WSE 24
Keanna's POV
Natahimik kaming lahat sa aming narinig mula sa bibig ni Heavenly. Sa kanyang sinabi ay hindi ako makapaniwala. Tila bang para akong binuhusan ng isang baldeng ice dahil sa aming narinig. Sa mga sumusulat ng shi, ay siya pa rin ba? Si Davy pa rin ba? O ang kasamahan niyang sina Kaye Mark at Althea?"So ano nang plano mo ngayon, Princess, ha? Akala mo nakuha mo na ang pagiging lider mo?" sarkastikong tanong ni Chei Ann kay Princess.
Biglang kumirot ang puso ko dahil dinala kami ni Princess sa kapahamakan. Pero, still ay naniniwala pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin ako naniniwala sa impaktang si Chei Ann na akala mo kung sino makapagsalita.
"So ano ng plano, guys? Hahayaan na lang ba nating mamatay si Davy sa kuwarto?" tanong ko.
Nagtitigan lang kami rito sa sala habang iniisip pa ang plano. Nakita ko namang nakangiti lang si Chei Ann at nagsimulang magsalita.
"Sa tingin mo, hahayaan lang natin siya?" napatawa si Chei Ann ng konti. "Sa tingin niyo kailangan pa siyang mabuhay?"
Kumunot ang noo ko dahil sa pinaplano niya. "Anong ibig mong sabihin, Chei Ann?" pagtataka ko.
Pinatuloy niya naman ang kanyang sasabihin. "Tayo mismo ang papatay kay Davy. Dapat tayong maghiganti sa totoong killer, dapat natin siyang patayin!"
Napatayo naman ako sa gulat na pinaplano niya. "What are you thinking? Gusto mong mabawasan tayo sa grupo? Gusto mong hulihin tayo ng pulis para lang diyan sa pinaplano mo?"
"O, tapos? Paano pag nakatakas siya? Paano pag patayin niya tayo, ha?" sigaw niya sa akin. "Gamitin mo nga minsan 'yang utak mo, Keanna. Kinakalawang na yata, e. Tangina."
Sumama lang ang loob ko sa kanya at pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi magalit sa pinaplano niya.
Paano pag hindi pala si Davy ang killer? Paano pag si Princess o si Adrian? Paano pag nagsisinungaling lang pala sa amin si Heavenly? Ang galing naman ng plano niya pag gano'n. Tapos gusto pang patayin ni Chei Ann si Davy? Aba't kami na ang killer ngayon dito sa kuwento. Hindi maaari.
"H-Hindi," napayuko ako "Tangina mo rin, Chei Ann. Ayaw kong may mawala pa sa barkada natin. At kung set-up lang 'to ni Heavenly ay sisihin kita at ituturo kita."
"Oh good. Sa tingin mo, maniniwala sa 'yo ang mga pulis? Isang katulad mong teenager na walang utak? Maniniwala ba siya?"
"Ang lakas naman ng loob mong makapagsalita ng ganyan, Chei Ann," biglang wika ni Princess "Akala ko ba may sakit ka?"
"W-Wala na akong sakit," napahiya ng konti si Chei Ann.
"Talaga?"
Tumango na lamang siya at nawala ang ngiti niya kanina sa mga pinagsasabi niya.
"Minsan nga, napaisip ko..." nginitian ko siya "...na baka ikaw 'yung plastik sa barkada,"
"Putanginamo," ngumiti rin siya sa akin "Ako? Plastik--?"
"Bakit? Hindi totoo?" seryoso kong tugon.
"Ba't hindi mo tanungin 'yang si Princess kung gaano rin siya ka-plastik sa barkada, ha?"
"E, sino ba naman ang hindi magiging plastik sa mga kaibigan mo kung may umaagaw na sa posisyon niya sa grupo?" sigaw ni Princess "I was once a true friend at first! Pero simula nang dumating ka sa grupo Chei Ann ay feeling ko tinraydor na nila ako!"
Napatitig lamang ako sa hindi ko inaasahang sigaw ni Princess ngayon. Kaya agad ko siyang nilapitan pero agad siya lumayo sa akin.
"Princess," wika ko sa pangalan niya.
"Just-- Don't come near with me." she raised her hands then walk out.
Sinamaan ko ng titig si Chei Ann dahil siya naman talaga ang may pakana ng lahat ng 'to. Inagaw niya ang posisyon ni Princess at the first place. Hindi ko alam kung sino tuloy ang kakampihan ko sa dalawa. Either si Princess ang killer or si Chei Ann. Nakakalito.
Napatayo naman kami nang dumating si Adrian. "O, Adrian? Kamusta si Quila?" tanong ko.
"Okay lang ba siya?" tanong naman ni Chei Ann.
Tumango naman siya. "H-Hindi naman gaano kalalim 'yung bala na natamo niya. So maybe lalabas na siya in two or three days."
Tumango lamang ako pero hindi ko nakikita ang kaawaan ni Chei Ann sa kanyang mukha.
"Asan na si Heavenly?" ibang usapan naman ang tinanong ni Adrian.
"Na sa cabinet. Kung saan noon nakakulong si Chei Ann..." ngumiti ako ng konti habang nakatingin ng saglit kay Chei Ann na nakayuko. "Huwag ka mahiya, Chei Ann. Dahil sa 'yo napagkamalang namatay si Heavenly. Bully ka kasi, e." napatawa ako ng konti.
"Fuck." umalis naman si Chei Ann kaya kaming dalawa na lang ni Adrian ang na sa sala.
Pumasok naman siya sa kuwarto kung saan ang master bedroom nina Chei Ann at James noon at kung saan rin namin kinulong noon si Chei Ann.
Sinunod ko naman si Adrian kaya nagulat na lang kami nang makita namin siya na wala ng malay sa loob ng cabinet at may hawak siyang isang bote na sa pagkakaalam ko ay poison. Sheesh.
"Tangina." gigil na pagmumura ni Adrian at napasabunot pa siya ng sarili niyang buhok "Paano na natin malalaman kung sino ang killer!" inis na inis siya sa kanyang sariki.
Bumubula ang bibig ni Heavenly kaya wala na lang kaming nagawa kung 'di ay ibinalot siya ng isang kumot at inutusan ko si Adrian na mag bungkal ng hukay sa likod ng mansyon.
"Shit. Wala na tayong magagawa nito kung 'di ay mag hukay ng napakalalim para sa mga namamatay..." pagsasalita ni Adrian.
Nang matapos siyang maghukay ay tinulak ko ang bangkay ni Heavenly sa hukay at sinunog muna iyon. Habang hinihintay ang kanyang abo ay dumating naman si Chei Ann.
"Anong nangyayari dito?" tanong niya.
"Obviously, may namatay na naman. Duh. Bobo ka ba, Chei Ann?" napa-irap ako sa katangahan niya.
Tumingin naman siya sa hukay. "Well, good. Mabuti na lang talaga at pinatay niyo na 'yang si Davy..." ngiti-ngiti niyang sabi.
"Bobo ka talaga. Si Heavenly 'yan. Nag suicide na siya. At ngayon ay hindi na natin malalaman kung sino nga ba talaga ang killer," pagsagot ko "Dahil nagpakamatay ang lintek na Heavenly na 'yan! Buwisit."
"Shit." pagmumura niya.
Kahit ako ay na iinis na ako sa sitwasyon ngayon. Naguguluhan ako kung sino nga ba talaga ang killer. Gusto na kitang makilala at patayin.
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Misterio / SuspensoSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...