WSE 27
Unknown's POV
Lumabas ako ng mansyon na hindi napapansin ng barkada ko. May isang transaction pa akong kailanang gawin bago ulit problemahin ang mga pinapatay sa grupo. Hindi naman nila ako mapapansin sa paglabas ko.Tinawagan niya ako kung saan kami magkita at kung saamg lokasyon nga ba ang aming pupuntahan. Sigurado akong na sunod niya naman ng tama ang mga plano para mas lalong bagsakin ang grupo namin kung saan kasali ako.
Nagkita kami sa gitna ng gubat at sinamaan ko siya ng titig kaya ngumisi lang siya sa akin.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.
"Sinunod mo ba lahat ng utos ko? Na patayin siya?" sarkastiko kong tanong.
"Aba, syempre sinunod ko. E, iyon nga lang may problema tayo, e." napakamot siya ng ulo.
"Ano? Anong problema?" tanong ko.
Nawala naman ang kanyang pag ngisi sa mukha at umiwas ng tingin sa akin. Sinundan ko naman ang kanyang tingin at napa-crossed arms ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ano?" sigaw ko.
Napabuntong hininga naman siya bago sumagot. "Na unahan," hinawakan niya naman ang batok niya.
"Anong pinagsasabi mong na unahan! Huwag ka nga magsalita ng ganyan!" muli kong sigaw "Anong kapalpakan na naman ba 'yan? Ilang plano na ang pumalpak, e." inirapan ko siya.
"Okay. Sige na. Palpak na ako sa lahat-lahat."
"E, kahit sana binaril mo na lang siya no'ng may sunog. Pero na unahan ka pa ng lintek na Heavenly na 'yan. Buwisit."
"Hindi ko siya magawang barilin."
"E, 'di sana syinota mo na lang siya!" sigaw ko.
"E, may gusto ako sa kanya, e." pag aamin niya ng totoo.
Bigla namang gumunaw ang mundo ko at parang pumigil ang pag tibok ng puso ko. I knew it all along. Na niloloko niya lang ako. Shit. Tamang-tama lang ang bitag na ginawa ko sa kanya. Na dapat siyang mamatay at dapat siyang masunog sa impyerno.
Hinawakan ko naman ang loob ng bulsa ko habang umiiwas siya ng tingin sa akin. Nang tinawag ko ang kanyang pangalan ay agad kong ibinuhos sa kanyang mukha ang hawak kong gas kaya naman sumigaw siya sa hapdi.
"ARAY! ARAAY!" kunusot-kusot niya ang kanyang dalawang mata dahil sa sobrang hapdi.
"Iyan ang dapat mangyari sa 'yo! Dapat kang mamatay! Buwisit ka!" diin kong sabi.
Kaya naman may kinuha akong lubid sa backpack ko at itinali iyon sa kanyang dalawang paa habang nagkakatalon siya sa hapdi ng kanyang mga mata. Sinubukan kong igapos sa bisig ko ang kanyang dalawang paa upang ma-iayos ang pagtali ko ng lubid bago ito hinagis sa sanga ng puno at hinila ito kaya umangat siya ng pataas.
Ibinitay ko siya ng patiwari at gano'n pa rin ang kanyang mga matang nakapikit pa rin at patuloy pa rin siya sa kakasigaw.
"PUTANGINA MO! MAAWA KA SA AKIN!!" muli niyang sigaw pero nagbibi-bingi-bingihan lang ako kunwari ay hindi ako nakikinig sa kanya.
"Manloloko ka, e. Mahal mo pala, e 'di isama ko kayong dalawa sa impyerno. Isusunod ko siya sa mga barkada kong namatay. Tss." ngumisi ako at binuhusan ko ulit siya ng gas sa kanyang katawan "Gano'n lang naman ako kadaling kausap. Lahat ng mga plastik sa buhay ay isinusunog ko na parang goma. Lalabas ang baho nila." diin kong sabi.
"HUWAAAG!!!" Mukhang alam niya yata ang ibig sabihin kong isinusunog kaya mas lalo akong natutuwa habang natatakot siya.
"Manloloko ka?" kinuha ko sa bulsa ko ang baon kong posporo "Puwes, mas manloloko ako..."
Sinindihan ko naman ito at unang sinunog ang kanyang buhok na nabasa ng gas. Kaya umakyat ang apoy papunta sa kanyang katawan.
"Burn in hell. Bitch." wika ko bago siya iniwan na sumisigaw.
Adrian's POV
Pagsapit ng gabi habang papatapos kaming kumain ay nag-usap-usap muna kami bago namin huhugasan ang plato. Sandali, hindi pala kasali ang nag re-reyna-reynahan sa grupo sa paghugas ng plato. Tss. Kahit kailan talaga ayaw niyang matuto."Anong gagawin natin kay Davy? Kailangan niya ba talagang mabulok sa kuwartong iyon?" seryosong tanong ni Keanna "Just get up on your own feets, guys. Kaya nating hanapin ang totoong killer. Imposibleng si Davy ang killer sa grupo!"
Bigla naman nagkoroon ng power cut sa buong mansyon kaya bigla akong kinabahan.
"Tss. Power cut." bulong ko pero na sa loob pa rin ang kaba ko.
Napakadilim ng paligid at sinusubukan naming hanapin ang emergency lights na nasa loob lang ng dining room.
May isa namang nakahanap sa grupo kaya bumalik ulit kami sa lapag. Sumeryoso ulit ang mukha ni Keanna dahil siguro alam niya kung ano na naman 'tong pakulo ng killer.
Kaya napahampas agad siya ng lamesa at biglang tumayo. "Ano na naman ba 'to, ha?" sigaw niya "Ano na naman ba 'tong pakulo niyo?"
Tiningnan niya naman kami ng isa-isa ng masama napakagat na lang ako ng labi ko at ipinikit ang dalawang mata ko. Konti na lang kaming natitira sa grupo at alam kong ngayong gabi ay may mababawasan.
"PUWEDE BANG SUMAGOT KAYO SA MGA TANONG KO? ANO NA NAMAN BA 'TONG PAKULO NIYONG LINTEK NA GRUPO NA 'TO!" mukha na siyang nababaliw sa kanyang pinagsasabi "Sigurado ako ngayon sa lapag na 'to ay may nakaupong killer. Kaya habang maaga pa patayin niyo na lang ako!"
"Keanna," pagtawag ko sa pangalan niya kaya agad siyang tumingin sa akin.
"ANO?" sigaw niya "Ikaw ba 'yung killer, Adrian, ha? Ikaw ba?"
"Bawal mag-away sa harapan ng pagkain." wika ko kaya napahagikhik naman ng konti si Quila.
"Sa tingin mo nagbibiro ako ngayon? Ha?" seryoso niyang sabi.
Kaya tiningnan ko lang siya. "Kumalma ka. Hindi ito ang tamang oras para ilabas ang lahat ng galit mo kung sino man ang killer sa dining room na 'to." seryoso kong sabi "Hayaan mong hanapin silq ng sarili nilang karma, Keanna. Hindi lang ikaw ang naaawa sa grupo kung 'di pati na rin ako..."
Tinitigan niya lang ako habang naluluha siya.
"Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa grupong 'to, Keanna. Kaya na isipin mo na lang na manahimik keysa mag ingay. Ayoko na namang isunod ka nila." tiningnan ko naman si Princess na tahimik lang "Na ayokong isunod ka ng taong walang puso kung pumatay ng kapwa..."
Muli ko siyang tinitigan habang unti-unting tumulo ang kanyang sariwang luha.
Tumayo naman ako at kinuha ang plato ko at idinala ito sa lababo. Gayundin ay kinuha rin nila ang kanya-kanyang platito at sumunod sa akin.
"Ikaw ang mag hugas. Ang dami mong arte." pag-utos sa akin ni Chei Ann.
Tss. Dafuq.

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Misteri / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...