kanyang noo ang isinulat kong shi at tiningnan ko naman ang bote ng poison sa may tray.

Ito ay isang cyanide poison at alam ko ito dahil ito ang dahilan kung bakit namatay si Daddy. Nagpakamatay siya nang masinghap niya ito no'ng bata pa ako dahil sa depression na kanyang pinagdaanan. Iyon ang kuwento sa akin ni Mommy.

Kung hawakan ko 'to o kahit singhutin ay mamatay ako at sisikip ang dyoga ko pag nangyari.

Itinago ko ang bangkay ni Kaye Mark sa loob ng banyo at do'n siya hinubaran ng kanyang suot na uniform ng nurse. Tanging boxers at sando lang ang kanyang suot kaya lumabad naman ako at hinubad ang hospital dress ko bago ko isinuot ang uniform. Kinuha ko na 'din ang kanyang mask at isinuot ito.

Nang matapos ay dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Taas noo akong naglakad sa hallway papalabas ng ospital na hindi napapansin ng mga nurse at pasyente sa tabi-tabi.

May mga nurse namang papatakbo sa kuwarto ko at may pasyente pang nagturo sa kanila.

"Dito po! May narinig po akong sumigaw ng tulong!" turo ng isang pasyente na na sa wheel chair.

Kaya takbo naman sila ng takbo at pumasok sa loob ng kuwarto. Kaya yumuko naman ako at binilisan ko ang paglalakad ko bago ako lumabas ng ospital.

Sa hindi inaasahan ay nakita ko si Althea na naghihintay sa labas at sumisilip sa loob ng ospital. Mukhang napansin niya naman akong papalabas kaya tinitigan ko siya. Marka naman sa kanyang mukha ang pagtataka niya nang makita niya ako kaya kinindatan ko siya at dahan-dahan niya naman akong tinuro habang nakanganga.

Kaya dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa terminal ng mga paradahan ng tricycle dahil malapit lang naman ang bahay ni Keanna sa lugar na 'to.

Nang makarating ay naalala ko pala na wala akong pambayad ng pamasahe. But I'm glad nang kinapa ko ang bulsa ko ay may nakuha akong barya at wallet na punum-puno ng pera. Na sa loob 'rin pala ang picture ni Kaye Mark sa wallet at mukhang nakalimutan yata niyang kunin ang pitaka niya.

Umalis naman ang tricycle kaya pumasok na ako sa loob ng mansyon nina Keanna at mukhang nagulat ang lahat nang pumasok ako. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok sa kuwarto ni Keanna at kinuha ko naman ang damit ko sa maleta at lumabas bago tumungo sa banyo upang mag bihis.

Nang matapos ay tumungo aki sa sala at nanood ng TV. Habang si Chei Ann naman sa balcon at si Adrian naman ay na sa kusina at hindi ko mahanap si Princess but nevermind.

I know. I am such a badass girl.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon