Epilogue
Present day...
Chei Ann's POV
Na aalala ko pa rin ang lahat ng mga pangyayari sa loob ng mansyon. At sa paglabas ko't nabuhay ako ay puro mga pangsisisi at mga kahilingang ba't hindi rin raw ako nasali sa patayan. Wala na akong magawa pa kung 'di ay magbibingi-bingihan na lang at inaalis sa utak ko ang lahat ng mga masasakit na salita na sinasabi nila sa 'kin.Nakatitig lang ako sa pisara habang tinatapunan ako ng mga nambubully sa akin ng kung anu-ano. At matapos ay ipinikit ko ang mga mata ko't nagdasal na sana ay namatay na 'rin ako. Sana tuluyan na nga akong namatay para hindi ko na maranasan ang lahat ng 'to.
Do'n ko napagtanto na nasa huli ang pagsisisi. Sana no'n una pa lang hindi ko na lang ito ginawa. Pero dapat lang naman sa kanila iyon dahil mga plastik sila at buwisit sa buhay. Hindi nila deserve ang hustisya.
Tumitigil ang pambubully nila sa akin nang pumasok ang guro namin sa classroom. Pero hindi lang siya nag-iisa. Gulat na gulat kaming makita siyang buhay na buhay at wala ni isang peklat man lang ang nakita namin sa kanya. Mga ngiti niyang masigla na para akong kinakabahan.
"Okay, good morning, class..."
Buwisit. Hindi puwedeng mangyari 'to. Ibubulgar niya ako na isa akong killer. Paano na si Mama? Shit. Hindi siya puwedeng mabuhay at sana tinadtad ko na sana siya ng bala noon sa mukha para hindi na siya makilala.
"Bess, confirm 'yung tsimis na buhay nga siya..." dinig ko 'yung bulong ng kaklase ko sa likod.
"Beshy, feel mo? Sasabihin niya kaya 'yung killer sa loob ng patayang naganap sa barkada nila?" dagdag pa ng isa.
"Pahulaan tayo kung sino ang killer?"
"Sige."
"Fine. Sige."
"Puwede bang tumahimik kayo?!" sinita ko naman sila ng malakas kaya nagulat sila sa ginawa ko.
Napatigil naman siya sa pagsalita at mukhang gulat na gulat kaya napatawa na lang siya.
"O? Ba't ganyan reaksyon mo?" nakangiti niyang sabi.
Umupo na lang ako ng maayos at tinitigan siya. Pero pabalik-balik ang tingin ko sa mukha niya at sa pisara dahil mukha itong galit na galit kung makatitig rin siya sa akin.
"What's the problem, Miss Hernandez?" tanong sa akin ng guro.
Tumayo na lang ako at kinuha ang bag ko saka lumabas ng classroom. Hindi ko mapigilan ang hindi kabahan dahil bumalik siya at ibubulgar niya ako.
Nagpakilala siya sa klase pero umalis na ako kaagad kaya hindi ko na narinig pa kung anu-anong pinagsasabi niya dahil nanginginig na ako sa takot na ibubulgar niya nga ako.
"Chei Ann!" narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Bryan pero hindi ko na siya nilingon.
"Huwag mo akong sundan, Bryan! Umalis ka na!" pagtataboy ko sa kanya pero dinig na dinig ko pa rin ang hakbang ng kanyang pagtakbo sa kakahabol sa akin.
Bumaba ako sa hagdan at naglakad patungo sa backstage. Parang gusto kong umuwi at magpakamatay pero 'di ko magawa.
"Chei Ann!" pumasok naman si Bryan.
"Alam mo na sikreto ko, 'di ba? Alam na mo na may sakit ako ay kinuwento ko na ang lahat, 'di ba?"
"Oo. Pero hindi ko ikakalat 'yung mga sikreto mo..."
"Kung niloko mo ako noon, lolokohin mo pa 'rin ba ako ngayon?" tanong ko sa kanya at napatahimik siya.
"Chei– Bryan?" gulat na sabi ni Ivanne. Sinundan niya rin pala kami dito. "Anong ginagawa niyong dalawa dito?"
"Ivanne, umalis ka muna, please!" sabi ko kay Ivanne.
"Ba't ka umalis kanina sa classroom?" tanong ni Ivanne sa akin.
"Basta umalis ka muna!"
"Teka lang, akala ko ba magkaibigan tayo? May tinatago ka ba sa akin?"
"Umalis ka kasi muna, Ivanne dahil may kailangan kaming pag-usapan!" sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin siya umaalis.
"Kaya ka nag walk out kasi bumalik siya? Pinagplanuhan niyo ba 'to ni Bryan na patayin lahat ng barkada mo?"
"Hoy, huwag mo akong tadtarin ng mga salita mo, Ivanne, ha!" pagbabanta ni Bryan.
"Ano bang pinagsasabi mo, Ivanne? Wala akong kinalaman sa pagiging killer!" wika ko naman.
"O? 'Yun naman pala, e? Ba't ka umalis kanina?"
"Puwede ba, Ivanne umalis ka na?!" sigaw ni Bryan.
"Ipaliwanag niyo muna 'to sa akin, ano bang nangyayari?" naguguluhan na sabi ni Ivanne. "Alam mo ba ang nangyayari, Bryan?"
"Umalis ka na!" sigaw ni Bryan.
"Chei, alam na ba 'to ni Bryan?"
Tinitigan ko lang siya ng masama.
"Umalis ka na sabi!" sigaw ulit ni Bryan.
"Fine!" huminga ng malalim si Ivanne bago nagsalita "After this, you'll explain this everything to me!"
Umalis naman si Ivanne kaya isinara ni Bryan 'yung pinto at lumayo kami sa may pinto para hindi marinig ni Ivanne ang usapan naming dalawa.
"Sa oras ngayon, Bryan ay ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko. Alam kong mali ko ang sinabi ko sa 'yo ang lahat–"
"Hindi mali, Chei Ann. Tama lang na sinabi mo sa akin. Ngayon, anong gagawin ko para patayin ko siya?"
Nag-isip muna ako ng plano kung paano siya patayin ni Bryan. Kaya nang may na isip na ako ay agad ko itong sinabi kay Bryan.
"Sa paglalapit ng bakasyon ay dapat kayong magsaya. Sa inyong pagsaya ay may tinatagong dugo ang bawat isa sa inyo, dugo na kung saan ay iiyak sila't magdurusa..."
"Anong pinagsasabi mong patayin ko silang lahat? Hindi puwede, Chei Ann! Kung siya lang ay gagawin ko!"
"Kung mahal mo ako, sana masunod mo ang utos ko sa hanggang sa aking huling hininga. Pag natapos mo na ang misyon na inutos ko sa 'yo ay tiyak na matutuwa ang kaluluwa ko..."
"Magpapakamatay ka?"
Infairness, ang galing sa logic nitong si Bryan.
"Hindi ako psychopath, Chei Ann na lahat sila ay kaya kong patayin!"
"Pero kaya mo siyang patayin? Tss."
"Oo. Para lang sa 'yo... Para hindi nila lahat deserve ang hustisya!"
"Mahal mo ako, 'di ba? Gusto mong makipag balikan sa akin, di ba?"
"Pero magpapakamatay ka, di ba?"
"Tss. Binibiro lang kita."
"Pagkatapos mo kaming isa-isahin, Chei Ann... Inuutusan mo na naman si Bryan na patayin ako at ang mga barkada niya?" isang boses ang agad naming narinig sa loob ng backstage.
"A-Anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kong sabi.
Tumingin ako sa likod niya at nang do'n si Ivanne. Alam na siguro ni Ivanne na ako 'yung killer!
"Ibubulgar ko ang lahat ng mga kasalanan mo!" giit niya.
Hindi puwede. Hindi puwedeng buhay si Adrian.
"At titigilan ko ang lahat ng plano niyo ni Bryan na patayin kaming lahat dito!"
Hindi niya dapat akong puwedeng ibulgar. At mas lalong hindi siya puwedeng mabuhay at dapat agahan na ang pagpatay sa kanya para hindi na siya magkalat pa ng mga kasalanan ko.
Dapat silang mamatay lahat. Dahil isa-isa silang may kasalanan sa akin. Kaya dapat isa-isa silang magdurusa sa kamatayan...
To be continued...

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Misterio / SuspensoSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...