WSE 54
Adrian's POV
Bigla akong nagulat ng palihim nang marinig ko siyang tumawa. Ang kanyang halakhak ay parang nag pa-party siya sa tuwa dahil sa kanyang ginawa. Akala ko nahanap niya na pero hindi pala. Masyado akong nagpadala sa kaba at takot, kaya dapat maging malakas ako sa pagkakataong 'to. Dapat akong mabuhay.
"Nagulat ka ba, Adrian? HAHAHAHAHAHA!" dinig na dinig ko pa 'rin ang kanyang mga tawa sa labaa ng tinataguan ko.
"Mukhang wala siya dito, Chei Ann. Umalis na tayo." dinig kong sabi ni Althea at naririnig ko ang tunog ng bakas ng kanilang pa na pahina ng pahina. Siguro nga ay lumabas na sila sa loob n kuwarto.
Shit. Dapat mag ingat ako ngayon sa pagtakas ko at kailangan kong magsumbong sa tanod o kaya naman ay sa pulis. Ba't ba kasi ang tanga-tanga kong naiwan pa 'yung phone? Buwisit.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cabinet ng konti upang makasilip kung maayos na ba ang sitwasyon. Mukhang tahimik ang paligid kaya kailangan ko ng tiyempong makatakas.
"BULAGA! AHAHAHAHA!!" biglang nang gulat si Chei Ann sa harap ko kaya naman nasipa ko siya sa kanyang mukha!
Napatalon ako sa kama ni Keanna at agad tunalon ulit patakbo palabas, pero biglang nahawakan ni Althea ang binti ko sa ibaba ng kama dahilan sa pagkatumba ko!
"TAKBO, ADRIAAAN!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!" dinig kong tawa ni Chei Ann kaya mas lalo akong natakot at sinipa-sipa si Althea sa kanyang mga kamay.
Nabitawan naman ni Althea ang binti ko kaya bumangon ako't tumakbo. Tumakbo ako patungo sa kusina at nagtungo sa pinto nito dahil ito ang pinto palabas sa likod ng bahay. Dali-dali ko iong binuksan at agad lumabas! Papatungo na sana ako sa gate pero bigla kong na isip si Quila.
Oo nga pala. May ililigtas pa pala ako. Kaya tumungo ako sa likod ng bahay at agad kumuha ng palakol sa hardin. Hinukay ko naman kung saan nakalibing si Quila gamit ang palakol.
"QUILA, ILILIGTAS KITA!!" sigaw ko kay Quila at pinatatag ko ang loob ko na kakayanin kong iligtas siya. "QUILA, KUMAPIT KA LANG! MAKAKATAKAS 'RIN TAYO!!!"
"ADRIAAAN!!" dinig kong sigaw ni Quila na parang umiiyak "ILIGTAS MO AKO NAGMAMAKAAWA AKO!!!"
"QUILA, HUWAG KA MAG-ALALA! BASTA KUMAPIT KA LANG!"
Bigla namang may tumulak sa akin sa gitna ng paghuhukay ko kaya napatumba ako sa gilid! Nakita ko si Chei Ann na pinupulot ang palakol habang si Althea naman ay parang may binubuhos na tubig sa itaas ng hukay ni Quila!
"BILISAN MO, ALTHEA! SUNUGIN MO NA 'YANG BUROL NI QUILA!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!" pagtawa na naman ni Chei Ann habang hawak-hawak ang palakol at tumitingin sa akin.
Binabalot na ng sakit niya anv kanyang sarili at hindi niya na ito pa mako-kontrol. Mas lalong nangingibabaw ang galit niya sa aming magbabarkada. Nawawala na siya sa kanyang sarili, kaya kahit ano pang isisigaw kong advices sa kanya ay hindi na siya makikinig. Mukhang gano'n rin si Althea dahil na influence siya nito kay Chei Ann.
Nakita ko namang sinindi ni Althea ang hawak na posporo at itinapon ito sa itaas ng hukay ni Quila at mabilis namang kumalat ang apoy kaya binalot ng apoy ang hukay ni Quila! Hindi pala tubig 'yung ibinuhos niya kung 'di gas.
"ADRIAAAN!!! ILIGTAS MO AKOOOO!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!" dinig kong pang gagaya ni Althea kay Quila.
Nanlaki ang mata ko dahil narinig ko 'rin ang mga sigaw ni Quila sa ilalim n hukay. "ADRIAAAN!!! HINDI AKO MAKAHINGAAA!!! TULUNGAN MO AKO, ADRIAAAN!!!" umiiyak siya habang sumisigaw sa ilalim.
"Ano, Adrian? Tatakas ka pa o papatayin kita?" lumaki ang mabibilog na mga mata ni Chei Ann habang nakatitig sa akin. Dumudugo 'rin ang kanyang ilong dahilan sa pagsipa ko sa kanya kanina.
Agad naman akong tumakbo pero bigla akong nakaramdam ng paghampas ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko. Kaya muntik na akong tumumba pero patuloy pa 'rin ako sa pagtakbo. Kahit ramdam na ramdam ko na ang tumutulong dugo sa ulo ko ay nagawa ko pa 'rin tumakbo.
"TAKBO PA, ADRIAAAN!!!" pagsigaw ni Chei Ann sa pangalan ko kaya lumingon ako sa likod. Kitang-kita ko siyang nasasabik na patayin ako't lumalaki lalo ang dalawang mata nito. "TAKBO PA!!! AHAHAHAHAHAHA!!!"
Humahalo na 'yung tumutulong dugo sa pawis ko at ramdam ko na 'rin na tumutulo na ang sariwang luha ko. Humalo ang dugo, pawis at luha ko kaya unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko.
Lumabas naman ako ng gate at lumingon-lingon sa paligid kung saan ako pupunta. Kaya tumungo na lang ako sa likod at naramdaman ko ulit ang paghampas ni Chei Ann sa likod ko kaya tumumba na nga ako!
Ramdam ko ang nababali kong mga buto sa aking likod at parang unti-unting nasisira ang bungo ko. Sinubukan ko ulit tumayo pero tumamba ako. Hanggang sa naramdaman ko ulit ang sakit na pagpatong ni Chei Ann sa kanyang paa sa itaas ng isang binti ko.
"Awww... Mukhang nang hihina ka na, Adrian..."
"Ch-Chei Ann, please... Nagmamakaawa ako sa 'yo na huwag mo akong patayin..." pagmakakaawa ko baka may chance pa.
"Wait, I have to think of it." she paused bago ulit nagsalita "HAHAHAHAHAHA! Kaloka ka, Adrian! HAHAHAHAHAHAHA! Akala mo mauuto mo ako? You look so stupid na, kaya para hindi ka na maghirap sa mundong 'to... you have to die peacefully."
"Ba't hindi mo na lang ako pakawalan? Ba't kailangan mo pa akong patayin? Lahat naman ng utos mo sinusunod ko!"
"Pero naririnig ko 'yung mga murmurs sa isip mo. Kung si Princess nga kaya mong trinaydor no'ng una, ako pa kaya? Oh my... Nakakamiss si Princess pero dahil ayaw ko na sa kanya ay pinatay ko na siya. Napaka swerte niya naman dahil hindi siya naghirap sa akin," sabi niya "Ugh. Ba't ko pa kasi siya binawian ng buhay kaagad? Nakakamiss ang pagiging plastik niya. Too bad. She died too early."
"Please, just let me escape!" sigaw ko.
"Oh well, okay..."
Inalis niya na ang pagpatong ng kanyang paa sa iaang binti ko kaya dahan-dahan naman akong bumangon. Kahit masakit na ang likod at bungo ko ay kailangan ko pa 'ring tumakas. Hindi ko man lang dinala ang bangkay ni Princess kahit sa pagtakas ko. Hindi ko man lang nahanap si Keanna at hindi ko nagawang iligtas si Quila. Mukhang ang saya ni Chei Ann dahil nagtagumpay sila sa plano niya.
Bigla naman akong nakarinig ng gunshots at tumama ito sa puno sa tabi ko! Kaya napatakip ako sa ulo ko't patuloy sa pagtakbo! Hindi ko nga pala mabibilog ang ulo ni Chei Ann dahil hindi na siya tao.
Hanggang sa napatigil ako sa pagtakbo dahil sa isang irigasyon na punumpuno ng tubig ang nakita ko. Konting hakbang na lang ay mahuhulog na ako at mabuti na lang ay hindi pa masyadong lumabo ang mga mata ko.
Nakita ko si Chei Ann na nakatutok ng baril sa akin at kasunod niya ay si Althea na nakangiti.
"MGA HAYOP KAYOOO!!!" sigaw ko sa kanila "MGA HAYOP KAAAYOOOO!!!" umiyak na ako ng malakas pero pinatatag ko pa 'rin ang loob ko. Mabubuhay pa ako, tiwala lang.
"MAS HAYOP KAAA!!!" pinutok naman ni Chei Ann ang baril.
Agad naman akong tumalon at sa pagtalon ko ay natamaan ako ng bala sa gilid ng braso ko't nahulog sa irigasyon. Malakas ang daloy ng tubig kaya natutulak ako nito palayo sa tinalunan ko.
Nanlalabo na ang dalawang mata ko hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng malakas na tubig. Kaya do'n ko na isip na...
Mamatay na ako...
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...
