WSE 7

239 11 0
                                    

WSE 7

Aila's POV
Malakas ang kutob ko na si Keanna o si Princess ang killer dahil una, si Keanna ang may-ari ng mansyon kaya maaarin hawak niya rin ang susi at pangalawa, may galit si Princess kay Chei Ann dahil inagaw ni Chei Ann ang trono kaya gustong mag hinganti ni Princess. Nakakabaliw ang mga nangyayari, hindi mo alam kung mapagkatiwalaan pa ba ang mga barkada ko.

"Shit." napaiyak si Quila sa sobrang hapdi nang gamutin ang kalmot sa kanyang binti. "G-Guys, gusto ko umuwi. A-Ayaw ko dito." mangiyak-iyak na sabi nito.

Kaming tatlo lang ni Keanna at Quila ang na sa kuwarto. Kuwarto ito ni Keanna kaya nang dito kami dahil may emergency kit si Keanna para gamutin ang sugat ni Quila.

Kahit pinaplastikan ko sila, concern pa rin ako at madaling maawa sa mga barkada kong nasasaktan. Kahit ako, gusto ko na rin umuwi. Ayokong masali sa gulo na hindi ko dapat pasukin.

Patuloy pa rin sa panggagamot si Keanna kay Quila. "Dahan-dahanin lang natin, Quila. Baka mas lalong lumaki ang sugat." sabi ni Keanna "Ba't ba kasi hindi ka nagpaalam sa akin na uuwi ka, sana sinabi mo para alisin ko 'yung aso na nakaharang sa gate."

Pansin kong namamaga na ang mga mata ni Keanna dahil rin siguro sa kakaiyak na pinagkamalan namin siya kanina sa pagkamatay ni James. Unti-unti akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"Tanga mo kasi, Quila." dagdag pa niya.

"Pero, may sasabihin ako sa inyo..." napabulong si Quila pero naririnig ko naman dahil sa katahimikan ng kuwarto ni Keanna.

Sumilip ako sandali sa sala kung hindi nga ba nakikinig sa amin ang iba pang barkada namin pero lahat naman sila ay nakatutok lang sa telebisyon kaya agad kong sinara ang pinto at ni-lock ito.

"Ano ba 'yung sasabihin mo sa amin?" tanong ko.

"Kasi habang hinahampas ko ng maleta 'yung aso kanina, may biglang h-humila sa buhok ko." nanginginig niyang sabi. "S-Sabi niya sa 'kin, huwag ako tatakas dahil kasali na raw ako sa g-gulo, sa laro na hindi ko alam kung s-sino may gawa." humikbi ulit si Quila.

"Natatandaan mo ba itsura niya?" tanong ni Keanna.

"N-No, walang itsura ang ipinakita niya sa akin. Tanging hoodie at mask na suot niya lang ang n-nakita ko." nanginginig na yata sa takot si Quila "P-Pero, guys malakas ang kutob ko." pumatak ang sariwa niyang luha bago siya yumuko.

"A-Ano?" pagtataka ni Keanna.

"I-Isa sa atin ang killer."

Dahil sa sagot ni Quila, biglang huminto ang mundo ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Bigla siyang p-pumunta sa likod ng mansyon nang m-matapos niya akong suntukin at sampalin. Kaya malakas talaga ang kutob ko na nang dito lang ang killer. Barkada natin siya." napatingin sa akin si Quila "Hindi ko alam kung sino sa atin. Sabi niya, malalaman ko lang raw kapag namatay na ako. Magkikita raw kami sa impyerno. Natatakot na ako. Ayokong mamatay!"

Biglang may kumatok sa pinto kaya lahat kami ay napatangin sa pinto dahil sa malakas na katok. Bigla tuloy akong kinabahan dahil akala ko kung ano na.

Binuksan ko ang pinto at nakita si Chei Ann na pilit ngumiti. "G-Guys, mag lunch na tayo. Handa na ang ulam." tumango ako kaya umalis naman siya.

Napatingin ako kela Quila at Keanna. "Kain na tayo." saka ako lumabas.

Davy's POV
Nakakawalang gana ang kumain. Namatayan na nga kami ng kaibigan kaya nawalan ako ng gana, sino ba naman may ganang kumain sa na namatayan, di ba? Hindi kami masyadong close ni James pero may pagalala rin ako sa kanya.

"Wow! Sarap ng ulam natin ngayon! Bulalo!" ngiting sabi ni Adrian.

"Ikaw nagluto niyan, Chei Ann?" tanong ni Florence.

"N-No. Not me. Si Angel nagluto niyan para sa inyo." matamlay na sabi ni Chei Ann na pilit ngumiti.

"Baka, Chei no'ng papunta pa lang kami dito nag lagay ka ng poison sa ulam namin, ha?" sarkastiko kong tanong.

"H-Ha? Wala. Hindi ko nilagyan."

"E, ba't pautal-utal ka? Nilagyan mo, 'no?"

"Wala nga sabi kahit ako pa tumikim." kinuha niya ang kutsura sa mangkok at kumuha siya ng konting sabaw at hinigop ito. "O, may nangyari ba?" nakataas na kilay na tanong niya.

"Okay, fine. Kain na kami." umupo naman kami at nagsimulang kumain.

Nagbigay ng bakanteng puwesto si Chei Ann at naglagay ng plato, kutara't tinidor. Hindi niya pinaupo si Adrian.

"Chei, para saan 'yang plato?" tanong ni Aila na kakadating lang sa dining area.

"Para kay James. Nakakamiss siya. Parang kanina lang kasi kami nag-usap." malungkot niyang tugon.

"Ay, jusko. Chei, accept the fact na patay na siya. Move on na. Hindi mo na siya kailangan sa puso mo." sabi ko.

Tumango-tango na lang siya at pinaupo na lang si Adrian.

Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. May nalasahan ako sa bulalo kaya agad akong nagreklamo. "Ba't lasang isda 'tong bulalo? Parang tuna. Bulalong tuna ba 'tong niluto niyo?"

"Ha?" pagtataka ni Angel. "Naku, siguro nakadikit 'to na isda sa refrigerator. Hindi ko na matandaan kung pano ko nilagay or panis na ba ang karne ng baka."

May isa namang nagreklamo. "Ang panget naman ng lasa, panis na ba ang karne ng baka?" tugon ni Florence.

Tumayo ako at tumungo sa refrigerator at binuksan sa taas nito. Kinuha ko ang tupperware sa loob at binuksan ang takip nito. Isda naman ang nakita ko kaya kinuha ko 'yung isang kahon ng tupperware at binuksan ko ito, may mga hiwa naman ng karne at inamoy ko ito.

"Pota. Ambaho!" lumapit ako sa lababo. "Panis naman pala ang karne, e."

Tumigil naman sila sa pagkain nila at iniluwa ito sa plato. Binuhos ko naman sa lababo ang karne at ang huling bumuhos rito ay ang dalawang kamay! Napasigaw ako sa dahil sa pandidiri.

"Oh my god, kailan pa ba tayo kumain ng tao?!" napatakip ako ng bibig dahil nasusuka na ako.

Nagsilapitan naman sila at nakita ang dalawang putol na kamay.

"Angel, alam mo ba na tao ang niluto mo?" tanong ni Florence.

"Hindi, e. Hindi ko naman 'yan nakita kanina! Malay ko ba!" sagot ni Angel.

Hinawakan naman ito ni Adrian. "Mga nawawalang parte sa katawan ni James. Kamay 'to ni James." napatakip na rin siya ng bibig dahil sa sobrang baho.

Lumapit ako sa refrigerator at may isang kahon pa ng tupperware at binuksan ko naman ito. Nagulat ako nang nakita ko ang dalawang paa na may kuko pa! Nakakadiri!

Tinapon ko mula sa kahon ang dalawang paa sa lababo. Kadiri! Hindi ko na napigilan sarili ko kaya napasigaw na lang ako.

"SINO BA SA ATIN ANG MAY GAWA NITO?"

Walang sumagot.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon