WSE 2

355 13 0
                                    

Dedicated kay ate Onneechan. Nabasa ko kasi ang part 1 and 2 ng Special Section dahil ang ganda ng plot, na inspired ako. :D

-

WSE 2

May 23, 2016
Chei Ann's POV
Nakakaboring ang bakasyon at mabuti na lang na tumupad sa plano ang mga barkada ko. Siguro naman kung magkikita kami ng barkada ko nagmumukha silang hampaslupa. Unlike me, maganda pa rin ako. Tss.

"Hoy, guys. Oh my gosh. Muntikan na akong ma-late. Mabuti na lang at pumayag si mama na isama ako." sabi ni baklang Davy na sumulpot agad. Mukhang may energy siya ngayon. Napatingin siya sa akin. "Oh, Chei Ann? Ikaw pa pala ang nang dito?"

"Why? Sorry, ha? Ayaw ko kasing lumabas ng bahay. Nagbabad lang kasi ako sa gatas." ngumiti ako ng plastik.

"Saan ka ba bumabad? Sa planggana na puno ng gatas? So cheap mo naman. Pati pa naman bath tub hindi mo afford." sagot niya na may halong ngiti. Ngiting plastik na ibinayad niya rin sa akin.

"E kayo? May bath tub ba kayo? Parang meron talaga."

"So inaamin mo na wala kayong gano'n? Kasi nagpapakunwari kang mayaman kahit hindi naman pala." giit niya.

"Huwag mo akong simulan, ha? Nakakapikon ka na!"

"E, di mapikon ka." sabi niya saka dumating naman ang boyfriend ko.

"Hon," ngiting sabi niya na dala ang maleta at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Mabuti na lang, hon na nakarating ka. Nakakatuwa akong makita kita ulit." tuwang sagot ko. Humiwalay ako sa pagyakap ko sa kay James.

"E di wow. Kayo na may love life. Maghihiwalay rin kayo." napa-irap si Davy.

"Bakit?" tinaasan ko siya ng kilay. "Selos ka?"

"Nahiya naman ako." sagot niya.

"GUYS!!!" papalapit na sigaw ni Quila. Itong isang happy go lucky girl na 'to. Nakakairita ang boses.

"Oh my gosh, so haggard talaga. Like ang ganda ko. My ghad, hindi pa naman ako naka-make up ngayon. Sinong may suklay diyan?" pinahiram ko sa kanya ang suklay ko. "Pulbos? Meron ka?"

Umirap na lang ako at ibinigay sa kanya pulbos ko. "Mansyon puntahan natin, hindi party. Huwag tanga, Quila."

"Mas maganda ka pa yata sa mansyon, Quila." sagot naman ni Davy.

"Hayaan niyo na. Insecure lang 'yang mansyon na 'yan. At least gwapa ko. Harhar." ngiting sabi niya. Feeling.

"Chei Ann!" dumating naman si Keanna kaya ngumiti ako ng plastik sa harap niya. "Nakahanda na ang food buffet sa mansyon. So kayo? Handa na?" tanong niya sa amin.

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Quila.

"Sinabi ko lang, Quila para ma-excite kayo."

"Food buffet lang?" tanong ko. "My god, ma-afford ko 'yan. Kahit ilang buffet pa 'yan. Kaya ko."

"Bakit? Mayaman ka ba?" biglang may sumulpot sa likod ko. Si Princess.

"Oo." simple kong sagot.

"Siguraduhin mo lang." mukhang hinahamon niya ako kaya tumango ako.

Aila's POV
Excited na akong makita ulit si Chei Ann. Na iimagine ko na ang lahat. Siguro magki-kuwentuhan kami bago kami matulog tapos mag trashtalk sa isa't isa. Masaya siguro pag gano'n.

Hindi ko mapigilang ma-excite sa mga na iisip ko habang na sa loob ako ng tricycle. Bumaba naman ako sa tapat ng eskwelahan namin kung saan kami magkikita. Nakakatuwa.

"Chei Ann!" tumakbo ako papalapit sa kanya pagkatapos kong magbayad ng pamasahe. Niyakap ko siya. "Chei Ann, na miss kita!"

"Aray ko, Aila! Ang dyoga ko naiipit na!" pagreklamo niya kaya tinulak niya ako ng malakas at napaupo ako sa semento.

Hindi ko akalain na gagawin niya 'to sa akin? Hindi ba puwedeng yakapin ko siya ng mahigpit sa sobrang miss ko sa kanya? Siguro kaya niya lang 'to ginawa sa akin kasi na ipit ko dyoga niya sa pagyakap ko sa kanya ng sobrang higpit. Kasalanan ko rin naman, e.

"Tulungan na kita." may umabot ng kamay sa akin. Si Princess, isang plastik na kaibigan, tutulungan ako? Gosh. Shocking!

Tumayo ako at pinagpag ang sarili. "Huwag na kaya ko naman." tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos.

May dumating na isa naming barkada. "Guys, hala. HAHAHA! Pinayagan ako ni Mama na magsama sa inyo!" napansin niya naman si Chei Ann. "Hi Chei Ann, ang ganda mo talaga ngayon."

"Dati pa. Actually mas maganda naman ako keysa sa 'yo, e." ngumiti si Chei Ann. Nagjo-joke time na naman siya.

"Ay hala ka, bro. Bakit? Hindi mo na aapreciate ang beauty ko, bro? Hindi ka talaga mapagkatiwalaan, bro. HAHAHA!" tawa pa more 'tong si Florence.

"May patunay talaga, bro na mas maganda ako." tumawa ng konti si Chei Ann.

"E, di wow ka, bro. Ikaw na maganda. Madapa ka sana, bro."

"Ikaw rin, bro. Ingat ka, tanga ka pa naman." tawa lang ng tawa ang dalawa.

Sa wakas ay dumating na rin ang dalawa naming kaibigan. Sabay silang dumating, si Angel at Adrian. Gusto rin siguro nila ng bakasyon. Nakakaboring rin kasi minsa sa bahay, e.

"Uy, Chei Ann!" niyakap ni Angel si Chei Ann. "May i-chika ako sa 'yo mamaya. Excited ako, bro. Haha."

"Ano 'yun, bro Angel?"

"Mamaya na sabi. Basta." ngiting ngiting sabi ni Angel. Ang plastik ng ngiti niya unlike kay Chei Ann.

"Adrian, akala ko ba hindi ka sasama?" tanong ko.

"Sasama ako, 'no. Baka maraming pagkain sa mansyon nina Keanna. Pag uwi ko ilalagay ko ang ref sa bag ko para may pagkain kami. HAHAHA!" tumawa si Adrian.

"So ano na? Kumpleto na di ba, tayo? Kaya let's go na, bros. Party na 'to! Whoo!" sigaw ni Keanna.

"So asan na ang car mo, bro?" tanong ni Chei Ann.

"Ano ba kayo, tricycle ang sasakyan natin at hindi car. Nag assume na naman kayo." sagot ni Keanna.

"Cheap mo naman, bro. Mabuti pa kami may car." pagmamayabang ni Chei Ann.

Totoo naman talaga na may kotse sila. Bongga si Chei Ann. Ang poorita kasi nitong si Keanna.

"Hala, sure ka diyan, Chei Ann? Ba't hindi mo dinala."

Nagsimula na kaming maglakad para makapara ng tricycle. Wala kasing tumatambay na tricycle sa harap ng school.

"Bros, anong dala niyong gamit?" tanong ni Florence.

"Malamang damit namin." sagot ni Adrian.

"Ay? Damit lang?"

"Alangan namang buong bahay namin ipasok sa maleta?"

"Haha, hello joke?" kunwaring tawa ni Florence.

Tumawa na lang kami. Siguro nga masaya ang bakasyong 'to. Walang mangyayaring gulo. Walang kahit anong masama. Saya lang.

(Gwapa- Maganda)

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon