WSE 19

196 7 0
                                    

WSE 19

Davy's POV
Iyak ng iyak si Keanna habang naliligo sa loob ng banyo. Na trauma yata siya sa ginawa ng dalawang killers sa kanya. Nilinisan na rin namin ang mga bahid ng dugo sa sahig kung saan sinabi ni Keanna na kinalat ng dalawang killers. 'Yung damit naman ni Keanna ay sinunog na namin, natuyo naman ang tinta ng dugo sa damit nito kaya sinunog na lang namin.

Sa ngayon, ginagamot namin sa sala ang nabaril na si Adrian. Nabaril siya sa gilid ng kanyang braso at mabuti na lang ay ligtas siya kaya waley na naman ang nabawasan sa grupo.

"AGH!" pagsigaw niya nang gamutin namin ang kanyang sugat.

"Sa susunod naman kasi, Adrian. Huwag kang patanga-tanga. Huwag mo nang sundan ang mga killers kung ayaw mong ikaw ang mamatay." sabi ko kay Adrian.

"Gusto ko kasi silang mahuli at gusto kong makita sila namamatay sa harap ko."

"O, tapos? Ikaw naman ang gusto nilang makitang mamatay sa harap nila. Gano'n 'yun sa kanila, Adrian." giit ko. "Hindi ka bayani, Adrian. Oo. Niligtas mo nga kami pero hindi bayani ang tawag do'n, katangahan ang tawag do'n, Adrian dahil isusugal mo ang kaluluwa mo sa kanila."

"Alam ko." yumuko siya. "Ang tanga ko talaga. Sana hindi ko na lang sila hinabol."

"Tanga ka talaga." bulong ko.

"O, sige na. Tama na 'yan." singit ni Quila. "Pakainin niyo na si Chei Ann sa loob ng cabinet baka nagugutom na 'yun do'n."

"Wala tayong pagkain," sagot naman ni Angel.

"Huwag na. Huwag niyong pakainin ng pagkain si Chei Ann." pagsalita ni Princess.

"Ha? Paano kung nagugutom na siya sa loob?" tanong ni Quila.

"Bakit? Na isip niyo rin ba ako no'ng nagugutom ako?" sagot naman ni Princess. "Mabuti pa siya, na isip niyo. Samantala ako, hindi."

"Inisip ko rin naman ang kalagayan mo, Princess." ngiti kong sabi sa kanya. "Pero hindi ko magawang pakainin ka no'ng nagugutom ka. Baka kasi, mahuli ako ni Chei Ann at ako ang isunod sa 'yo kaya natakot ako."

Ngumiti na lamang si Princess sa akin. May narinig naman kaming pagbukas ng pinto kaya lumingon kami sa likuran at nakita si Keanna na papasok sa kanyang kuwarto. May nanunuyo na rin ang dugo sa kanyang balikat kung saan siya isinaksak.

"Kawawa naman si Keanna." pagsasalita na naman ni Quila.

Quila's POV
Nang matapos naming gamutin ang sugat ni Adrian ay nag kuwentuhan naman kami. Kinalimutan namin ang problema kaninang madaling araw pansamantala para naman masiyahan kami.

Bigla ko tuloy na isip si Chei Ann. Kamusta na kaya siya? Hindi ba siya nagugutom? Sumikat na ang araw pero hindi ko pa rin siya nabibisita.

"Wait lang, guys. May kukunin lang ako." pagpaalam ko sa kanila.

"Okay, Quila. HAHAHA! Sige, Adrian mag kuwento ka pa." tawanan lang silang lahat habang nag ki-kuwento si Adrian.

Tumayo naman ako at tumungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at wala na ngang can foods pero meron namang junk foods kaya ito na lang ang ibibigay ko kay Chei Ann. Kinuha ko naman 'yung pringles at dahan-dahang pumasok sa isang kuwarto pero sira na ang door knob at kung saan ikinulong si Princess noon. Kinuha ko naman ang susi sa taas ng cabinet at binuksan ang cabinet kung saan nakakulong si Chei Ann.

Nakita ko siyang mahimbing ang kanyang tulog. "Bro Chei Ann, may pagkain akong dala. Pasensya na kung hindi kita ma-itakas rito, ha? Baka hulihin ako ni Princess at itulad niya ako sa 'yo."

Dahan-dahan naman niyang binuksan ang kanyang dalawang mata at napangiti na lang siya nang makita niya ako. "Salamat sa food, Quila." pinilit niya namang ngumiti.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at mukhang nanlalamig ito. Hinawakan ko na rin ang kanyang leeg at parang napapaso ako sa init ng kanyang temperatura! May sakit si Chei Ann.

"Bro, may sakit ka yata. Pupunta tayo sa ospital, dali!"

"Huwag na, Quila." pagpipigil niya sa akin.

"Ha? Bakit?"

"Baka, mahuli ka ni Princess at itulad ka niya sa akin."

Nakikita ko naman ang kaaawaan sa kanyang mga mata. Naaawa ako sa sitwasyon ni Chei Ann. Nanlalamig siya. Nanlalapsi ang kanyang labi.

"H-Hindi." lumabas naman ako ng kuwarto at tumungo sa sala. Nakita ko naman sila na hanggang ngayon ay nagtatawanan pa rin. "Bros, kailangan natin dalhin si Chei Ann sa ospital!"

Tumigil naman sila sa kanilang pagtawa nang matapos ko iyon sinabi sa kanila.

"Ba't naman natin siya dadalhin do'n?" nakataas kilay na tanong ni Princess.

"May sakit siya. Kailangan natin siyang ipagamot!"

"Aba't ang arte naman niya, Quila! Ako nga tatlong araw na hindi kumakain na hindi nagkakasakit tapos siya, hindi na kinaya ng sikmura niya? Ha! What a lame person." sarkastiko niyang sagot.

"Hindi mo naman ikakamatay kung hindi siya mapagamot, Quila." giit naman ni Keanna.

"Basta, ako na lang ang magdadala sa kanya sa ospital!" kinuha ko naman sa loob ng kuwarto ko ang jacket at ang natitira kong pera.

Pagkatapos naman no'n ay inalalayan kong palabas ng cabinet si Chei Ann. Ubo siya ng ubo at mukhang sinisipon na rin yata siya. Kailangan ko siyang ihatid sa ospital bago pa lumala ang lagnat niya.

"Paawa effect, how adorable." inirapan naman ako ni Princess nang makalabas na kami ng mansyon.

Naglalakad na kami patungo sa kalsada at nang makarating ay naghintay kami ng jeep bago pumunta sa ospital.

-

"IS she okay, doc?" tanong ko sa doktor nang makarating kami sa isang ospital.

"Yes, she's fine. Konting lagnat naman 'to at siguro kinabukasan ay magiging okay na rin ang lahat." sagot ng doktor. "Don't worry, Misis. May ibibigay naman rin akong gamot para sa anak niyo."

"MISIS?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Anong misis? Mukha na ba akong matanda, doc? Masyado na ba akong over-age sa itsura ko?"

"Bakit? Ilang tanong ka na ba, Misis?"

"Duh, I'm 14 years old pa lang kaya huwag niyo akong matawag-tawag na 'misis'. Siguro haggard na 'tong mukha ko kaya misis ang natawag niyo sa akin."

"Ay, hehe. Sorry. Akala ko matanda ka na, e. So kaano-ano mo ba 'tong kasama mo?" itinuro niya pa si Chei Ann na nakaupo lang.

"Classmate ko siya, doc. Naku, talaga, doc. Hindi ko tuloy matukoy kung sino ang may sakit sa inyo ng kasama ko." napakamot pa ako ng ulo. "Ikaw ba o siya?"

"O, siya. Nagbibiro lang naman ako no'ng una dahil bored ako at trip ko lang." napangisi pa si Doc. "Ito na ang reseta. Ito ang mga kailangan mong bilhin sa mga gamot niya, ha? Alagaan mong mabuti ang kasama mo, iha."

"Naku, doc. Kung hindi ka lang talaga maganda katulad ko, doc. Kanina pa siguro kita binatukan." kinuha ko naman 'yung reseta na inabot niya naman sa akin. "Salamat, doc."

Mabuti naman at hindi lumala ang pakiramdam ni Chei Ann.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon