WSE 25

127 5 0
                                    

WSE 25

May 30, 2016
Killer's POV
Napangiti na lang ako sa nalaman ko. Mabuti na lang talaga at ininom ng lintek na Heavenly na 'yan ang pinabaon kong lason sa pag-aakala niyang tubig lang. And I'm sure, she's burning in hell right now at wala na siyang magagawa kung 'di ay tiisin ang impyernong yo'n.

Ayoko kasi mabulgar pa ang sikreto dahil alam kong patanga-tanga at padalos-dalos kung gumalaw 'tong si Heavenly. Dadagdag lang siya sa problema't mabuti na lang patay na siya.

Dumating naman si Kaye Mark at Althea sa meet up namin pagkatapos ko silang tinawagan. Mabuti naman at sumunod sila kung 'di ay sila ang isusunod ko sa mga namamatay kong mga barkada.

Anong reason? Naghihiganti lang naman ako. Mga lintek na 'yan.

"Naku, boss. Huwag na huwag niyo po kaming isusunod..." nagmamakaawang sabi ni Althea habang nag-uusap kami sa loob ng kagubatan.

"Tss. Sa tingin niyo, isusunod ko kayo?" inirapan ko sila "Magkasundo na tayo simula no'ng bata pa tayo. At alam kong hindi kayo plastik sa akin. Kaya malamang, ni isa sa inyo ay hindi ko lalasunin o papatayin. You two are so precious for me..." nakangiti kong sabi.

"Ba't mo ba kami pinatawag?" pagrereklamo ni Kaye Mark.

"May plano tayo. Tutal, alam niyo naman na nasa ospital si Quila ngayon, di ba?" ngisi kong sabi.

"Ano bang gagawin namin sa kanya? Lalasunin din ba namin siya?" tanong ni Althea "Ano kaya kung ikaw na lang gumawa, ang dami-dami na naming ginawa, e pero ikaw konti pa lang ginawa mo..."

"Sa tingin mo ba, tama ang ginagawa natin?" tanong naman ni Kaye Mark "Sa tingin na sa batas pa rin ba tayo?"

"Nagpapakonsensya ka ba?" taas kilay kong sagot "Kung ayaw mong sumunod sa akin, sige. Bibigyan kita ng pagkakataong tumakas sa mga palad ko..."

Napayuko naman siya. Kaya bumalik ako sa usapan namin tungkol kay Quila.

"Gusto ko, patayin niyo siya na hindi nalalaman ng doktor..." wika ko "Ang gusto ko ay malinis ang pagkapatay niyo sa kanya, huwag nating gawing brutal. Gusto sa pagkakataon na 'to ay malinis..."

Tumango naman si Althea.

"Paano ba namin gawin iyon?" tanong naman ni Kaye Mark.

"Simple lang naman..." ngumii ako ng konti at kinuha ang natitirang lason sa bulsa ko "Alam niyo ba kung anong tawag sa poison na 'to?"

Ipinakita ko sa kanilang dalawa ang hawak kong maliit na bote ng cyanide. Napangiti na lang ako dahil siguradong mapapadali ang planong 'to.

Umiling naman si Thea. "Hindi, e. Bakit? Ano bang tawag diyan?"

"Isa lang naman 'tong cynide poison. Ang poison na ito ay mas malala pa sa ibang poison na alam niyo," pagpapaliwanag ko sa kanila "Hindi niyo puwedeng hawakan ang liquid na 'to, amuyin o singhutin man lang dahil sisikim ang breathing niyo. Maliwanag?"

Tumango naman silang dalawa.

"Kailangan niyo rin magsuot ng mask kung ilalagay niyo 'to sa loob ng injection na i-iinject sa dextrose ni Quila, okay?" dagdag ko pa "Kahit walang kasalanan si Quila sa grupong 'to ay kailangan niya 'ring madamay. Damay na lahat kahi iisa lang naman ang may kasalanan..."

Inabot ko naman sa kanila ang maliit na bote ng cyanide. "Ingatan niyo 'yan, ha? Huwag niyong singhutin o aamuyin, hawakan o inumin. Nakita ko lang 'yan sa kuwarto nina Keanna mabuti na lang at na basa ko ang mga babalang nakasulat," I smirked "Geh na. Magsimula na kayo sa misyon niyong dapat hindi pumalpak."

Tumango naman sila bago sila umalis. Wala akong pakialam kung lahat ay papatayin ko dahil sama-sama naman silang lahat na sirain ako. Iisang may kasalanan, lahat ay papatayin ko.

Quila's POV
Napahawak ako sa braso ko kung saan ako natamaan ng bala. Balot na balot ito ng benda peo hindi naman gaano kalalim ang bala ayon sa paliwanag ng mga doktor. Sinabi nila na in two or three days ay puwede na akong lumabas ng ospital kaya sinunod ko naman.

Hindi ko na tinawagan si Mama dahil ayokong mag-alala siya sa akin. Baka ilayo niya ako niya ako sa mga barkada ko at ayaw ko namang mangyari iyon. Kahit ganito na ang problema ay mahal na mahal ko pa rin sila.

Pumasok naman ang isang nurse para mag inject sa dextrose ko at na sa oras naman ang pagpasok niya dahil nagising rin ako no'n.

"Medyo mahapdi 'to sa mga ugat mo. Tiisin mo lang ng konti, ha?" wika niya sa akin kaya tumango ako.

"Opo."

Pagkatapos no'n ay lumabas na rin siya ng kuwarto ko. Ramdam ko naman ang hapdi sa loob ng ugat ko kaya tiniis ko lang dahil iyon ang sabi niya.

"Aray..." napahawak ako sa kamay kong may dextrose dahil sa sobrang hapdi sa ugat.

At mayamaya naman ay bumalik na sa dati. Kaya napatingin ako sa bintana at sumilip sa labas ng ospital. Ika-unang palapag pala ako ng ospital kaya hindi ko matatanaw ang view sa taas. Tsk.

Ilang sandali ay may pumasok na namang nurse na may dalang injection sa itaas ng hinahawakan niyang tray. Kaya agad bumundol sa utak ko ang pagtataka. Nakatakip siya ng mask at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Nurse, 'di ba po tapos na po 'yung oras sa pag inject niyo?" tanong ko pero hindi siya umimik.

Nanatili lang siya sa pag-asikaso ng injection kaya may na aamoy akong peligro na mangyayari.

"Nurse?" sinilip ko naman ang kanyang mukha at hindi siya tumitingin sa akin.

Pero bakita ko ang kanyang mata at tandang-tanda ko ang hugis nito at ang itsura nito.

"Kaye Mark?" pagbanggit ko sa pangalan niya kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa.

Nanlaki ang dalawa kong mga mata nang tumingin siya sa akin at agad akong inatake pero agad ko naman siyang sinipa sa kanyang dibdib!

"TULONG!!" sigaw ko mula sa loob.

Mabilis naman siyang lumapit sa akin at akmang itutusok niya sana ang injection sa aking ulo kaya na sinipa ko siya sa kanyang tiyan!

Dali-dali kong tinanggal ang dextrose sa kamay ko at lumapit sa kanya. Sinipa ko siya ulit kaya napatumba siya sa sahig! Agad kong inangat ang kanang paa ko at ipinatong sa dibdib niya habang ang kaliwang paa ko naman ay nakatapak sa kamay niyang may hawak na injection!

"Putangina mo. Hindi ko pa oras ngayon you ugly monster!" wika ko kaya mas lalo ko pang diniin ang pagtapak ko sa kanya kaya nabitawan niya ang injection!

Agad ko namang kinuha ito habang nakatapak sa kanya ang dalawang paa ko at itinurok ito sa kanyang binti!

Unti-unti siyang nawawalan ng malay at pagkatapos ay kinuha ko ang injection na nakaturok sa kanyang binti at minarkahan ko ang kanyang noo ng shi.

"Fucker!" pagmumura ko.

Yes, I'm a lovely girl. A bitchy one.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon