WSE 49
Chei Ann's POV
Papalubog ang araw at unti-unting umaangat ang buwan. May pasok na bukas, kaya kailangan ko na 'tong tapusin ang mga hayup na 'to para naman magkaroon na ng katahimikan sa mundo ko– sa buhay ko. At kailangan na 'rin nilang tumahimik dahil ayaw kong isa sa kanila ang mamamatay.At bakit ko nga ba sinabi iyon kay Princess na isa lang dapat sa kanila ang mabuhay? Para may thrill, para makita ko siyang tuwang-tuwa habang inuuto siya. At pagkatapos no'n? Lahat sila mamamatay at kaming dalawa lang ni Althea ang mabubuhay sa grupong 'to.
"Princess? Anong gagawin nila sa atin?!" dinig kong tanong ni Quila nang makalabas na silang lahat sa kani-kanilang kulungan.
Ba't ko nga ba sila pinakulong kanina? Dahil ayaw kong ng may umi-istorbo sa usapan namin ni Princess. Agawan 'to ng trono at ako pa 'rin ang nanalo hanggang sa huli. Kaya sa akin ang huling halakhak! HAHAHAHA!
Dinig ko namang ikinuwento ni Princess lahat ng pinagsasabi ko sa kanya kanina, kung paano ko 'to ginawa at bakit ako nagkaganito.
Nang matapos mag kuwento sa Princess tungkol sa buhay ko ay ako naman ang nagpatuloy mag kuwento habang naglalakad-lakad sa harap nila. Still ay nakatali pa 'rin ang mga paa't kamay nila at nakatakip ang dalawang mga mata nila kaya makinig na lang sila sa i-ki-kuwento ko.
"Ano nga ba ang ginawa ko no'ng may nangyari kay James? Paano ko nga ba pinatay si James?" ngumiti ako dahil tuwing naririnig ko ang pangalan ng ex ko ay nandidiri ako dahil in dact ay hindi ko alam na bakla pala siya "Simple lang naman. Madaling araw nangyari no'n at hinintay ko kayong matulog lahat, I even seduced him kung may pag-asa pa pero wala na pala kaya ang ginawa ko na lang ay hintayin siya matulog hanggang sa natulog na siya at dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto para kunin ang kutsilyo sa kusina. Kahit winelcome niya ako sa grupo't niligawan ay kailangan ko pa 'rin siyang patayin para hindi niya malaman lahat ng binabalak ko. After no'n, I chopped his stomach even his legs dahil nang do'n 'yung mga taba sa katawan niya. And I put that in the fridge at sukang-suka kayo no'n. In fact, I loved his meat."
"BALIIIW!!! ISA KANG BALIIIW!!!" sigaw ng sigaw si Keanna na as of I care kung tawagin niya akong baliw.
"After I killed, James? Guess who's the next victim?" napatawa pa ako ng konti "Duh, it's Florence. Why did I killed her? Ba't hindi na lang siya 'yung huli sa patayan? E, kasi dapat ang mga walang kuwenta ay inuuna because the useful ones has to know the truth!"
"We simply killed her dahil masyadong siyang madada at baka kung anong makita niya sa amin ay ilalantad niya kami sa inyo at sa pulis! Kaya sinabi ni Chei Ann sa amin na bantayan naming dalawa ni Kaye Mark sina Angel, Aila at Florence sa convenience store na tatakas ay papatayin namin sila. Pero si Florence lang pala 'yung tumakas and she's one of the traitor sa barkada. Biruin mo, kaya niyang tumakas just to save herself and that's too selfish for all of you naman, di ba?" dumagdag naman si Althea.
"At ang sinunod mong pinatay ay si Aila, dahil ayaw mong malaman niya 'rin ang sikreto mo dahil pag nalaman niya iyon ay ilalantad niya!" diin na sabi ni Princess.
"BINGO!" sigaw ko "Mabuti naman ay nagkaroon ka na ng isip, Princess. And back to my topic, bago pa lahat ng planong ito ay inalam ko muna ang japanese word ng death and it's too close sa pangalan kong Chei at iyon ay Shi. Ba't hindi niyo iyon na isip and it's too obvious sa clue, di ba? Timing nga 'yung word sa pangalan ko right?"
"The next mission na ginawa niyo ay hulihin kami ni Kaye Mark dahil sa tingin niyo ay killer kami, di ba? And then, good thing na pinatakas namin si Princess no'n no'ng madaling araw at inutusan kayo ni Chei Ann na ipalabas siya sa sako, di ba? At iharap si Princess sa amin kung siya ba talaga 'yung leader namin pero nakatakas na siya. Chei Ann left us the scissors to cut the ties at tumakas na kami. Pero hindi nagkamali pala kami sa pinlano namin dahil nalaman niyo na nga kung sino 'yung accomplice ng killer! At do'n kami na buwisit sa plano namin!" pag ki-kuwento naman ni Althea.
"And also, about kay Heavenly? Hindi ko sana siya ibully kung hindi niya lang nalaman ang sikreto naming tatlo! Kaya araw-araw ay binabantaan namin siya na kung ilalantad niya kami ay ako mismo ang papatay sa kanya! Siya mismo ang isusunod ko kay Jane but too late, mag suicide siya. I thought na totoo 'yung suicide niya but she explains na just for the show lang 'yun sa parents niya at nawawala na 'rin siya sa kanyang sarili to get revenge on me! But her revenge is her karma. Na lason siya to get herself alive pero hindi niya alam na 'yung iniwan kong tubig ay may poison. Now her revenge is her karma. Akala niya mabubuhay pa siya sa paghihiganti niya pero nilason niya lang ang sarili niya. Kung may isip lang sana siyang napapansin na may suspicious sa paligid niya ay sana hindi niya na lang ininom 'yung tubig. Too bad, wala siyang utak. Tatanga-tanga!" sabi ko.
"Kaya nga kahit sinu-sino ang tinuturo ko sa barkada para lang pagtakpan ang sarili ko. Para hindi ako halata. Pero ang tanga niyo pa 'rin, ang dami na ngang clue sa paligid wala pa 'rin kayong nahuhulaan. And mabuti na 'rin iyon para ipatuloy ang laro ko. Kaya nga I'm good at acting. Kaya nga kinokontrol ko ang mental illness ko when it comes to bait-baitan at sakit-sakitan. Hihihi." dagdag ko pa. "And the story goes on. Lahat ng patayan na nangyayari ay ako ang mag kagagawan no'n. Pero mukhang may nakikisali. Who's this na pinagsasabi ni Quila habang nanonood tayo ng killing video ni Florence? Na hindi ganyan 'yung suot niya thingy na pinagsasabi niya?"
"Si Princess." sagot ni Quila.
"Oh, kaya pala pinatay rin ni Princess ang boyfriend niya at na iinggit siya sa akin? Haha. Kasi may gusto sa akin boyfriend niya! Oh god. Ang ganda ko! HAHAHAHAHA!" tumawa naman ako ng tumawa pero dinig na dinig ko ang inis ni Princess.
"Ginawa mo 'yun Princess?" hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.
"O? Gulat kayo, 'no? HAHAHAHAHA! MAMATAY TAO RIN PALA 'YANG REYNA NIYO! HAHAHAHA!" pang iinsulto ko lalo.
"N-Na... Na tempt lang ako."
"'Yan! 'Yan ang gusto ko! May fighting spirit! HAHAHAHA!"
"SHUT UP!!!" sigaw ni Quila kaya sinampal ko siya ng malakas!
"IKAW ANG TUMAHIMIK, POTA KA!" sigaw ko sa kanya.
"At ang laro natin ngayon ay tinatawah na Sacrifice Your Shadows." napatawa naman si Althea sa kanyang sinabi.
"Pipiliin niyo kung sino ang mag sasakripisyo ng buhay nila para sa inyo. At pag sinunod nila 'yung utos niyo sa kanya ay isa ka ng ganap na tunay na plastik!" dagdag ko pa.
"A-Anong sacrifices na pinagsasabi niyo?" tanong ni Keanna.
"Ang mamatay sila para aa inyo!" sigaw ni Althea bago tumawa.
"Are you ready kids? 'Cause we're gonna play this bloody game." ngiti kong sabi sa kanila. "Nakahanda na ba lahat, Althea? Tatlong challenge ang ibibigay natin sa kanila, di ba?"
"Nakahanda na lahat." sagot ni Althea.
And the game starts now.
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...