WSE 31
Keanna's POV
Lahat kami ay na alarma nang makarinig kami ng sigaw ni Chei Ann mula sa banyo. Nagsitayuan kami at agad napatakbo papunta sa harap ng banyo ay nakita naming nag hi-hysterical kung makasigaw si Chei Ann dahil sa takot na kanyang nakita!"AAAHHH!!!" tinuro-turo niya pa ang lababo kaya napabagsak siya sa sahig dahil sa takot.
Kaya lahat kami ay napatingin sa banyo at nakita ang isang pugot ulo ng matandang nakanganga at duguan ito! Punong-puno ng dugo ang lababo at mukhang hindi ito nag di-drain sa pipe dahil natakpan ang drainer nito.
Umiling-iling sa sigaw at takot ang naka tupis na si Chei Ann sa sahig ay at pinagsasabunot pa nito ang sariling buhok.
"Pati pa naman sa matanda? Wala silang kaawa-awang pumatay? Hindi ba sila na ko-konsensya?" galit na taning ni Adrian.
Naaalala ko pa no'ng una namin siyang nakita habang naghuhukay kami para sa pugot na ulo ni Aila.
Habang naghuhukay si Adrian ay isang matandang lalaki ang napadaan sa amin at tiningnan kung ano ang hinuhukay namin.
"Naku, ano bang hinuhukay niyo diyan?" tanong niya.
"Ah, wala po. Naghahanap lang kami ng gold. Pangsangla sa pawnshop. Hehe." palusot ko.
Napansin kong napatigil si Adrian sa paghukay at tumingin sa kanila. Si Davy naman ang inutusan niya dahil nakaramdam ako ng pagod sa pagbungkal ng lupa.
"Ikaw, iha? Ano ba 'yang hinahawakan mo?" tanong niya naman kay Chei Ann.
"Wala po. Bola lang." palusot na sagot ni Chei Ann habang hawak ang ulo ni Aila na nakabalot sa itim na tela samantalang ang katawan niya naman at pira-pirasong putol na kamay at paa ay ipinasok namin sa loob ng sako.
"Naku, ano ba namang ginagawa niyong mga bata kayo. Sige, salamat sa tsimis at aalis na ako. Hehe." nag peace sign pa ang tanda saka naglakad palayo sa amin.
"Shit," pagmumura ko dahil ako na naman ang inutusan ni Chei Ann na iligpit ang bangkay no'ng matanda. "Kailangan ng mga killers i-explain 'to..."
"Bilisan mo nga. Nakakaawa si Lolo, o." pinunas-punas niya pa ang luha sa gilid ng mata niya.
"E, ano kaya kung ikaw mag ligpit nito, ano? Ang tamad mo namang hinayupak ka," pagsagot ko sa kanya.
"Bilisan mo na kasi. Na bi-buwisit na ako sa kabagalan mo, e."
Napansin ko naman ang tono ng kanyang boses na kanina lang ay garagal ito dahil sa kakaiyak tapos ngayon naman ay 'parang wala lang nangyari tone' 'yung boses niya. Sheesh. Inirapan ko na lang siya.
"Sa tingin ko si Princess ang may pakana nito..." biglang sumagot si Quila habang nilalagay ko sa timba 'yung ulo na hindi-hindi ko makuha dahil sa natatakot ako baga dumilat 'yung mata.
"Paano mo naman 'yan na sabi, aber?" tanong ni Davy na halata sa boses ang sarcasm.
"Hindi kasi. Ano-- Parang..." nakita ko siyang napakamot sa ulo "P-Parang may mali, e. Dapat hindi na lang natin siya kinulong para walang ganitong sitwasyon ang mangyari. Para wala ulit patayan ang mangyari..."
"Erase that word 'natin' because it's all Chei Ann's fault. Siya naman ang may kasalanan nito kung bakit bintang siya ng bintang without any proof she's working on..." sagot ko pagkatapos kong inilagay sa timba ang pugot na ulo ng matandang lalaki.
Lumabas naman ako kaya nakita ko sa pinto na nakanganga si Chei Ann sa sagot ko na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Wow! Just wow!" napatawa pa siya ng konti "You're blaming me for this kind of situation? What kind of animal are you?"
Lumabas naman ako sa mansyon at dumiretso sa poso namin. May poso rin kami kahit papaano.
"Kung sino man ang mas hayop sa atin, ikaw iyon..." tumigil ako sa aglakad at hinarap ko siya "Kasi may ugali kang kahayupan at mukha kang hayop. Tsh."
"And how dare you to talk to me like that?" and her voice was covering some sarcasm.
"Yes, it's true." dinig kog sagot ni Quila. "Oo. Hayop ka rin talaga kahit papaano. Dapat nga hindi ka na pinanganak sa mundong 'to, e."
Inilapag ko naman ang timba sa poso at kumuha ng sako sa likod ng poso dahil do'n namin iyon tinatambak ang mga sako namin.
"Ba't niyo ba ako kinakalaban ngayon? Ano bang problema niyo sa akin?" tanong niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
"Ha? Anong problema namin sa 'yo?" I smirked. "Ay 'yung nag re-reyna-reynahan ka sa grupo kahit alien ka pa lang sa amin. Kahit joiners ka pa lang. Oh well. Napapansin na kasi namin sa 'yo, Chei Ann, e."
"And we thought that... maybe you're the killer..." wika ni Quila.
"Well fuck your minds! Maling-mali kayo sacpinagsasabi niyo!" sigaw niya "Ginagawa ko 'to sa grupo natin para ayusin! 'Yung Princess na iyon? Iyon ba ang totoong lider sa grupong 'to? Kaya lang naman ako sa sumali dito because I want to fix my mistakes, dumb asses!"
"Then why don't you say sorry at the first place? Hindi naman iyon ikataas ng pride namin kung iniisip mong hindi namin iyon tatanggapin, Chei Ann..." dinig kong sabi ni Davy sa likod ni Quila.
"At hindi mo na 'rin naman kailangan sumali sa grupong 'to dahil o para ayusin ang mga kasalanan mo dito..." dagdag naman ni Adrian.
"Oh just shut up!" umalis naman sa harap namin si Chei Ann.
Nagakatinginan naman kaming apat. Oo na lang kami dito sa mansyon dahil kakaunti na lang kami. Para kaming na sa loob ng PBB house na kailangan ng eviction with a twist of patayan kung tutuusin. Kung sinong nagkamali ay papatayin. Kung sinong mas masamang ugali ay mamatay. Then Kuya is the killer, and we are his housemates.
But I don't think na si Kuya talaga 'yung killer dahil malakas ang kutob ko na parang si Ate ang killer. Oo ate. Iyan ang kutob ko.
"Sige na, Keanna. Ipasok mo na 'yan sa sako..." inutusan naman ako ni Quila kaya tinulungan na 'rin ako ni Adrian.
Ilang dugo na ba ang kumalat sa paligid ng mansyon namin? At ilang sako na ba ang na-aksaya namin? Kailan pa ba titigil ang patayang 'to?
Kailan pa ba?

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mistério / SuspenseSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...