WSE 33

107 5 1
                                    

WSE 33

Present Day...
Survivor's POV
Sa mga nangyayari ngayon ay nagugulahan ako. Sumasakit ang mga ulo ko sa mga katanungan nila na hindi ko naman ang alam ang isasagot sa kanila. Tsh. Pero may katanungan namang nabubuo sa isip ko kung bakit ako napunta rito? Bakit pinagkakaguluhan ako ng mga tao sa paligid at pinagtitingnan sa klase.

Sa lahat ng nagtatanong sa akin kung bakit ako nakalaya. Kung paano ako nakalabas sa impyernong iyo ay hindi ko rin alam kung anong isasagot. Wala akong alam kung paano ako nakalabas.

Pero ang pinagtataka ko kung anong 'yung impyernong tinatanong nila sa akin? Wala naman akong pinasukang gulo. Why do they keep asking me like that?

"Tss. Baka siya 'yung killer kaya naka-survive siya?"

"Geez. Siguro pag dito pa siya nag-aaral ay siguradong marami na namang madadamay sa pagkamatay ng barkada niya..."

"Ba't dito pa siya nag-aral?"

"Dapat i-kick na siya dito sa school..."

"Paalisin na kaya siya?"

Dinig na dinig ko ang mga bulungan nila na pumapasok sa aking tenga. Na para bang nabibingi sa ako sa pinagsasabi nila sa paligid.

Bigla namang may bumangga sa akin at dahilan ng pagkahulog ng mga libro ko! Kaya agad akong lumuhod at pinulot ito.

"Back off, bitch! Paharang-harang pa kasi sa daan. Nakakaawa ka naman..." sarkastikong wika ng isang babaeng ngumunguya ng bubble gum.

Kaya wala na akong magawa kung 'di ay tumayo na lang habang dala-dala ang mga librong hawak ko.

Sinamaan ko naman siya ng titig and then I smirked. "So sa tingin mo gumanda ka sa kakanguya mo ng bubble gum?" I said sarcastically.

"My god..." she smirked again at gano'n na rin ang mga kasamahan niya.

Nakita kong iniluwa niya ang bubble gum at hinawakan niya ito gamit ang kanyang daliri. Then she stretch it in front of my face at pina-ikot niya 'to sa leeg ko.

"E, 'di sa 'yong-sa 'yo na 'yang tanginang bubble gum ko," napatawa pa siya ng konti "And also, lumipat ka na bago pa matuloy ang patayan niyong magbabarkada."

Naglakad na sila palayo sa harap ko at  kumaway naman ang isang kasama niya sa akin dala ng isang sarkastikong ngiti sa kaniyang labi.

"Enjoy your necklace, bitch!"

I gritted my teeth dahil galit ako. Galit akong binubully nila ako at mas lalong galit ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, sa kaibigan ko o sa barkada ko na pinagsasabi nila!

Hindi ko alam kung may amnesia ako or what. Dahil wala naman akong na-aalala. Why do they keep pushing me na ako nga talaga 'yung killer?

Pumasok na ako sa classroom at lahat sila ay nagsasaya na tipong wala silang problemang nararamdaman. Nagkakatuwaan, nagsisigawan, nagtatawanan at ako naman? Wala. I feel so empty na parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan.

And yeah, it's second week of school day. No'ng Sunday lang ako lumabas ng ospital at pinagkakaguluhan ako ng mga reporters. 'Yung iba nga ininterview ako sa loob ng room ko pero wala silang nakuhang sagot sa akin.

"Ano po bang nangyari sa loob ng mansyon ng mga Yadao?"

At ang tanong na iyon ay hindi ko makakalimutan no'ng tinanong ako ng isang reporter sa loob ng kuwarto ko sa ospital.

At ang tanging nagawa ko na lang ay ang tumulala sa pader na kaharap ang kama ko.

Continuation...

June 1, 2016
Keanna's POV
But yet, hindi pa 'rin bumabalik si Quila. Where the hell is she? Kanina pa sumasakit ang puson ni Princess dahil meron siyang dysmenorrhea pero feeling ko parang wala lang sa kanya ang magmadali na bumili ng napkin sa tindahan. Tsk.

Nakaupo pa rin si Princess ngayon sa gilid ng kama habang umiiyak na hawak-hawak ang sariling tiyan. Tumutulo ang kanyang mga luha at nagingilid ito sa kanyang mga pisngi dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman niya ngayon. Duh.

"Hayaan niyo siyang mamatay diyan. Tss. Bahala siya mamatay sa sakit niya." dinig king wika ni Chei Ann.

"Can you just be more helpful?" tanong ko.

"Like what?" she smirked "I know that I'm more useful than your old leader."

"Well you're not." I sarcastically said.

"A-Aray..." dinig ko naman ang ungol ni Princess sa likuran ko.

"Gano'n 'din naman 'di ba? Mamatay tayong lahat? Bakit hindi na lang kaya unahin 'yang leader niyo?" sigaw niya.

"Si Princess ang nakakulong sa kuwartong 'to at ikaw mismo ang nag-utos. So it means ikaw 'yung lider ngayon," napatawa naman ng konti si Davy "So gusto mong ma-unang mamatay?"

"Bobo ka na nga, pilosopo ka pa! Buwisit ka!" sigaw ni Chei Ann.

"Asan na ba kasi si Quila?" sigaw ni Adrian habang pinipilit niyang pakalmahin si Princess.

"Ewan ba namin? Baka bumili siya ng pagkain keysa ng napkin?" sagot ko.

"Well search her, Keanna. Hindi 'yung nagtataray ka." pag-uutos na naman sa akin ni Chei Ann.

Konting oras na lang at magagamit ko na naman 'tong mga palad kong sasapak sa pisngi ng plastik na 'to katulad sa ginawa ko noon kay Princess. Pero nagbago na ako ngayon. Nagbago na ako sa kinakaawaan ko at pinag-iinisan ko. Kasi mas lalo kong nakikita ang awra ng kinakainisan at kinakaawaan ko.

Guess who?

Sinunod ko na lang ang utos ni Chei Ann at lumabas ng mansyon. As always, ako na naman ang inuutusan niya since umalis na naman si Princess sa puwesto niya bilang lider.

I guess, ikatlong pag-alis niya na 'to, e. Pag-alis ba? O inagawan? Tss. I'm so stupid, e 'di syempre inagawan. Ano ba 'tong na iisip ko. Ang tanga ko. 'Tangina.

"Pag nagpakita ka sa akin, Quila. Patay ka sa akin ngayong buwisit ka..." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa labas.

At mukhang may natapakan akong bagay. Malambot. Ang sarap tapakan na parang pampalinis ng ilalim ng tsinelas. What kind of thing is this? Kaya napahinto ako sa paglalakad at patuloy lang itong tinatapakan.

At ako'y huminto because nagsawa na ako just like that. Kaya tiningnan ko ang tinapakan kong bagay at mukhang napkin naman ito.

Kaya lumuhod ako at tiningnan ito. Mukhang may bahid ng dugo sa cover nito. It can't be.

Napatakip ako ng bibig sa naisip ko. Hindi mali 'to. Maling-mali 'to at dapat hindi ito ang mangyari.

"May period 'rin si Quila?" tanong ko sa sarili ko.

And I was just kidding of myself. Joke lang iyon pero ito talaga ang na iisip ko. And it can't be fucking happening.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon