WSE 20

206 7 1
                                    

WSE 20

Davy's POV
Nang makauwi sila Quila at Chei Ann na galing yata sa ospital, nakapag-desisyon kami na hanapin na namin sina Althea at Kaye Mark sa kanilang lugar ngayon. Baka do'n sila nagtatago at para mahuli na sila ng pulis. Mga lakwatserang killers, akala siguro nila matatakasan nila ang beauty ko? Charot.

Nag-impake kami ng konting damit if in case na do'n kami matutulog dahil medyo malayo ang lugar na 'yun sa lokasyon ni Keanna.

"Dalhin niyo 'yang si Chei Ann para naman may silbi siya. Huwag niyo pakainin ng pagkain 'yan baka dahil siya amg dahilan kung bakit unti-unting na uubos ang pagkain." sabi naman ni Princess.

Nakita ko namang inalalayan ni Quila si Chei Ann at binigyan pa niya ito ng jacket. Na aawa na yata siya. Poor her.

Palabas na kami ng mansyon at nag-aabang kami ng jeep.

"Sana kanina niyo pa sinabi sa amin na pupunta pala kayo do'n para naman dumiretso na kami ro'n." pag-iinarte na naman ng baboy na si Quila. "Gastos lang kasi sa pamasahe."

"Wala naman kasing nag-utos sa 'yo na dalhin mo sa ospital 'yang kaplastikan mo, 'di ba?" pagsasabi ko ng totoo. "Hindi ka rin kasi marunog mag isip kung minsan."

"At kung hindi ko dalhin 'to sa ospital, mas lalong lumala ang sakit ni Chei Ann." dagdag pa niya.

"We don't ker about her. Sadyang, paawa lang kasi 'yang kasama mo." sagot naman ni Keanna.

Umaksyon naman ng ubo si Chei Ann. "H-Huwag na kayong mag-away n-nang dahil sa akin. M-Malakas naman a-ako." paawa niyang sabi.

"O, Quila malakas na raw siya. Huwag mo alalayan para mamatay ng maaga. Masyadong pabigat sa grupo at dagdag problema." sabi ko.

"Guys, don't you think na mas lalong nakakabuti 'yang mga sinasabi niyo? Mas lalo pa kayong natutuwa sa mga nasasaktan?" hindi siya makapaniwala. "I don't even know kung saan ba nakalagay 'yang mga utak niyo na para isipin na mas makakabuting manakit ng ibang tao."

Nakita ko namang lumapit sa kanya si Princess. "Bakit, Quila? Isa ka naman sa mga sumaktan sa kanya, ah? Hindi mo 'din ba iyon na isip?"

Tumahimik na lang si Quila sa sinabi ni Princess.

"Walang tayong masasakyang jeep. Pero may tricycle naman na dumadaan." pag-eksena naman ni Adrian. "Sa tricycle na lang tayo sumakay papunta sa lugar ng mag pinsan."

May tricycle naman kaming nasakyan kaya patungo na kami sa lokasyon ng tinitirahan nina Althea at Kaye Mark.

ISANG oras ang makalipas ay bumaba na rin kami sa tricycle dahil nakarating na rin kami sa tapat ng bahay ni Althea.

May nakita naman kaming lumabas na tao mula sa loob ng bahay kaya agad naming nilapitan ito matapos kaming nagbayad ng pamasahe.

"Excuse me po, uncle." panimula kong salita. "Kayo po ba ang ama ni Althea?"

"Ah, si Althea? Oo. Ako ang ama ni Althea. Kung hinahanap niyo siya, wala siya rito. Hindi ko nga alam, e kung saan gumala 'yung batang 'yun." sagot nito. "Bakit, sino ba kayo?"

"Classmates niya po kami." magalang na sagot ni Adrian.

"Ah... Kung gusto niyo siyang hinatayin, mamayang gabi ng alas-dose 'yun uuwi sa bahay. Hindi kasi nagpapaalam sa akin kung saan 'yun pupunta kanina, e." sagot niya. "Kung gusto niyo ngang hintayin, puwede kayong maghintay rito kung papayagan kayo ng mga magulang niyo. Sandali, pinayagan ba kayo ng mga magulang niyo?"

"Ay, opo. Nagpaalam na po kami sa kanila na magbabakasyon kaming magbabarkada." ngiti kong sagot.

"Hindi naman sinabi sa akin 'yun ni Althea na magbabakasyon pala kayong magbabarkada?"

Bigla akong nagtaka sa sinabi ng ama ni Althea. Hindi niya sinabi sa kanyang ama dahil may balak siyang wakabels ek-ek na patayin kami. Siya na nga ang killer!

"Baka nakalimutan niya lang po," pagpapalusot ni Princess.

"Ah, siguro. Pero sige, maghintay na lang muna kayo rito dahil pupunta muna ako sa Batanggas ngayon at siguro ay dalawang araw ako do'n bago umuwi rito," ibinigay niya naman sa amin ang susi. "May bakanteng bahay sa kabila, may TV do'n at isang maliit na kama kaya puwede kayong tumambay ro'n para hintayin siya kung gusto niyo."

"Gusto po namin." mabilis kong sabi.

"Bale, nirerenta ko 'yang bahay na 'yan para sa mga gustong mag board."

"Dito na rin po kami matutulog." sagot naman ni Princess.

"Magkano po ba?" tanong ko.

"Five hundred, one day para sa inyo dahil bonus 'yun sa mga kaibigan ng anak ko."

Five hundred? Naku, wala na kaming pera pambayad para sa renta namin. Ubos na sa binili naming pagkain no'ng isang araw.

"Ito po," nagulat naman ako sa inabot ni Princess sa ama ni Althea. Inabot niya ang kanyang perang isang libo.

"Salamat. Sige, aalis na ako, ha?" nakangiti niyang sabi at may kinuha sa kanyang bulsa. "Ito 'yung sukli at gusto niyong iiwan ang susi, ibigay niyo kay Althea mamaya, ha?"

Tumango naman kami at umalis na si Uncle dala-dala ang kanyang bayag-- este, motorsiklo. Hehe. Pumasok na rin kami sa sinasabi ni Uncle na bahay na nirerentahan. Hindi naman gaano kalapad ang na sa loob nito. May sofa naman, flat screen TV, isang kuwarto, kama at comfort room.

"So, this is it? Hihintayin lang natin si Althea mamayang hating gabi? Paano pagkagising natin na sa heaven na tayo?" tanong ko naman.

"Make sure na secured lahat ng pinto sa bahay na 'to. Dapat hindi makapasok si Althea. Alam na niya na alam na nating killer siya di ba?" sabi ni Princess. "Kung hindi dahil sa katangahan ng babaeng 'to, hindi sana nakatakas sila Althea at Kaye Mark kung walang iniwang gunting. May pa-gupit-gupit pang nalalaman akala mo naman kung na sa loob tayo ng barber shop. Tss. Tanga." dinuro-duro niya pa si Chei Ann.

Gano'n pa rin ang kalagayan ni Chei Ann. Mainit-init pa rin ang kanyang buong katawan dahil sa taas ng lagnat. Samantalang si Princess naman ay pinapahirapan pa siya. Pinapawalis niya ng loob ng bahay si Chei Ann, pinapaayos ng higaan kahit mataas na ang lagnat. Pero dapat lang iyon para sa kanya.

"Kulang pa 'yan sa pagpapahirap mo sa akin noong nakaraang araw, Chei Ann." sabi ni Princess habang inuutusan itong mag-ayos ng kama.

Kulang pa 'yan sa 'yo, Chei Ann. Dapat ka 'ring mahirapan katulad ng pagpapahirap mo sa amin noon.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon