WSE 23

159 5 0
                                        

WSE 23

Princess' POV
Kanina pa namin hinhintay ang kasagutan ni Heavenly kung sino nga ba ang killer sa likod ng patayang nagaganap. Pautal-utal pa rin siya sa kanyang mga pinagsasabi. Kilala ko naman talaga simula sa una kung sino ang killer, e. Pero hindi ako sigurado kung siya nga ba.

"S-Si..." pagpapatuloy ni Heavenly.

"Sino ba? Puwede bang banggitin mo na? Kanina pa kami na iinip, e." bulyaw ni Keanna.

"Di ba sabi mo, okay lang na mamatay ka sa harap namin basta't na banggit mo ang killer?" wika ko.

"S-Si... Si Davy ang killer ng grupo."

Nagulat si Davy sa kanyang narinig at tanging pagtataka lang ang na buong katanungan sa aking isipan kung bakit si Davy ang itinurong killer. Kung bakit siya ang naging mastermind ng mga krimen na 'to. At tanging pagtitig lang kay Davy ang aking nagawa at hindi ko man lang siya nagawang tulungan sa kanyang pagsigaw.

"HINDI TOTOO 'YAN! HINDI AKO MAMATAY TAO!" sigaw ng sigaw si Davy habang inaawat siya ni Keanna at Chei Ann.

As usual, may sakit pa rin ngayon Chei Ann pero sa tingin ko gumagaling na siya. Tss. May sakit o nagsasa-sakit-sakitan?

"HINDI AKO KILLER! SINUNGALING KA, HEAVENLY! BA'T AKO ANG ITINURO MONG KILLER?!" dagdag pa ni Davy na parang iiyak na. "SINUNGALING KA! HINDI AKO KILLER! WALA AKONG KINALAMAN SA PAGPATAY! GAGA KA!"

Biglang kumirot ang puso ko. Si Davy, mukhang mag aagaw buhay yata sa mga pinagsisigaw niya kay Heavenly.

"Ikulong natin si Davy sa kuwarto, dali!" narinig kong sigaw ni Chei Ann kaya sumunod naman si Keanna.

Hinila nila papasok si Davy sa isang kuwarto kung saan ako nakakulong noon. Walang awa nilang sinipa at tinali si Davy sa kama. Nang matapos ay lumapit sa akin si Chei Ann na nakangiti.

"Kita mo na? Dahil sa 'yo, napapahamak rin pala ang grupo." ako ang sinisi niya bago siya umalis.

"PAKSHET KA!!!" sigaw ni Davy sa loob ng kuwarto bago isinara ang pinto.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaibigan ko rin si Davy. Kailangan ko siyang iligtas sa kamay nila. Hindi na ako ang lider ngayon, pumalit na naman si Chei Ann. Siya na naman ang namuno. Hindi maaari.

Inilagay na rin namin si Heavenly sa cabinet, kung nakakulong noon si Chei Ann. Kinausap muna namin siya.

"Ba't ka nagsinungaling sa pamilya mo?" seryosong tanong ni Chei Ann.

"Para maghiganti sa 'yo, Chei Ann. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit binalikan kita. Ikaw ang gusto kong patayin," nakangiti niyang sabi "Kaso hindi ikaw ang nabaril ko. Humarang pa kasi ang lintek na, Quila na 'yun. Tsk."

"Paano ka nagpakamatay? Nagbigti ka ba or what?" tanong ko naman.

"Nagpalunod ako sa ilog pero bago no'n, may iniwan akong sulat sa bahay. Actually, ang nakasulat do'n ay magpapalunod ako kaya gumawa ako ng set-up," sagot niya "May bata akong inuto kaya nang dumating ang nanay ko, itinulak ko kaagad 'yung bata sa ilog at narinig kong pinagsisigaw ni nanay ang pangalan ko. Akala niya, ako 'yung nalunod. Hindi pala. Tss. At do'n na ako natutong pumatay ng tao."

"So sino ang killer?" seryoso kong tugon.

"E, di ba si Davy na ang totoong killer? E, di ba siya na ang killer? Ba't hindi ka pa naniniwala sa kanya, Princess?" wika ni Chei Ann.

"At hindi rin ako naniniwala sa inyong dalawa. Malalaman na malalaman ko kung sino ang pumapatay ng tao rito sa barkada natin,"

"Malay mo, Princess. May tinatago ka pa lang sikreto."

At baka ikaw, Chei Ann? May tinatago kang sikreto? Tss.

Adrian's POV
Patuloy pa rin akong naghihintay sa labas ng operating room. Hinihintay ko na lang ang resulta ng kaligtasan ni Quila na kung buhay pa ba siya o patay na. Hindi ko matatanggap kung mamatay si Quila at may mababawasan na naman sa barkada.

Lumabas naman ang doktor ng ilang oras kaya napatayo ako at tinanong siya kung buhay pa ba si Quila.

"Dok, buhay pa, ho ba 'yung pasyente?" mabilis ang pagtibok ng puso ko sa sagot ng doktor.

"Y-Yes." nakangiti niyang sabi "Mabuti na lang at dumating ang himala at nabuhay muli siya. Hindi naman siya natamaan sa heart niya, nahimatay lang naman siya after siyang nabaril. Mostly, ganito ang nangyayari sa ibang pasyente kaya magkakaroon sila ng trauma nito after nilang magising."

Tumango-tango na lamang ako.

"And for now, excuse me." umalis naman sa harap ko si Dok.

Napaupo ako hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sinagot ng doktor kaya natutuwa akong buhay pa si Quila. Na sa maayos pa rin siya ng kalagayan ngayon.

Tumayo ako at pumasok sa loob ng kuwarto ni Quila at nakita siyang nakahiga sa kama. Sana sa pag gising niya, aakalain niya na panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Sa pagbaril sa kanya o kaya pag gising niya, iniisip niya lang na nagkasakit siya.

Pero hindi amnesia ang sakit ni Quila, wala siyang amnesia para kalimutan ang lahat ng ginawa sa kanya. Mahirap na kung makarinig siya ng putok ng baril ay agad siyang tatakbo na parang nababaliw.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Quila. "Quila, sana mapatawad mo kami ng mga kaibigan mo kung bakit ka nasali sa gulong 'to."

Nakita ko namang tumulo ang luha sa gilid ng kanyang mata. Naririnig niya yata ako. "Quila, sorry kung naging masamang kaibigan rin kami sa 'yo. Sana hindi ka na lang namin nakilala para hindi ka napahamak."

Hindi ko alam ang mobile number ni Tita kaya hindi ko siya matatawagan para sa kalagayan ng anak niya. Mas mabuting itago keysa lumaki ang gulo. Mahirap na baka parusahan pa ako ng mga magulang ko.

Bigla kong narinig ang pagputol ng linya ng heart rate monitor kaya nataranta akong lumabas ng kuwarto at tinawag ang doktor.

"DOK!!" pagsisigaw ko sa labas ng hospital "DOK!!"

Bigla namang nagsitakbuhan ang dalawang nurse sa daan kaya umalerto akong pumasok sa loob ng kuwarto ni Quila kaya sumunod sila sa akin. Pinalabas nila ako ng kuwarto at sila na ang gumawa ng paraan upang idiretso ulit ang heart beating ni Quila.

Diyos ko, sana mabuhay pa si Quila. Hindi ko matatanggap kung mawala siya.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon