WSE 3

298 15 1
                                        

Class 3-C ba kamo? Haha. Dedicated kay ate Enah, from book to TV series ay ibangan ko ang story niyang Class 3-C Has A Secret. :D

-

WSE 3

Princess' POV
Nakakarindi ang sigaw ni Quila nang makapasok kami sa loob ng mansyon nina Keanna. Nakakamangha dahil sa sobrang laki sa loob nito.

"Whoo! Food buffet here we come!!" sigaw siya ng sigaw tungkol sa food buffet na sinabi sa amin ni Keanna.

"Pakainin niyo na nga 'yang baboy na 'yan! Nakakairita na ang sigaw, e!" sambit ni Chei Ann.

Kaya dumiretso kami sa dining table. Hindi naman masyadong malaki ang dining table nila. Mga halos limang tao lang ang sakto rito. Dibale na. Hindi na lang ako kakain.

"Keanna, ayaw ko munang kumain. Wala akong gana." wika ko kay Keanna.

"E, ba't nang dito ka pa sa dining table? Do'n ka nga sa sala."

Sumunod na lang ako sa sinabi ni Keanna. Tumungo ako sa sala. Nilibot ko ito at napansin ko ang mga pigurin sa isang lamesa sa gilid ng telebisyon.

Mga anghel na pigurin. Ba't meron siya nito? Mukha naman siyang demonyo. Pare-parehas lang sila nina Chei Ann.

"Princess,"

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Adrian. "Anong ginagawa mo rito?"

"Kumain ka na."

"Wala akong gana. Kumain na ako kanina pa sa bahay."

"May problema ka ba?"

"Wala. Sige, alis na ako. Do'n lang ako sa balcon magpapahangin na lang." umalis ako palayo sa kanya at tumungo sa balcon.

Ba't ang bait ni Adrian sa akin?

Quila's POV
Nakakabusog naman pala rito sa mansyon nina Keanna. Ang sarap magpa-ampon dito. Maraming pagkain.

Narinig kong may bumukas ng pinto mula sa kuwarto nina Keanna. Malapit lang kasi ang dining table sa kuwarto kaya narinig ko.

"Ma, Pa. Mabuti na lang at aalis na kayo. Ingat kayo sa biyahe niyo, ha?" ngiting sabi ni Keanna.

"Oh, tita and tito. Don't ya worry about us. Dahil sa kagandahan kong 'to, safe na safe kami rito." sagot ko.

"Sure. Be good here our dear, ha? Don't make us frustate about your atittude." sabi ng Mama ni Keanna.

"Bye, Ma at Pa. Pasalubong, ha?" sabi ni Keanna kaya tumango sila at umalis na.

"Ang bait naman pala ng parents mo, Keanna." sabi ko.

"Ba't ikaw? Sa'n mo nakuha ugali mo?" taas kilay na tanong ni Davy kay Keanna.

"Tss. Anak demonyo ka talaga, Keanna. Plastikan lang." sabi naman ni Chei Ann.

"Oh, hiyang-hiya naman ako sa ugali mo, Chei. My ghad." sagot ni Keanna.

"Well, guys. Just eat, okay? Bawal mag-away sa harapan ng maganda." sabi ko naman.

"Ewww!" sabay-sabay nilang sabi.

"What?"

Chei Ann's POV
To be honest, hindi naman masyadong malaki ang bahay nila. Tss. What a lame little house, walang up and down. Kahit two storey na lang hindi pa kaya ng budget nila. Tsk.

"O, na sa'n ang servant natin?" tanong ko sa kanila.

"Na sa balcon siya. Wala siyang gana." sagot ni Adrian.

"E, di siya ang maghuhugas ng plato para naman may silbi siya sa grupo. Hindi 'yung nagmumukhang reyna lang na walang silbi di ba?"

"E, sino lang naman rito ang nag rereyna-reynahan at walang silbi sa grupo? E, di ba ikaw lang iyon?" nakataas na sabi sa 'kin ni Davy.

Ngumiti na lang ako sa kanya ng plastik.

"Speechless?" dagdag pa niya.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain at itinulak ang plato. "Nakakawalang gana ang food buffet. Hindi naman masarap." sabi ko "Sige na, utusan niyo nang mag hugas ng pinggan si Princess." saka umalis ako.

Angel's POV
Pumatak ang gabi. Nakapag desisyon ang lahat kung saan kami matutulog. Hindi na importante ang sasabihin ko sana kay Chei Ann. Wala lang 'yun. Tsismis lang sa love life ko. Haha.

"Gusto kong matulog sa master's bedroom. Kasama ko dapat si James. Kaming dalawa lang. Ayaw ko ng distorbo, okay?" sabi ni Chei Ann kay Keanna.

"Make sure na wala kayong gagawing masama, ha?" sagot ni Keanna.

Nang dito ang barkada sa sala at nanonood ng Wrong Turn series. Nag-desisyon na kami kung saan kami matutulog.

"Dito na lang siguro kami sa sala." sagot ko.

"May bakanteng kuwarto pa naman. Puwede kayong matulog do'n kung gusto niyo." ani Keanna.

"Gusto kong makatabi si Chei Ann." desisyon ni Aila.

"Bingi ka ba, Aila o tanga lang? Hindi mo narinig ang sinabi ko kanina. Gusto ko kami lang ni James sa kuwarto." sagot ni Chei Ann kay Aila.

Napayuko na lang si Aila. "Sorry, Chei Ann."

"Asan na ba si James?" tanong ni Chei Ann.

"Hahanapin ko lang." tumayo naman si Keanna upang hanapin si James.

Keanna's POV
Patungo na ako sa kusina para hanapin ang nawawalang baboy na si James. Tss. Kung hindi ko lang sana crush 'tong si James, hindi ko siya hahanapin. May itsura naman 'tong si James kaya nagustuhan ko siya. Mataba-taba rin siya, 'yung katamtaman lang ang taba.

Ano kaya kung agawin ko siya kay Chei Ann? Asawa nga maagaw, boyfriend pa kaya. Tss.

Wala namang kwenta sa buhay ni James si Chei Ann. Kaya aagawin ko na lang para may paglaruan ako sa buhay, di ba? Para may kwenta rin ako sa buhay niya.

"Keanna," lumingon ako sa likod ko at nakita si James na papalabas sa banyo. "A-Anong ginagawa mo rito?"

"Hinanap lang kita," lumapit ako sa kanya at napakagat ako ng labi. Tiningnan ko ng maigi ang kanyang mukha at kitang-kita pa rin ang kaguwapuhan ng itsura niya. "James, m-may tanong lang ako sa 'yo..."

"Ano iyon?"

Davy's POV
Lumapit ako kay Chei Ann na mag-isang nakahiga sa mahabang sofa. Nakakainis tingnan mukha niya, feeling reyna. Tss.

"Chei, may sasabihin ako sa 'yo." panimula ko.

"Ano?" mataray niyang tanong.

"Putang ina mo," bulong ko. "Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin o hindi. Tungkol ito sa boyfriend mo."

"Bakit? May problema ka ba sa kanya?"

"Wala. Alam ko kasi sikreto niya." napabuntong hininga muna ako bago nagsalita. Pakshet. Paano ko ba sasabihin sa kanya ng maayos? "Nakita ko siya na papasok sa isang hotel no'ng isang gabi at the month of April, m-may kasamang lalaki."

"Bakla siya?" di makapaniwalang sabi ni Chei Ann.

"Oo. Hinalikan niya pa ito sa labi bago sila pumasok."

"Baka inuuto mo lang ako, Davy." sabi niya. "Ba't naman siya magiging bakla?"

"Siguro, dahil panget ka, feeling reyna ka, wala kang titi, flat chested, plastik, ahas... b-baka gano'n." sagot ko. "Hindi ko alam kung bakit naging nag-iba ang kasarian niya. Baka trip niya lang or bored lang siya sa buhay."

"Putanginang bakla 'yan." napatayo siya at sumugod sa kusina.

Bakla, boyfriend niya. Pinatulan niya pa? Tss.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon