WSE 17

195 12 0
                                    

WSE 17

Chei Ann's POV
Kinakabahan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako nagawang sigawan ng Ina ni Heavenly kahit wala akong kasalanan? Wala nga ba?

"MAMATAY TAO KANG HALIMAW KA!" hinila niya pa ang buhok ko dahil sa kanyang galit! Mukhang nang gigigil siya sa akin.

"Aray ko po! Ano bang ginawa ko sa 'yo, tanda?!" sigaw ko sa kanya.

Hindi man lang nagawa ng barkada ko na ipagtanggol ako at talagang gusto pa nila akong nakikitang nahihirapan. Walang ni isa ang tumulong sa akin. Mga hayop!

"NANG DAHIL SA 'YO, NAGPAKAMATAY ANG ANAK KO!" sagot niya.

Agad namang nanlaki ang dalawang mata ko sa narinig. Si Heavenly, nag suicide?

"DAHIL SA PAMBUBULLY NIYO SA KANYA NOON, LALONG-LALO NA SA 'YO AY NAGPAKAMATAY SIYA!!"

"Ma!" sigaw ni ateng girl at nakita ko siyang tumayo at itinanggal niya ang pagkahawak ng kanyang ina sa buhok ko.

"At, ano? Nagawa mo pa siyang iligtas keysa sa akin? Anak, mamatay tao 'yang pesteng 'yan! Salot 'yan sa mundo!"

"Ma, tama na!" humarap naman siya sa amin. "Sige na, umalis na kayo!"

Dali-dali naman kaming lumabas ng bahay nila. At nang nakalabas na kami ay tinitigan ako ng grupo ko at nakita ko silang napa-iling-iling dahil sa sitwasyon.

"Akala ko pa naman, lumipat ng school si Heavenly... Nag-suicide pala siya." narinig kong sabi ni Princess.

"Ngayon, sino na naman ang nakita nating mamatay tao sa barkada? Ang nang-api, ang nag re-reyna-reynahan, at ang maganda sa barkada ay isang dakilang mamatay tao pala?" pagpaparinig ni Davy sa grupo.

Unti-unti nang tumutulo abg luha ko pero kakayanin ko ang pagsubok na 'to. Hindi maaring sila na naman ang mang-aapi sa akin at ibalik ulit ang nakaraan.

PAGKAUWI namin ay agad akong tinulak ni Davy sa sala kaya napaupo ako sa sahig! Hindi ko alam kung bakit nagawa niya 'to sa akin. Isa siyang traydor sa barkada!

"Ikulong niyo si Davy sa lumang bodega!" pag-uutos ko sa kanila pero walang sumunod sa utos ko. Ngunit nakatitig lang ang mga mata nila sa akin.

"What have we have here?" napalakpak ng mahina si Princess. "Lumabas na nga ang ebidensya na hindi si Heavenly ang lider ng mga dalawang killer which is si Althea at Kaye Mark. Mukhang 'yung LIDER niyo pala." nakangiti niyang sabi.

"Sino naman nagsabi na si Chei Ann ang lider ng grupo?" tanong ni Keanna kaya tinitigan ko siya ng masama. "Only you, Princess. Ikaw lang naman, 'di ba? Sino ba magkakaroon ng lider na isang killer?"

"How dare you na tawagin mo akong--" naputol ang sinabi ko nang magsalita muli si Keanna.

"Killer?"

"Na hindi lider." sagot ko.

"First of all," biglang nagsalita si Angel. "Hindi ka lider, newbie ka lang kaya wala kang dapat inaagaw. Second, oo nagkamali kami na sunod-sunuran sa 'yo noon and lastly, sana ikaw ang susunod na mamatay."

Agad akong tumayo dahil sa sinabi ni Angel. "HOW DARE YOU! TINURI KITANG KAIBIGAN TAPOS TINATRAYDOR MO LANG AKO? ANG PLASTIK MO! MAMATAY KA NA SANA!"

Tinulak naman ako ni Quila kaya napaupo ulit ako sa sahig. "Kaibigan? Sorry ka, kaplastikan mo lang kasi ang nakikita namin. Sadyang nagpauto lang kami sa 'yo, noon."

Nakita kong tahimik lang si Adrian sa tabi ni Quila. Adrian, tulungan mo ako, please... Kahit ngayon lang para naman may lakas ng loob akong labanan sila.

"Shit." narinig kong bulong ni Adrian kaya umalis siya papalayo sa amin.

"So, Princess. Welcome back sa grupo. Bumalik na naman yata 'yung dati." palakpakan na sabi ni Davy. "So, ano na ang plano mo kay Chei Ann?"

Nakita kong nakangiti siya sa akin. Hindi. Ayoko sa mga plano niya dahil parang nalulunod ako sa impyerno dahil sa mga planong na iisip niya.

"Itali niyo ang kamay at paa niya at ikulong niyo siya sa cabinet. Doon siya bagay." nakangiti niyang sambit. "And make sure, takpan niyo na rin ng tape ang bibig niya para naman hindi natin maririnig ang nakakairita niyang boses."

Hindi puwede.

Adrian's POV
Tumungo ako sa likod ng bahay at napag-isip-isip ko ang mga nangyari noong kumampi na ako kay Chei Ann at itinakwil si Princess. Nagsisisi ako. May proweba ng si Chei Ann ang may dahilan kung bakit namatay si Heavenly at maaaring si Chei Ann ang dahilan kung bakit may namamatay sa miyembro.

Posibleng, nag suicide. Ngunit kung nag suicide sila, ba't pugot ang ulo at pira-pirasong katawan ang nakikita namin? Maaaring binubully ni Chei Ann si Kaye Mark at Althea na hindi namin nalalaman kaya ibinuhos ng magpinsan ang kanilang galit kaya sila pumapatay!

Si Chei Ann na naman ngayon ang napagkamalang lider ng dalawang killers at iyon ay si Althea at Kaye Mark. Hindi ko na alam kung kanino ako kakampi, kay Princess ba o kay Chei Ann?

Pumasok ako pabalik sa loob ng mansyon at nakita kong itinali nila si Chei Ann at ipinasok sa loob ng kuwarto. Kaya nagulat ako at tiningnan ko kung saan nila ito ipinasok sa bahagi ng kuwarto. At iyon naman pala ay sa loob ng aparador!

"Hindi ko kasalanan kung bakit nagpakamatay si Heavenly! Sadyang depression niya lang iyon dahil sa pambubully ko sa kanya noon!" sigaw niya.

"Kahit na! Parang nakapatay ka na rin ng tao dahil sa ginawa mong pambubully sa kanya! Kaya ang dapat sa 'yo ay pinaparusahan!" sigaw naman ni Princess.

Kitang-kita kong tumulo ang luha ni Chei Ann bago itinakpan ang kanyang bibig gamit ang tape bago unti-unting isinara ang pinto.

Lumabas naman sila ng kuwarto kung saan ikinulong noon si Princess.

"Yuhoo!" nakita kong nagdiwang sila sa harap ko. Nagpalakpakan at nag apiran ang apat sa harap ko.

Tumungo naman sila sa sala at tinugtog ang 'Closer' na kinanta ng The Chainsmokers.

'♪So baby pull me closer in the back seat of your Rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Of that mattress that you stole
From your roommate back in Boulder
We ain't ever getting older♪'

Nagsasayawan sila. Nagdidiwang. Hindi pa tapos ang lahat. Kailangang mahanap namin ang dalawang mag pinsan.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon