WSE 32

112 5 0
                                    

WSE 32

June 1, 2016
Adrian's POV
Sa pag gising namin sa umaga ay sabay-sabay kaming lumabas ng kuwarto. Kinusot-kusot ko ang dalawa kong mga mata nang matapos ay tumingin sa pader na nakaharap sa kuwarto.

Dugo.

Iyon ang aking-- este, aming nakikita ngayon. Punung-puno ng dugo ang pader pati na rin ang sala. Kaya lahat kami ay nagulat! Isang malansang at mabahong na amoy ang pumasok sa aming ilong. Niyayakap kami ng baho ng dugo. Siguro, kagabi 'to ng umpisa. Aist.

Napakamot ako ng ulo kung bakit na naman nangyari 'to. Buwisit. Naka-lock naman ang pinto, ah? Pa'nong may duplicate?

"Pag naka-lock 'yung pinto, gamitin mo 'yung credit card mong expired na. O kaya hair pin..." wika ng isang babae sa isip ko.

"Sa'n mo naman 'yan nalaman?" tanong ko.

"Napanood ko sa cartoons. Hehe."

Kaya pumikit-pikit ako ng sandali dahil hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang 'yun. Pero ang kanyang boses ay pamilyar.

"Shi?" dinig kong wika ni Chei Ann kaya dahan-dahan siyang lumapit sa pader at kinuha ang sticky note na may nakasulat nito.

"Ano na naman ba ang ibig-sabihin nito?" tanong naman ni Keanna.

"Bilangin niyo ang member ng grupo, dali!" sigaw naman ni Quila.

Kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at nababalutan na naman ako ng kaba. Hindi puwedeng mangyari ang na iisip ko ngayon. Dapat nagkamali lang ako ng iniisip.

"Tama naman, ah? Lima lang tayo." sagot naman ni Davy kaya mas lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko.

"Si Princess," wika ko kaya agad akong napatakbo sa kanyang kuwarto.

"Hindi puwedeng mangyari 'to! Siya 'yung killer, 'di ba?" sigaw naman ni Chei Ann kaya dinig ko 'rin ang mga yapak nilang sumusunod sa akin patakbo sa kuwarto ni Princess.

Hindi puwedeng dugo niya ang nakapahid sa pader. Hindi dapat. Ayokong may mabawasan na naman sa barkada. Hindi maaari.

Nang makarating ako ay katok lang ako ng katok sa kuwarto ni Princess at sinisigaw ang kanyang pangalan sa labas! Ngunit naka-lock pa rin ang pinto kaya inutusan ko si Keanna na buksan ito kaya agad naman siyang napatakbo sa kanyang kuwarto para kunin ang susi.

"PRINCESS! PRINCESS!" muli kong sigaw habang kinakatok ko pa rin ang pinto ng kuwarto.

Dumating naman si Keanna at ibinigay sa akin ang susi at agad ko itong pinasok sa keyhole bago inikot ang doorknob. Kaya bumukas ang pinto at nakita namin siyang nakaupo lamang sa sahig at nakayuko ang kanyang ulo sa itaas ng kama. Nakapikit ang kanyang dalawang mata na para bang natutulog ito.

"Princess!" agad akong lumapit sa kanya at sinubukan siyang gisingin at nakita kong may tagos ang kanyang shorts.

Namumutla ang kanyang mga labi at nanghihina ito. Kaya biglang sumagi sa isip ko na hindi pa siya patay. Hindi pa nga siya patay.

"Princess!" muli kong sigaw.

Pansin kong hawak-hawak niya ang kanyang tiyan kaya nagtataka ako kung bakit.

"A-Aray..." pansin kong mas lalo niya pa hinigpitan ang paghawak sa kanyang tiyan na para ba itong kumikirot.

"A-Anong nmagyayari sa kanya?" tanong ko sa kanila kaya napa-crossed arms naman si Keanna.

"May dysmenorrhea siya. It means, painful menstruation. Duh." sagot ni Keanna.

"Si Quila na ang bahalang bumili ng napkin para sa kanya. It's her menstruation..." wika naman ni Chei Ann.

"May gamot pa nito?" tanong ko.

"Bahala siyang sumakit ang tiyan niya. Killer siya. And it's her punishment," dagdag pa niya "It's her fate, you dumb ass."

Quila's POV
Inutusan ako ni Chei Ann na bumili ng napkin para kay Princess. Kaya sinunod ko naman tutal na aawa ako kay Princess sa kanyang kalagayan ngayon. Naranasan ko rin kaya ang nararamdaman niya ngayon. 'Yung parang iiyak ka sa sakit at hapdi na nararamdaman mo. Shit.

Habang sa paglalakad ko papunta sa tindahan ay parang may nagmamasid sa akin sa paligid... na naman. And I'm pretty sure it's Adrian again since ginawa niya ito sa akin noon.

"Adrian, no need to follow me again. I can do it with myself kung may na encounter man akong killer..." napatawa kong sabi pero hindi siya sumagot.

Kaya huminto at sa paglalakad at agad lumingon sa likod ko at wala naman itong tao. Kaya nagtataka ako pero siguro naman ay nagtatago lang si Adrian to make a prank for me.

Dala-dala ko na rin pala ang bote na isasauli ko sa tindahan kung saan kami bumili noon ni Adrian. At ang perang dinadala ko ngayon ay ang pera na nakatago sa bulsa ng maleta ni James. Nagnakaw na naman ako. But oh well, he's dead already. Tss.

But then, habang sa paglalakad ko ay may yapak pa 'ring nakasunod sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ko hanggang sa napatakbo na lang ako. Takbo lang ako ng takbo nang makarating ako sa tindahan at agad sinauli ang bote bago bumili ng napkin.

"With wings ba?" tanong ng tindera sa akin.

"Opo." sagot ko na medyo kinakabahan dahil sa tingin ko ay may mangyayari na namang masama sa akin.

Nang binayaran ko ay agad akong umalis na hindi na dala-dala 'yung sukli kaya tinawag ako ng tindera pero hindi na ako lumingon.

Tumakbo lang ako papunta sa mansyon kaya hinahabol ko ang hininga ko sa pagtakbo at tumutulo ang sariwang mga pawis ko sa aking noo.

Hanggang sa...

"Tss."

Napahinto ako sa pagtakbo nang humarang si Althea sa harap ko and she smirked in front of me!

Napalunok na lang ako while I slowly stepping backward. Nanginginig na naman ako sa takot kaya nabitawan ko ang napkin na hawak ko.

"Mukhang natatakot ka yata nang bigla akong sumulpot, ah?" she smirked again kaya mas lalo akong nanginig. "Sa tingin ko araw mo na yata ngayon. But wait, isa-isahin ko pa pala kayo. Papatayin ko kayong lahat including the leader of killing!"

"Puta ka," hindi ko alam pero biglang lumabas 'yun sa aking bibig "Putangina mo!"

Mas lalo akong umatras kaya napatumba ako nang may humarang sa likod ng paa ko ang medyo malaking bato! Sumakit bigla ang puwetan ko.

"Gulat ka? Sheesh. Ano ba 'yan..." napakamot pa siya ng ulo "Pagkatapos mong mamatay, ikamusta mo naman ako may satanas sa impyerno!"

At pagkatapos ng katagang iyon, sinipa niya ako sa panga dahilan na nahimatay ako! Paano na 'to? Mamatay akong hindi alam ang dahilan ng lider ng isang killer na 'to.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon