WSE 21

202 8 0
                                    

WSE 21

Keanna's POV
Sumapit ang gabi at malapit ng mag alas-dose, dinalaw na kami ng antok pero pinipilit pa rin naming hindi matulog dahil sa paghihintay kay Althea sa kanilang pinapa-rentang bahay.

Nanonood na lang kami ng TV habang naghihintay sa kanya. Hanggang sa isang tunog ang aming narinig mula sa kabilang bahay.

"Shh... Hinaan niyo 'yung volume ng TV. Baka si Althea na 'yan." bulong sa amin ni Princess.

"Alas-dose na ba?" tanong ko.

"Hindi pa. 11:11 pa lang ang oras." sagot naman ni Quila.

"E, di mag wish tayo na mahuli agad natin si Althea." sabi ko.

"E, kung i-wish kaya namin na ikaw ang sunod na mamatay?" sarkastikong sabi ni Princess.

"Joke lang naman. Charot lang 'yun. Hehe." napakamot pa ako ng ulo.

"Guys, p-puwedeng bukas na lang natin hulihin si A-Althea?" mahinang sabi ni Chei Ann.

"Hindi ikaw ang lider kaya shut up ka na lang, Chei Ann. Pa-eksena ka pang hinayupak ka." sagot ko naman.

Nanginginig naman sa lamig si Chei Ann habang nakaupo sa sofa. Tanging junk foods lang ang binili namin kaninang tanghali at kinain dahil wala kaming sapat na panggastos kung mag u-ulam pa kami. Hindi kami rich kid.

"Sige na, labas na tayo at hulihin na natin si Althea." wika ko kaya sinunod naman nila. Feeling leader rin ako at least maganda pa rin. Hihi.

"Sige, ma-uuna na kayo. Iihi lang ako sandali." ani Angel kaya naman ay tumungo siya sa loob ng banyo.

Lumabas naman kami pero bago namin ginawa iyo ay pinatay muna namin ang ilaw bago tumungo sa kabilang bahay. Walang kaalam-alam si Althea sa mga ginagawa namin at malamang hindi naman namin siya kasama o katabi kaya no ker siya sa plano namin.

Dahan-dahan lang kaming naglalakad habang nakayuko papunta sa malapit na bahay at do'n namin nakita sa balcon at mukhang nakaupo na si Althea at may kasama pa ito. Sa tingin ko si Kaye Mark ito dahil sa kanyang anino sa dilim na tanging sikat ng lang ng buwan ang nakatutok sa kanila.

"Sige, sisiguraduhin kong mamatay silang lahat. Mabuti na lang talaga na uto-uto si Papa sa mga ginagawa ko." narinig naming banggit niya sa kanyang kausap.

"Mabuti na lang at may nirerenta kayong bahay para sa mga bisita. Ang tanga talaga mag-isip ng plano ang ama mo, Thea para magkaroon lang kayo ng pera." sagot ni Kaye Mark. "Sisiguraduhin mong maayos 'yang mga gagawin mo para naman palagi kang may prize sa lider natin."

"Sure. At mabuti na sinabi kaagad sa akin ni Papa na may nagri-renta na ng bahay at mga kaibigan ko pa." wika niya.

"Jusko naman, Princess. Mukhang friendship goals yata 'yang mga pinagpaplanuhan nila." mahinang bulong ko kay Princess.

"Tumahimik ka, Davy baka marinig nila tayo..." sagot ni Princess ng pabulong. Minsan talaga may pagka-shunga 'rin 'tong si Princess, kailan pa kami nagkahawig ng boses ni Davy?

Hindi ko na lang siya sinagot baka murahin ko siya ng wala sa oras para naman mabawasan 'tong pimples ko sa mukha hindi 'yung puro stress ang kalagayan ko.

Nagtago lang kami sa gilid ng balcon ng bahay para hindi kami makita. Pero ramdam naming tumayo ang dalawang magpinsan at hindi namin alam kung saan sila tutungo.

"Princess, dalawa sila. Paano natin mahuhuli si Althea? Baka mapatay nila tayo ng wala sa oras." narinig kong bulong ni Davy.

"Gagawa na lang tayo ng paraan, Keanna. Kailangan nating pumasok sa loob ng bahay ni Althea na hindi niya nalalaman at hahanapin natin ang mga ebidensya sa pagpatay nila ng kanyang pinsan sa mga barkada natin." shungang sagot ni Princess na akala niya na si Davy ay ako.

"Paano pag mahuli nila tayo, Princess?" narinig kong bulong ni Quila.

"Marami tayo, dalawa lang sila kaya kakayanin natin 'to."

"M-Mapapahamak talaga ako nito, Princess. Mahaba pa buhay ko. M-May sinat pa ako." bulong sabi ni Chei Ann.

"E, di umuwi ka na. Pake ba namin sa 'yo, Chei Ann? Duh." tugon ni Princess.

"Tumahimik na nga kayo. Baka masira pa plano natin pag may nag-aaway pa." wika ni Adrian.

Tumigil naman sila sa kaka-bulyaw at sinimulan na namin ang aming plano na pumasok sa loob ng bahay na hindi nila napapansin.

"AAAHHHH!!!" may sumigaw. Kaya nakaramdam kami ng kaba at nagtataka kung saan nagmula ang sigaw.

"Sinong sumigaw?" tanong ko.

"I thought na si Chei Ann iyon." sagot ni Princess.

"Sa tingin ko si Quila. Mukhang iniihaw na yata." bulong naman na sabi ni Davy.

"S-Si... Angel." utal na sagot ni Adrian.

Kaya dali-dali kaming lumabas ng bahay at agad tiningnan ang ni-rerenta naming bahay sa kabila.

Nasusunog.

May 29, 2016 (12:00 AM)
Davy's POV
Natatakot ako sa aking nakita dahil nasusunog na ang ni-rerenta naming bahay. Sayang ang five hundred, jusko. Ba't pa kasi nagrenta ng bahay.

"Yung mga g-gamit natin!" sigaw ni Keanna saka pumasok sa loob ng bahay na nasusunog.

Akmang tatakbo na rin sana papasok sa nasusunog na bahay si Quila pero pinigilan ko siya. "Huwag mo na siyang sundan. Hayaan na nating mamatay 'yang si Keanna. Wala namang na-idulot sa barkada." wika ko.

"Gaga! 'Yung pagkain ko sa bag! Kukunin ko baka masunog, sayang!" sagot niya binitawan ko naman ang kamay niya saka siya pumasok sa nasusunog na bahay.

Pumasok naman sila Adrian at Princess sa loob ng bahay. Samantalang si Chei Ann naman ay nagpa-iwan lang at patuloy pa rin sa pagda-drama niyang sakit-sakitan.

Pero biglang bumilis ang tibok ng heart ko. Senyales ng kaba at may na iisip.

Si Angel, baka masunog siya.

Tumakbo ako papasok ng nasusunog na bahay kasabay naman ng paglabas ng mga barkada ko dala-dala ang kanilang back pack. Tinanong ko naman sila kung nakita nila si Angel pero nagpapanic na sila.

Kaya pumasok na lang ako at hinanap siya. "ANGEL!" sigaw ko.

"TULONG!" dinig ko ang boses ni Angel.

"ANGEL, SA'N KA?"

"TULUNGAN NIYO AKO!"

"ANGEL!" patuloy pa rin ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa nakita ko siyang nakadapa sa harap ng CR.

Natatakpan na ng nasusunog na debris ang kanyang dalawang binti.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon