WSE 29
Althea's POV
Sinuot ko ang bigay na hoodie jacket na binigay sa akin ni Kaye Mark no'ng 15th Birthday ko last year. Napakapit ako ng mahigpit sa bulsa ng hoodie dahil itong regalo na 'to ang ibinigay niya sa akin bago siya namatay. Buwisit na Quila 'yan. Dapat siyang mamatay. Dapat siyang makulong sa imyerno at masunog do'n. Dapat siyang pahirapan.Pumunta ako sa mansyon nina Keanna na hindi napapansin ang pagtakas ko sa bahay namin. Oo. Puro pagtakas lang ang ginagawa ko sa bahay sa tuwing natutulog, may katawag, may trabaho at kung anu-ano pang ginagawa ni Papa kaya hindi niya ako napapansin kung tatakas ako para lang pumatay.
Minsan niya lang akong nahuli at binulyawan niya ako pero nasasanay na rin ako sa ugali niya. Gano'n rin kasi ang pagbubulyaw niya noon kay Mama kaya nasanay na lang ako sa mga sigaw niyang walang kuwenta. Tss.
Dala-dala ko ang kutsilyo at duck tape sa bulsa ng hoodie ko kaya mahigpit ang kapit ko rito. Hinihintay kong may lalabas sa mansyon kaya kahit magtatanghali na't tiniis ko pa rin ang init. Bahala na kung hindi si Quila ang lalabas basta mapatay ko ang isa grupo namin maliban sa kanya.
Timing naman na lumabas si Quila sa mansyon kaya nagtago ako sa gilid ng gate na hindi niya napapansin. Lumabas naman siya sa gate kaya do'n ko na siya sinimulang sundan.
Habang sa paglalakad niya ay mukhang napapansin niya ako sa kanyang likuran. Kaya dinahan-dahan ko ang paglalakad at nagtago sa malapit na puno. Nagpahinga muna ako sandali dahil nakaramdam ako ng kaba.
Umalis na ako sa pagtago at sinundan na naman siya. Huminto naman siya nang mapansin niya ako kaya huminto na rin ako sa paglakad.
Inunahan ko na siya't baka ma-unahan niya pa ako. "Quila..." pagbanggit ko sa pangalan niya.
Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin kaya napangiti na lang ako sa sarili ko dahil may papatayin ako ngayon. Babae sa babae. Patay kung patay. Basta't makahiganti lang ako para sa pinsan ko ay sapat na.
Sa paglingon niya ay nagulat naman ako. Tangina.
"Nakakatakot ka!" bulyaw sa akin ng isang babae at napatakbo naman siya dahil sa takot.
Napayuko na lang ako at sinampal-sampal ang mga pisngi ko dahil sa katangahan. Ba't hindi ko ba siya nasilip kanina no'ng nagtago ako? Ang tanga mo, Althea! Ang tanga-tanga mo!
Ibang tao tuloy ang nasundan ko. Parehang-parehas kasi sila ng outfit. Buwisit! Sa'n mo ba binili damit mo, Quila, ha? Ukay-ukay rin ba? Mga buwisit!!
"UGH!!" sumigaw ako at dumabog-dabog sa gilid ng kalsada at hinanap sa paligid si Quila. Pero walang Quila ang nakita ko!
Kaya nagagalit ako ngayon sa inis dahil sa katangahan ko't na unahan niya ako. Buwisit! UGH!
Adrian's POV
Bumangon naman ako sa pagkahiga sa sahig at lumabas ng bahay. Sasamahan ko si Quila para naman hindi siya mapahamak sa labas. Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayaring masama sa kanya."O, Adrian?" napansin naman ako ni Chei Ann kaya nilingon ko siya "Sa'n ka ba pupunta?"
"Sasamahan ko si Quila..." sagot ko.
"Siguraduhin niyong bumalik kayo, ha? Huwag kayong magsumbong sa pulis." wika niya kaya tumango na lamang ako at umalis.
Sa paglabas ko ay pansin kong malayo na siya kaya binilisan ko ang mga yapak ako papalapit sa kanya ng mahina ang mga tunog nito at gugulatin ko siya. Hehe. Ang talino ko, ano? Hehe.
Nang makalapit ako sa kanya ay napahinto naman siya sa paglalakad. Hala. Baka napansin niya ako?
Kaya naman tinawag ko 'yung pangalan niya na buong-buo 'yung boses para magmukha akong killer sa ginagawa ko.
"Quila..." pagtawag ko kaya dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin habang nanginginig ang kanya mga katawan.
Kaya naghanda ako ng hame-hame wave sa mukha niya at napaatras naman siya sa gulat.
"AY!" umatras siya sa gulat "BUWISIT KA!" hinampas niya naman ako sa mga braso ko kaya napatawa na lang ako ng konti.
"KINABAHAN AKO DO'N, HA! BUWISIT KA TALAGA!" mukhang mangiyak-iyak niyang turan "AKALA KO TALAGA KATAPUSAN KO NA!" pinunasan niya naman ang kanyang mga luha habang ako naman ay tawang-tawa.
Umakbay naman ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Hehe. Huwag ka na ngang umiyak. Hindi ka nga umiyak no'ng muntik ka ng patayin ni Kaye Mark, e."
Tumalikod naman kami habang naglakad kami papunta sa tindahan. Binilisan naman ang paglalakad namin dahil nakaramdam na kami ng gutom.
Tumambay muna kami sa tindahan habang hinihintay namin ang isang litrong soft drinks at pandesal sa natirang sukli. Marami-rami kasi ang mga customers nila kaya naghintay na lang muna kami.
"Teka, isang araw na nating hindi nakikita si Davy, ah?" panimulang usapan ni Quila.
"Ah, oo nga pala. Na sa kuwarto siya kung saan noon nakakulong si Chei Ann. Hindi ko alam kung okay ba siya sa loob, e." napakamot ako ng ulo.
"Hindi ka ba na-aawa kay Davy? I mean. Na-aawa ka ba kay Davy? Kailan ba siya sinimulang ikinulong?" tanong niya naman.
"Kung kailan ka 'rin nabaril. Gano'n 'din 'yung araw na ikinulong siya..." sagot ko sa katanungan niya. "At syempre na aawa rin ako sa kanya. Nagulat na lang ako na si Chei Ann na naman 'yung lider natin. Nawalan ng leadership si Princess dahil napatunayan ni Chei Ann na mali si Princess at tama siya..."
"Pero sa tingin mo, sigurado ba si Chei Ann na si Davy nga ba 'yung killer?"
Dahan-dahan naman akong umiling sa katanungan niya. "Hindi. Kasi kung si Davy ang killer ay dapat na siyang umamin ngayon. Pero wala na tayong magagawa pag nakisali pa tayo between those three ay maaaring may mamatay sa ating natitira..."
"Bakit? Do'n naman 'din tayo mapupunta, 'di ba? Sa hukay? Bakit hindi natin nilalabanan si Chei Ann?"
"Dahil dipende sa tatlo kung sino ang killer. Si Davy ba, Chei Ann o Princess..." sagot ko "Ang killer ang kalaban. Wala sa barkada natin."
"E, 'yung killer ay isa sa barkada natin, 'di ba? Bakit hindi natin nilalabanan ang silang tatlo?"
"Maaari silang tatlo ay magkasabwat, Quila o isa sa kanila ay killer at talo tayo baka marami pa pala siyang kasamahan. Wala na tayong magagawa, Quila. At siguro ay kailangan na 'rin natin silang labanan sa tamang panahon kung kailan." pagpapaliwanag ko.
"Ito na pala 'yung binili niyo. Pasensya na kung natagalan, ha?" inabot naman sa amin ng isang ale ang binili namin.
"Ibabalik na lang po namin 'tong bote. Malapit lang naman po ang mansyon sa tindahan niyo," sabi ko.
"Ah, sige. Siguraduhin niyong ibalik 'yung bote, ha?"
Mabuti na lang talaga at mabait ang aleng 'to. Pero na sa isip ko pa 'rin 'yung pinag-usapan namin ni Quila.
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...