WSE 28
May 31, 2016
Althea's POV
Naluluha ang aking mga mata dahil sa nangyari kahapon. Hindi puwede. Hindi puwedeng maging ganito ang sitwasyon. Na mapalayo sa akin ang pinsan kong tinuri ko ng totoong kapatid sa buong buhay ko.Sana hindi na lang namin siya sinunod. Sana hindi na lang ito nangyari. Sana hindi na lang kami pumatay. Ba't pa ba kailangang mangyari 'to? Nagsisisi na ako.
"Dito po! May narinig po akong sumigaw ng tulong!" dinig kong sigaw sa loob at ang tanging na sa isip ko lamang ay sumisigaw na sa tulong ngayon si Quila.
Napangiti na lang ako nang marinig ko ang katagang iyon. Kaya siguro mas lalong tumatagal si Kaye Mark sa loob dahil tatapusin niya na talaga ang buhay ni Quila.
Sumilip ulit ako sa loob at may isang nurse naman ang napansin kong lalabas ng ospital. Habang nagkakaalarma na ang mga nurse sa likuran nito.
Sumalubong ang aming tinginan kaya nagtataka ako kung bakit tumitig siya sa akin. Kaya tinitigan ko lang rin siya saka niya naman ako kinindatan bago naglakad papalayo sa akin. Parang nag slo-slow motion ang pagsalubong namin sa scene na iyon kanina.
Quila?
Agad naman akong naglakad ng mabilis papasok sa ospital at hinanap ang kuwarto kung saan sila nagkakaguluhan.
"Huh? E, di ba 'yan 'yung lalaking nagtanong sa atin kanina kung saan 'yung room ng pasyente?" dinig kong kinausap ng nurse ang kapwa nurse nito.
Oo nga pala. Sila 'yung na sa desk kanina na nakita ko kung saan nagtanong sa Kaye Mark.
Kaye Mark?
Nakita ko namang may hinila ang isang nurse sa papalabas ng banyo at nakita ko ang naka-boxers at sando na duguan ang noo ng aking pinsan!
"Kaye Mark!" bigla kong sigaw.
Agad naman akong lumapit sa pinsan ko at nakita ko sa noo nito kung anong nakasulat!
'Shi'
Siguradong guhit ito ng isang injection kaya dumudugo ang noo nito. Hindi puwede. Hindi puwedeng siya ang nilason ng cyanide poison. Shit. Hindi maaari.
"Kaye Mark! Gunising ka!" tinapik-tapik ko naman ang kanyang pisngi pero hindi niya minumulat ang kanyang mga mata "Kaye Mark! Gumising ka sabi!!"
Nagsimula nang lumuluha ang dalawa kong mga mata at nangingilid ito ngayon sa aking pisngi. Nanlalabo ang aking paningin na para bang wala na akong makikita dahil sa nakatakip na mga luha sa mga mata ko.
"KAYE MAARK!!" sigaw ko habang niyayakap siya sa bisig ko. Tumingin naman ako sa mga doktor na nasa likuran ko't nakatingin lang sa 'kin at walang ginagawa "Tulungan niyo ako, parang awa niyo na... Tulungan niyo ako..."
Nakatitig lang ako sa puntod ni Kaye Mark na nilibing agad sa sementeryo. Hindi ko na pinaalam pa sa mga parents namin ang nangyari dahil ayokong pati sila ay damayin sa papatayin. Mamatay na rin naman ako at parehang lupa pa rin ang bubungkalin sa bangkay ko.
Napayukom ako ng kamao dahil galit at poot pati na rin sa inis dahil kating-kati na ang mga kamay kong patayin sila ng isa-isa. Ang kutsilyong gagamitin ko na may dugo ng mga kaibigan ko ay iyon rin ang gagamitin kong pagpatay sa kanila. Sa mga natira.
"Uunahin kita, Quila. Makita mo lang..." diin kong sabi habang nanginginig na yumukom ang aking kamao.
Quila's POV
Pumunta ako sa kusina dahil nagugutom na naman ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi kumakain kaya hahanap ako ng paraan para magkalaman rin 'tong tiyan ko. Pake mo ba? Maganda ako kaya kailangan kong kumain.Nang mabuksan ko ang fridge ay nag i-expect ako na maraming chocolates ang makikita ko at babaha ito sa loob ng fridge. Pero nilamon ako ng paasa. Buwisit. Natugutom na ako.
"Wala na tayong pagkain. Nagugutom ako..." wika ko nang matapos kong sinarado ang fridge at pumunta sa sala.
Nakita ko silang nagpapaypay sa sarili at nagpapahinga lamang sa sala. Nakakapagod rin kaya ang mga pangyayari kaya kailangan rin namin ng pahinga, ano. Pero ayaw magpahinga ng sikmura at tiyan ko dahil naghahanap na naman ako ng pagkain. Jusko.
"Ayan, o. Kainin mo si Adrian. Tutal mataba-taba rin naman siya ng konti..." pagturo ni Chei Ann kay Adrian na nakahiga sa sahig at pinapaypay ang sarili.
"Yuck. Hindi ako nangre-rape mg tao at mas lalomg hindi ako cannibal, ano." inirapan ko naman siya.
"Ang arte. 'Di naman kagandahan..." dinig kong bulong niya.
Hindi pa bumabalik ang kuryente ngayon at mukhang pinagplanuhan talaga 'to ng maayos ng killer. 'Tangina. Hindi ko na kakayanin ang gutom ko kaya hahanap na lang ako ng paraan para kumain.
"May pera pa ba kayo?" tanong ko kaya naman umiling sila.
"Wala... Wala na akong allowance." umiling naman si Keanna at gano'n na rin si Princess.
"Tss." umirap ulit ako bago pumasok sa kuwarto.
Tutal, patay naman si James at siguro naman ay may natitira pa siyang allowance na nakatago sa maleta niya. At siguradong malaking pera ang makukuha ko at pag malaking pera, alam niyo ba kung anong ibig-sabihin no'n?
Maraming pagkain. Gano'n.
Nagugutom na ako kaya kailangan ko ng bumili ng pagkain sa malapit na tindahan. At nakakita naman ako ng bente sa bulsa mg maleta niya kaya agad ko itong tinago sa bulsa at nagpaalam muna sa kanila.
"Aalis lang ako. Bibili ako ng pagkain," pagpapaalam ko.
"Isamg litrong coca-cola na rin. Tapos pizza..." pag-uutos na Adrian kaya napasapo ako ng dalawang kamay ko sa mukha ko.
"Mayaman tayo? Naghihirap tayo, oy." inirapan ko naman siya bago lumabas ng mansyon.
Mukhang sa paglabas ko ay natutulog ang kaaway kong aso na malapit sa gate kaya dahan-dahan akong lumabas na hindi niya naririnig. Mabuti naman at hindi niya ako napansin. Buwisit siya. Malapit niya na akong patayin no'ng isang araw.
Humanda ka aso. Ipapa-tokhang kita. Chos.
So ayun nga, habang naglalakad ako ay ipinasok ko naman ang kamay ko sa bulsa ko at hinawakan ng mahigpit ang bente sa loob nito para naman in case na mawala ang bente. Sayang pa naman at baka ma-buhay si James at patayin ako nito. Pero chururut lang iyon. Haha.
Napansin ko naman na habang naglalakad ako ay parang may mga yapak na sumusunod sa tunog ng mga yapak ko.
Kaya bigla akong kinabahan ng konti dahil sa tingin ko ay may mangyayaring masama ngayong tanghali sa araw na 'to.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad at napapansin ko na ngang may nakasunod sa akin. Buwisit. Sino ba kasi 'tong sunod ng sunod? Gusto niya ba ng FS ko? Ghad. Puwede ko naman siyang bigyan.
Kaya napatigil ako sa paglalakad at napansin kong huli ang tunog ng kanyang mga yapak sa pagtigil ko, kaya napayukom ako sa isa kong kamao.
"Quila..." dinig kong pagtawag niya sa pangalan ko.
Kaya dahan-dahan akong lumingon at harapin kung sino siya. Kung sino ang sumusunod sa akin.

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Misterio / SuspensoSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...