WSE 9

227 10 1
                                    

WSE 9

May 25, 2016
Angel's POV
Inutusan kami nina Quila at Chei Ann na bumili ng groceries para meron kaming makakain. Inipon namin ang allowance namin kaya dumiretso na kaming bumili ng groceries sa bayan pero bago iyon, inalis ni Keanna ang pagkatali ng aso sa gate upang makalabas rin kami. Kasama ko si Florence at Aila sa pagbili ng groceries.

Binalaan na rin kami ni Chei Ann na walang tatakas sa amin kung hindi namin mahanap ang killer. Hindi ko alam, baka si Aila o si Florence 'yun.

"Ito lang ba bibilihin natin?" tanong ko patungo sa cashier.

"Ano ka? Rich kid? E, syempre 'yan lang. Ang tanga mo naman mag-isip, iyan nga lang ang allowance natin." sagot naman ni Aila.

Tumango na lang ako sa sarcasm ni Aila. Ang nag-iisang alipin ni Chei Ann na hanggang ngayon ay sunod-sunuran pa rin sa feeling reyna. Tss. Akala ko pa naman mabait itong si Chei Ann noon, pero uto-uto lang kami.

"Guys, hahanap lang ako ng comfort room, ha? Na iihi na kasi ako." tugon ni Florence kaya tumango na lang ako saka siya umalis.

PAGKATAPOS naming bumili ng grocery ay hinintay na lang namin si Florence sa labas ng convenience store. Ang tagal niya naman umihi, parang umabot ng isang oras.

"Babalik pa ba 'yung si Florence? Ang tagal niya naman." pagrereklamo ni Aila.

"Siguro." sagot ko kunwari may pake.

Tatlong oras na ang lumipas sa kakahintay namin kay Florence pero hindi siya sumipot.

"Mag text na lang tayo sa kanya. Mauna na tayong umuwi. Kakainip naman maghintay." kaya sumang-ayon ako sa desisyon ni Aila at umuwi na lang kami.

Bitbit ko ang dalawang bag ng binili naming grocery samantala si Aila naman ay walang dinala. Hindi man lang ako tinulungan aa pag bitbit. Walang awang bata. Baka kasabuwat rin 'to ng killer, e.

May napansin naman kaming isang sako sa harap ng gate. Ang baho ng amoy nito, siguro ito 'yung katawan ni James na nakain namin no'ng isang araw. Nakakasuka!

Pero may isang sulat na nakadikit sa isang sako. Kinuha ko ang sulat at isang simbolo ang aking nakita. Mukhang hindi ito simbolo, sulat 'to ng Hapones.

""

Iisa lang makakabasa nito. Ang dating miyembro ng The Bro's na nag-aaral sa Japan. Si Jhymea, siya lang ang nakakabasa ng ganitong sulat. Isa siyang pinoy pero alam niyang magsalita ng Hapon kaya siya lang ang solusyon para alamin ang kung anong nakasulat nito.

"Ano 'to?" tanong ko kay Aila.

"Sulat. Tss. Hindi ko tuloy alam kung saan nakalagay utak mo." sarkastiko niyang sagot.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ng litrato ang nakasulat. Binuksan ko naman ang sako at may itim na tela akong nakita sa loob nito. Mukhang may binalot na bola o kung ano.

Kinuha ko ang na sa loob nito at tinanggal ang nakabalot na itim na tela. Laking gulat ko nang makita ang pugot na ulo ni Florence kaya natapon ko ito!

"AH!" napasigaw ako sa takot.

Napatingin ako kay Aila, pati siya ay hindi siya makapaniwala sa nakita. Bumaling ang pagtigin ko sa lupa kung saan ko natapon ang pugot na ulo ni Florence. Nakanganga ito at hindi ito nakapikit. Mukhang creepy itong tingnan.

"Gusto ko nang umalis." tugon ni Aila.

Florence's POV
Papalabas ako ng isang convenience store dahil gusto kong tumakas. Ayokong masangkot sa gulo kaya humanap ako ng palusot para lang makatakas at hindi na ako muling makita ng killer na 'yun.

Takbo lang ako ng takbo at parang kinakabahan na ako sa aking ginagawa. Siguro tama ang ginagawa ko. Tama lang na tumakas ako para lang lumayo sa patayan, sa gulo.

Wala akong matawagan dahil na iwan ang cellphone ko sa mansyon. Wala 'rin akong pera at hindi ko alam kung saan ako sasakay. Lahat ng taong nakakasalubong ko ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay minamatyagan ako ng mga 'to. Hanggang sa isang tao ang nakasalubong ko. Nakasuot siya ng maskara, isang puting maskara. Nakakakilabot siya nang tumingin siya sa akin kaya tumakbo ako ng mas mabilis.

Wala akong mahihingi ng tulong dahil nagmumukha akong baliw pag ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyayari. Pagtatawanan lang nila ako.

Kumaripas lang ako ng takbo na may dalang kaba sa dibdib. Umiinit na ang katawan ko at nanghihina dahil sa sobrang kaba. Pero ang hindi ko inaasahan, ay may isang nakamaskara ang nakaharang sa daan. Imposible, nakita ko siya kanina tapos may haharang pa sa daan na isa pa?

Sa tingin ko may tinatago siya sa likod habang takbo ako ng takbo patungo sa kinaroroonan niya. Nang mailabas niya ito, hawak niya ang isang dos por dos na kahoy.

"HINDI!" sigaw ko sa kanya. "AYOKONG MAMATAY!"

Hindi ko na alam kung nasaang lugar na ako. May mga tao namang nasa paligid pero walang pumapansin sa akin.

Kaya bumalik ako sa dating daan at nakaramdam ako ng isang malakas na suntok sa aking mukha.

-

NAPAGISING ako. Nagulat ako nang nakatali na ako sa isang upuan! Tanging ilaw lang ang nakatutok sa akin at may napansin akong camera sa harap ko.

"TULONG!" humingi ako ng tulong pero walang sumagot.

Nagsimula na akong umiyak pero umlingawngaw lang ang iyak ko sa loob ng kuwarto.

Lumabas siya mula sa pinto. Napakawalang hiya niya pagkatapos niya kaming gamitin, gagawin niya ito sa amin? Anong klase siyang tao? Anong klase siyang kaibigan?

"Anong klase kang kaibigan? Paano mo 'to nagawa sa amin? Traydor! ISA KANG TRAYDOR!" sigaw ko pero tumawa lang siya.

Tawang-tawa siya sa sitwasyon kong 'to? In front of m beautiful face? Natatawa pa siya dahil sa kagandahan ko?

"KAIBIGAN?" napatigil siya ng tawa. "Iyan lang naman ang hinihingi ko sa inyo, e. Bakit hindi niyo binigay sa akin?"

"Dahil halatang plastik ka." simple kong sagot na ikina-init ng kanyang ulo. "Pero tinuri kitang kaibigan. Pero sa hindi ko inaasahan na ang isang katulad mo ang papatay sa akin. Wala bang mas challenging? 'Yung mas makapal pa sa mukha mo ang papatay sa akin?"

Pero sa totoo lang, kinakabahan na ako sa gagawin niya sa akin. Hindi ko alam kung bibitayin niya akong patiwari o isusunog sa apoy.

"Meron." nakangiti niyang sagot. May lumabas naman galing sa pinto at tumungo sa likod nito.

Lalo akong nagtaka dahil bakit kasali rin siya sa pagpatay. Kaya mas lalong dumoble ang kaba ko.

"W-Wala bang mas maganda diyan?" tanong ko ulit.

Napa-irap siya at may lumabas naman sa pinto at tumungo sa likod niya. "Mas challenging na ba 'to sa 'yo?"

"W-Wala ba kayong sharp object or something para naman patayin niyo na ako?" tanong ko na naman.

"Meron." kinuha niya ang kutsilyo sa kanyang likod.

"Hindi lang kutsilyo. May martilyo rin kami." pinakita naman ng isa ang martilyo na kinuha niya sa sahig.

"Ako na magsisimula sa recording natin para mas challenging." sabi naman ng isa "Suotin na natin maskara natin baka may makakakilala pa sa atin."

Sinimulan na nga nila ang nakakatakot na laro.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon