WSE 30
Chei Ann's POV
Malakas kong sinampal ang mukha ni Princess kaya napayuko na lang siya habang nakaluhod. Kaya pala wala kaming nakakain dahil sa busaw na 'to. Tinatago niya pala ang mga pagkain sa loob ng maleta niya kaya pala ang lakas ng loob kung mag lider-lideran no'ng wala ako sa posisyon ko. Ang taas pala ng energy niya sa pagkain.Sinampal ko ulit siya ng malakas kaya naman hinawakan ko ang kamay kong nangangalay sa malakas na sampal ko sa kanya.
"Ugh." bumuntong hininga muna ako bago ko tiningnan ang nakaluhod na si Princess "Mukhang bumabalik na rin yata ang lakas ko mula sa sakit ko..."
"Ano ba, Chei Ann! Tama na!" sigaw naman ni Keanna.
"Shut up. Ang plastik mo rin no'ng kumampi ka sa kanya," mahinahon kong sabi kay Keanna "Hindi ko nga alam kung kanino ka ba talaga kampi sa aming dalawa, e. Psh." napatawa naman ako ng konti.
"H-Hindi ako ang may gawa no'n. Maaaring set-up lang 'to ng killer para ako naman ang ikukulong sa kuwarto..." inangat niya naman ang kanyang ulo at tumingin sa akin "Patawad. Kung h-hindi ka naniniwala..."
"Oh just shut the fuck up, Princess!" bulyaw ni Keanna "Gumising ka nga diyan sa paawaan mo! Hindi iyan ang Princess na nakilala namin!"
Kinuha ko namanan tsinelas ko at tinapon iyon sa ulo ni Keanna! "Tumahimik ka!" sigaw ko "Hindi mo ba nakikita na siya nga talaga 'yung kumuha ng pagkain at pagutumin tayo? Wala ka bang utak? Pumapayat na tayo at sinasabihan mo pa siyang lumaban?" I said sarcastically. "She has all the energy na iniipon niya to get revenge on us! Galit na galit siya sa atin!"
Humarap naman ako kay Princess. "AND I DON'T KNOW WHY!!" dumabogdabog naman ako sa galit.
Nakaramdam naman ako ng yakap sa mga binti ko kaya tumigil ako sa pagdabog at nakita kong niyayakap ni Princess ang mga binti ko.
"Please! Please, huwag kang magalit! Patayin mo na lang ako! Patayin mo na lang ako!!"
Dahan-dahan naman akong lumuhod at tiningnan siya. "Sa tingin mo ba..." dahan-dahan naman siyang humiwalay ng yakap bago ko siya sinampal kaya napatigil siya! "Sa tingin mo ba gagawin ko iyon? Kailangan mo munang mahirapan bago ka nilang patayin!"
Tumayo naman ako bago ko inutusan si Keanna na ikulong si Princess sa kuwarto at ilabas si Davy.
Samantalang ako naman ay tumungo sa kuwarto ni Keanna at kinuha ang lahat ng pagkain sa maleta ni Princess bago iyon isinarado.
Paano ko nga nalaman? Simple lang. Gusto kong abutin ang libro sa itaas ng cabinet ni Keanna. Dahil hindi naman ako katangkaran at maganda lang ako kaya kailangan ko ng patungan. Kinuha ko ang maleta ni Princess at napansin ko ang tunog ng junk foods sa maleta niya nang maipatong ko ang dalawang paa ko.
And do'n ko nalaman na may tinatago pala ang gaga. Tss.
Dumating naman si Adrian kasama si Quila na dala-dala ang pagkain. Masaya silang nag-uusap habang papunta sa gawi ko.
"Ehem..." pag-distorbo ko sa kanila kaya napatigil sila sa paglalakad ang inabot ko ang palad ko.
"Bakit?" nakataas na kilay na tanong ni Quila.
"Ibigay niyo sa akin ang mga pagkaing 'yan. Gutom ako," sagot ko "Pake mo ba?"
Napatawa naman siya ng konti. "Tss. Sa tingin mo ibibigay ko lahat ng 'to sa 'yo?"
"Yes." confident kong sabi.
"Never," she smirked "Kung nagugutom ka, mas nagugutom kami. In fact, sa'n mo ba nakuha 'yang bitbit mong junk foods? Junk like your face. Patawa ka rin minsan."
Nagpatuloy naman sila sa paglalakad habang iniwan nila akong na iinis. Shit. Ba't hindi ba ako pinrotektahan ni Adrian kanina? Is he dumb? Ugh.
Davy's POV
Pinalabas naman ako ni Keanna sa kuwarto at nakita kong inalalayan niya si Princess na nakayuko kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ako pinalaya sa kuwartong 'to. Kuwartong punumpuno ng kadiliman."Kaya mo ba ako pinalabas dahil si Princess na naman ang papalit sa posisyon ko?" tanong ko kay Keanna pero hindi niya ako sinagot "Ano na naman bang nangyayari sa grupong 'to?"
"Sinunod ko lang 'yung utos ni Chei Ann. Food is life ang gaga ngayon kaya pinakulong si Princess," sagot niya.
"N-Nahuli niyo na ba 'yung killer?" pag-iba ko ng tanong.
"Wala pa," lumabas naman kami n kuwarto habang inalalayan niya ako kaya sinarado niya na ang pinto at ni-lock na ito.
Nakita ko naman si Quila at Adrian na kumakain sa sala kaya napangiti na lang ako dahil hanggang ngayon ay na sa mabuting kalagayan pa rin pala sila at hindi pa rin nababawasan ang grupo.
"Davy?" pagtatakang tanong ni Quila at tinuro pa ako. Nakita ko siyang lumingon kay Adrian ay narinig ko ang kanyang tanong. "Si Davy 'yan?"
"Quila..." dahan-dahan naman akong ngumiti.
"A-Anong nangyari kay Princess? Asan si Princess?" pagtataka niya.
"Quila..." pagtawag ko ulit sa pangalan niya.
"Kain ka muna," tumayo naman siya at inalalayan akong umupo sa sofa kaya umupo na rin sa gilid si Keanna.
Pinakain muna nila ako bago ko sila kinausap. "Quila, maniwala kayo sa akin. Hindi ako ang killer. Huwag kayong maniwala kay Heavenly. Please, Quila. Maawa kayo sa akin..."
"Naniniwala naman ako sa 'yo, Davy. Pero wala akong magagawa. Hindi naman ako ang lider sa grupo. If only na magtulungan tayong tatlo para pabagsakin ang dalawang lider sa grupo," sagot niya "Para tayong tatlo ang mag hari-harian, di ba? Hindi 'yung inuutusan nila tayo kung anong puwedeng gawin sa mga nangyayari."
"A-Asan na ba si Chei Ann?" mahina kong tanong sa kanila dahil wala akong lakas ngayon.
"Na sa banyo siya." sagot naman ni Adrian.
Nagkaroon naman ng konting katahimikan habang patuloy pa rin kaming kumakain. Sa aming katahimikan ay bumalik na rin ang kuryente sa bahay. Black out pala? Ngayon ko lang nalaman.
At kasabay sa pagbalik ng kuryente, ay gano'n din kasabay na sumigaw si Chei Ann sa loob ng banyo na dinig na dinig mula rito sa sala!
"AAAHHH!!!" sigaw niya kaya na-alerto kaming lahat at napatayo.
Sa hindi inaasahan, siguro ay may nangyayari na namang masama.
![](https://img.wattpad.com/cover/76066311-288-k961031.jpg)
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mistério / SuspenseSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...