WSE 53

78 3 1
                                    

WSE 53

Adrian's POV
Sa pagtakas nina Quila at Keanna ay gano'n 'din ang ginawa nina Chei Ann at Althea ay ang sumunod sa kanila. Hindi ko alam kung mabubuhay ba kami sa sitwasyong 'to. Ang tanging ginagawa ko lamang ay sumigaw, humiyaw at namamaos na sa kakahingi ng tulong. Halos lahat ng ginaw ako ay nakakawala ng silbi sa ginagampanan ko. Walang kapitbahay na malalapitan o makikinig sa namamaos mong tulong.

Sa tingin ko ay nawawalan na ako ng pag-asa...

"TULOOONGGG!!!" patuloy kong sigaw habang inaalis ang nakataling lubid sa kamay ko sa likod "TULOOONGGG!!!"

Halos hapdi ang nararamdaman ko dahil sa pilit kong tinatanggal ang lubid sa kamay ko. Hindi rin ako makatayo ng maayos dahil na a-out of balance ako pag sinusubukan ko.

Sana sa huling hininga ko dito sa mundo ay ang tanging hiling ko lang ay makaligtas ang mga kaibigan ko. At sana pag namatay ako ay makakamit ko rin ang hustsiya.

"BUWISIT KA, CHEI ANN!!! BUWISIT KAYONG LAHAAAT!!!"

Dahan-dahang nagsitulo ang sariwang mga luha na nanggaling sa aking mga mata. Mukhang nawawalan na nga ako ng pag-asa dahil sa pagbalik nila dito ay ako naman ang mamamatay. Sana nga nakatakas ng maayos sina Quila at Keanna.

Dahan-dahan kung pinapadulas ang namamawis kong mga kamay sa lubid. Sa tingin ko ay namumula na ito dahil sa hapdi na nararamdaman ko ngayon. Hapdi. Oo, sobrang hapdi.

Unti-unting natatanggal ang lubid sa pinapadulas kong mga kamay sa pamamagitan ng pawis. Medyo hindi masikip ang pagkatali nila sa akin kaya ito'y dumudulas na lamang sa mga kamay ko.

At sa wakas ay natanggal nga ito kaya dali-dali ko namang tinanggal ang nakataling lubid sa paa ko. At nang matanggal ko na nga ay dahan-dahan akong tumayo at agad na naglakad. Gusto kong tumakas pero hindi maaari, dahil mas mabuting magpakabayani para sa sarili mong mga kaibigan. Dapat makamit rin nila ang hustisya.

Kumuha ako ng kutsilyo sa kusina nang makarinig ako ng tunog ng gate kaya dali-dali akong tumungo sa sala at sumilip sa bintana. Nakita kong hila-hila ni Althea ang isang sako na sa tingin ko ay may laman kaya nanlaki ang mga mata ko! At hindi ko alam kung sino ang na sa loob ng sako at mukhang papunta siya sa likod ng bahay kaya sinundan ko na lang siya ng mga mata ko.

Nang makaalis siya sa paningin ko ay agad akong tumungo sa kusina at sinilip siya sa binatana sa likod. Nakita ko siyang hila-hila pa 'rin ang dalang sako at tinulak ito sa isang butas sa lupa! Mukhang hinukay niya ito kanina sa na udlot nilang palaro na walang kwenta!

"MAMATAY KA NA, QUILA! BUWISIT KA!" sigaw niya at kumuha ng palakol.

Dinig na dinig ko naman ang sigaw ni Quila! Wala na akong magawa kundi ay umiyak na lang. Naduduwag akong iligtas si Quila, ayaw ko siyang mamatay pero naduduwag ako!

Ano ba, Adrian? Wala ka bang gagawin?! Gumising ka nga! Ikaw pa naman mismo ang nagsabi na ayaw mong may mabawasan sa barkada tapos ikaw itong naduduwag na iligtas sila?! Ano ba! Iligtas mo si Quila!

Iyan ang sigaw ng konsensya ko pero nanginginig pa 'rin ako sa takot. Hindi ko siya puwedeng hinahayaan lang pero na uunahan ako ng takot at kaba na dapat sa sitwasyon ngayon ay magpakalakas ako! Ano ba, Adrian?!

Mag isip ka ng plano, Adrian. Mag isip ka...

Sumilip ulit ako sa bintana at nakita kong tinatakpan na ni Althea ang lupa habang sumisigaw si Quila! Habang sumisilip ako ay bigla namang tumingin sa direksyon ko si Althea kaya napaupo ako at umataras.

Dali-dali naman akong tumayo at tumungo sa kuwarto. Muntik pa akong madulas dahil sa pagtakbo ko. Nang makarating ay hinanap ko sa drawer ang mga cellphones nila at sa maleta pero hindi ko mahanap-hanap.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon