WSE 16

170 10 0
                                    

WSE 16

Princess' POV
Sakit at hapdi ng aking ilong. Iyon ang nararamdaman ko dahil patuloy na pananakit nila sa akin. Nakalimutan na nga nila lung sino ang lider sa grupo nila kaya nagtanim na ako ng galit at poot sa isip ko. They making the things worsts that before. They make me bad kaya may mapapala sila sa akin.

Inaabuso nila ang ako.

"Sige, ilublob niyo lang yan sa inidoro tapos mamaya naman sa kanal para bongga." pag-uutos ni Chei Ann kina Keanna at Quila habang patuloy nila akong inilublob sa inidoro.

"T-Tama na!" sigaw ko pero patuloy lang nila iyon ginagawa sa akin.

"Kaya pala gustong mong tumakas para patayin si Aila kagabi, ha?" sabi pa ni Chei Ann.

"ANO BA?!" bigla kong narinig na sumigaw si Davy.

Kaya itinigil nila akong ilublob sa inidoro. Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong sinampal ni Davy si Chei Ann!

"HINDI SI PRINCESS ANG KILLER! BA'T BA PINIPILIT NIYO SIYANG AMININ NA SIYA ANG KILLER?" sigaw ni Davy kay Chei Ann.

"Hoy bakla, huwag kang umeksena, ha? Ang ganda na nga scene, e. Nakiki-entra ka pa." sagot ni Chei Ann.

Sa tingin ko ay nakaramdam ng awa sa akin si Davy dahil sa mga mata niya. Nakikita kong may pag-asa pa akong mabuhay dahil kay Davy.

"Tatlong araw na siyang walang makain dahil sa inyo! Hindi ba kayo nakakaramdam ng awa?" dagdag pa niya.

"Awa? 'Yun ba ang sinasabi mong awa, Davy? 'Yung pag patay niya kay James, Florence at Aila? Awa pa ba ang tingin mo do'n?" biglang sagot ni Keanna.

"Wala tayong ebidensya laban kay Princess sa pagpatay niya sa tatlong miyembro ng grupo!" nilapitan naman ako ni Davy at inawat patayo. "Kaya, please lang. Mas nagmumukha kayong killer keysa sa totoong killer."

Naglakad kami palabas ng banyo ni Davy. Iniwan namin silang nakatingin lang sa amin.

-

"ITO na lang ang natitirang pagkain dito. Kaya ikaw na ang umubos. Tatlong araw ka na kasing walang kain, e." ibinigay naman sa akin ni Davy ang delatang sardinas.

"P-Paano sila, Chei Ann? Wala silang makain?" tanong ko.

"Hayaan mo na sila. Mga patay gutom 'yung mga 'yun habang wala ka dito noon."

Kaya sinimulan ko ng isubo ang pagkain hanggang sa nakaramdam na ako ng sobrang gutom kaya inubos ko na ang pagkaing ibinigay sa akin ni Davy.

"May natitira pa palang awa sa akin. Akala ko katapusan ko na." sabi ko kay Davy kaya napangiti siya ng konti.

"P-Pero, Princess huwag ka sanang magulat sa tanong ko, ha?"

"B-Bakit?"

"I-Ikaw ba talaga 'yung k-killer?"

Kinakabahan ako sa tanong niya kaya umiling agad ako.

"Sabi na nga ba..." biglang sabi ni Davy. "Hindi nga ikaw 'yung killer."

Nawalan agad ako ng kaba pagkatapos ng kutob niyang iyon. Pero nagtanong na naman siya sa akin ulit.

"Sa tingin mo ba, na sa grupo lang natin 'yung killer? Baka may alam ka?"

Napabulong ako sa kanya dahil sa na isip ko. "Huwag mong sasabihin sa iba ang nalalaman ko, ha?" panimula ko kaya tumango siya. "Si--"

"Okay napag-desisyon namin na pupunta tayo sa bahay ni Heavenly if ever na siya nga 'yung lider nina Kaye Mark at Althea." biglang sumulpot mula sa sala si Chei Ann.

Bigla namang lumapit sa amin si Quila. "And also, nireport na namin sa pulis sila Althea at Kaye Mark kaya pinaghahanap na sila ngayon."

"Ano?" lumapit naman si Keanna. "Ang tanga mo talaga, Quila! Hindi ka ba nag-iisip? Maaaring hulihin rin tayo ng mga pulis sa nangyari."

"Don't worry, Keanna. Hindi naman alam ng pulis kung saan nagtatago si Kaye Mark at Althea so safe tayo." sagot naman ni Quila.

"Tayo ang tatanungin ng mga pulis dahil sa pag report mo. Huhulihin nila tayo agad."

"Joke lang. April fools! Hehe."

"Gaga! Mag-ju-june na nasa april ka pa rin?" binatukan naman ni Keanna si Quila dahil sa katangahan ni Quila.

"Siguraduhin mong joke lang 'yan, Quila, ha? Pag nahuli tayo ng pulis, ikaw ang ituturo naming killer." seryosong tugon ni Chei Ann kaya napayuko na lang si Quila. "Anyway, puntahan na natin si Heavenly ngayon."

Sasabihin ko pa ba kay Davy ang nalalaman kong pagpatay sa miyembro namin?

Chei Ann's POV
Napapansin kong napapalapit si Davy kay Princess kaya kumukulo ang sariwa kong dugo habang nag-uusap sila sa aming paglalakbay papunta sa bahay ni Heavenly. Magkalapit ang dalawa.

I smell something fishy.

"Jusko. Nakakagutom naman 'yung ulam na niluluto ng kapitbahay nila. Sinugbang isda. Ang sarap." pagsasalita ni Quila.

"Puro pagkain ka na naman, Quila." pagsita sa kanya ni Angel.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay ni Heavenly ay agad akong kumatok sa pinto ng bahay nila. Bumukas naman ang pinto at may isang dalagang bumungad sa harap namin sa tingin ko college na siya.

"Bakit po?" tanong niya sa amin.

"Oh, please. Huwag mo na kaming i-'po', hindi pa kami matanda katulad mo." nakangiting kong sabi. Basta sa pamilya ni Heavenly, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanila.

Dahil isa si Heavenly na sinaktan ako noon after ng break namin ni Bryan.

"Napaka-haliparot mo kasi kaya nakipag-break sa 'yo si Bryan!" sigaw ni Heavenly sa akin noon.

"Aba't kung nang dito ka at gusto mo ng away, talagang handa ako!" sigaw niya.

"Umm, excuse me. Hindi po kami pumunta rito para makipag-away sadyang bad mood lang 'tong kasama namin." sabi ni Quila kaya tumango ako at ngumiti ng konti.

"Puwede po ba kaming makipag-usap sa inyo?" tanong naman ni Angel kaya pinapasok kami niya kami sa loob ng bahay.

Umupo naman kami sa isang sofa nilang sira na at masikip pa kaya nagkasikipan kaming magba-barkada.

"So, ano ang dapat nating pag-usapan?" pagsisimula niya.

"Well, kaano-ano niyo muna si Heavenly?" simulang tanong ko.

"Actually, magkapatid kaming dalawa." sagot niya.

"And also," tinaasan ko siya ng kilay. "Asan siya ngayon?"

Biglang lumungkot ang kanyang mukha. Sumulpot naman ang kanyang ina na mula yata sa kusina at napatingin sa amin kaya bigla siyang nagalit sa amin!

"KAYO! MGA HALIMAW KAYO!" tinuro niya pa ako. "LALO KA NA!!"

Bakit? Iyon ang katanungan na nabuo sa isip ko.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon