WSE 22
Angel's POV
Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga pumapasok na usok sa mga mata ko. Kasabay na rin ang pagpatak ng luha ko dahil sa labis na takot at walang pag-asang makamit si crush-- charot. Walang pag-asang mabuhay pa dahil sa makakapal na usok at malalaking apoy na bumabalot sa nasusunog na bahay.
"Angel, ililigtas k-kita..." nanghihinang boses na sabi ni Davy nang makarating siya sa harap ko.
"H-Huwag na, Davy. Hayaan mo na akong m-mamatay..."
"Hindi. H-Hindi ko hahayaang mamatay ka kasi naging tunay k-kaibigan na kita." sinubukan namang tinanggal ni Davy ang debris na nakapatong sa paa ko pero hindi niya ito kinaya. "Ililigtas kita, A-Angel. Hindi ko kayang mawala ka. N-Niligtas mo rin kasi ang buhay k-ko..."
"Davy, huwag na... H-Huwag mo nang ibuhos ang lakas mo sa isang walang kuwentang tao, Davy!" humihikbi na ako "Davy, umalis ka na."
Tinitigan lang ako sa mukha ni Davy na umiiyak. "H-Hindi kita iiwan. Niligtas mo buhay ko, d-di ba?"
"Umalis ka na!"
"Hindi ako a-aalis!" sinubukan niya ulit alisin ang debris na nakapatong sa paa ko "Ano ba kasing n-nangyari? Ba't hindi ka l-lumabas agad ng bahay?"
"Habang na sa loob ako ng banyo, may naamoy akong sunog. Kaya paglabas ko ng banyo, bigla a-akong nahulugan ng debris. Mabilis yatang k-kumalat ang apoy..." sabi ko "Kaya huwag mo na a-akong tulungan, Davy. Umalis ka na! Maawa ka sa sarili mo!"
Hindi na kinaya ni Davy ang pag-alis ng nasusunog na debris sa ibabaw ng paa ko. "N-Nawalan na akong lakas, Angel. S-Sorry kung hindi na kita ma-iligtas pa."
Ngumiti na lang ako sa harap niya habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko.
Kumakalat na ang apoy sa paligid at bumabalot rin ito ng makakapal na usok. Siguradong hindi ako makakaligtas, dahil alam ko namang mamatay na ako.
"P-Paalam, Davy."
Davy's POV
Biglang bumagsak ang malaking debris sa ulo ni Angel kaya nagkalat ang dugo sa sahig. Patuloy na nasusunog ang debris at ang buong bahay. Nakabalot pa rin ito ng makakapal na usok.
"AAANGEEEL!" sigaw lang ako ng sigaw sa loob ng bahay. "AAANGEEEL!!"
"DAVY!"
Isinisigaw ko pa rin ang pangalan ni Angel kahit patay na siya. Hinatak naman ako palabas ni Adrian habang nagsisigaw ako. Hindi ko matanggap na patay na siya kahit siya ang nagligtas ng buhay ko noon.
Patuloy pa rin ako sa pag hikbi sa harap ng barkada ko. Kahit siguro sila ay hindi nila kayang mawala ang miyembro ng grupo nila.
Bigla naman kaming nakarinig ng malakas na putok ng baril kaya agad akong napatigil sa pag-iyak. Nagulat ako dahil sa lakas ng pagputok.
"QUILA!"
Tila nabingi ako sa putok na iyon at malabis ang pagtibok ng puso ko dahil dalawang miyembro ng grupo namin ang mamatay ngayong araw.
"TULUNGAN NIYO SI QUILA!"
Unti-unti ulit na pumapatak ang luha ko. Hanggang sa umiyak ulit ako ng malakas. Maghihiganti ako panigurado at hahanapin ko ang killer. Hahanapin ko ang mga pumapatay sa miyembro namin. Hahanapin ko ang lider nila at ibaon ko sa hukay ng buhay. Papatayin ko sila. Papatayin ko sila!
Tumakbo ako nang matanaw ko sa likod ng nasusunog na bahay ang nakaitim na jacket na may hawak na baril. Hinabol ko siya dahil tumatakbo na rin siya nang mapansin niyang papalapit na rin ako sa kanya.
"TANGINA MONG KILLER KA!!" sigaw ko.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit hingal na hingal na ako. Nawawalan na akong hininga dahil ibinuhos ko na ang lakas ko sa paghahabol ko sa kanya.
Lumingon naman siya sa akin at ibinaril niya ako pero nakailag naman ako kaya hindi niya ako natamaan. Kahit bakla ako, kaya ko siyang patumbahin gamit ang mga suntok ko. Kahit bakla ako, kaya ko siyang patayin gamit ang sarili kong mga kamay!
Nakita kong nadapa siya kaya agad kong binilisan ang pagtakbo ko patungo sa kanya. Hinawakan ko ang likod ng damit niya at tinapakan ko ang kamay niyang may hawak na barili. Nabitawan niya naman ang baril saka ko naman isinipa ito.
Iniharap ko naman ang mukha niya sa akin at akmang susuntukin ko na sana siya, bigla akong nagulat nang makita ulit ang mukha niya.
"Heavenly?" hindi ako makapaniwala nang makita siya ulit.
Akala ko ba, patay na siya? Akala ko ba, wala na siya? Ba't nagbalik si Heavenly? Nagsisinungaling lang ba siya sa pamilya niya na wala na siya at nagpakamatay siya? Ginamit niya ba ang rason namin para magalit sa amin ang nanay niya?
"Ba't buhay ka pa?" dagdag kong tanong.
-
"Alam ko kung sino ang killer..." seryoso niyang tugon sa amin habang kausap namin siya sa sala ng mansyon nina Keanna.
Dali-dali kaming umalis kanina sa lugar nina Althea at nagpara ng tricycle. Tumawag na rin kami ng bombero kaninang madaling araw, pinauwi nila kami sa bahay namin pero hindi naman sila sinunod. Tatawagan sana nila mga magulang namin pero nagsinungaling kami na wala sa amin ang mga cellphones namin.
Tinanong rin kami kanina kung saan nagsimula ang apoy, sabi ko naman sa socket kaya agad rin silang naniwala. Kaya umuwi na rin kami at tumungo sa mansyon nina Keanna. Si Quila naman, dinala ng ambulansya sa ospital dahil sa matinding sugat na binaril siya. Nagtanong na rin sila kung saan nagmula ang baril kaya ang sinagot namin, siguro may baril pala sa loob ng bahay na nirerenta namin kaya nahulog nito nang magkasunog at nabaril si Quila. Tapos tinanong, ba't siya lang daw ang binaril? Jusko, sagot ko naman, alangan naman kaming lahat? Kaya ang huli nilang tanong kung na saan ba raw ang may-ari ng bahay, sinagot naman namin na hindi namin alam kaya naniwala sila bago kami umalis.
"Sa tingin mo ba, Heavenly... Agad-agad kaming maniniwala sa 'yo?" natatawang sagot ni Princess "Ikaw ang tunay na lider ng killer, Heavenly kaya huwag na huwag mong iibahin ang sitwasyon,"
"Apat kami, Princess. Kaya kung papatayin niyo ako ngayon, wala kayong makukuhang kasagutan sa akin dahil hindi kayo naniniwala!"
"Then, sino nga ba ang sinasabi mong lider niyo?" dagdag pa ni Princess.
"Na sa barkada natin ang killer."
"Ituro mo nga siya sa amin." sabi ko.
"Hindi p-puwede at baka patayin niya ako ngayon sa harap niyo."
"Baka kami nag papatay sa 'yo pag hindi mo sinabi," pagbabanta ni Keanna.
"S-Sige sasabihin ko na sa inyo. B-Bahala na kung mamamatay ako ngayon sa harap n-niyo..." nakayuko niyang tugon. "Ang killer ay si..."
Sino nga ba?
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...
