WSE 34
Keanna's POV
Dali-dali akong tumakbo sa mansyon na dala-dala ang kaba at ang napkin na hawak ko. Napakagat na lang ako ng labi nang makarating ako sa loob ng mansyon at agad ito ibinigay kay Chei Ann."Saan si Quila?" tanong sa akin ni Davy na nasa pinto lang.
Nanginginig ang aking mga labi at ang aking mga tuhod at binti dahil sa kaba na aking na iisip. And it can't be.
"Nakita ko lang 'to sa daan. And there's no one else in their at walang nag mamasid," sagot ko "As you can see, may bahid ng dugo sa cover ng napkin na binili ni Quila. And I think..."
Inilagay ko ang mga daliri ko under my chin kunwari nag-iisip ako para kunwari matalino ulit ang ate niyo.
"She was kidnapped," pagpapatuloy ko "Funny, isn't it? She was kidnapped by a murderer."
"Si Althea ang kumidnap sa kanya..." sagot naman ni Adrian.
"A-Aray..." bigla na namang umentra si Princess at hawak-hawak pa 'rin ang kanyang tiyan.
"Ano ba, Chei Ann? Tulungan mo na nga 'yang si Princess." pag-uutos ni Davy kaya inirapan lang siya ni Chei Ann.
Lumabas naman kaming tatlo ni Adrian at Davy at hinayaang si Chei Ann at Princess lang ang na sa loo ng kuwarto.
"Ay, wait." bago pa namin isinara ang pinto ay may pinautos sa akin si Chei Ann. "Kunan mo nga si Princess ng bagong underwear. Go! Bilis!"
Kaya sinunod ko ang kanyang utos at nang matapos ay pinatuloy ko na ang kuwento about sa kidnapping case kay Quila.
"As you can see, guys..." naglakad-lakad ako sa harap nila na kunwari ay nag-iisip na naman ulit "Pinatay na nga ni Quila ang killer at iyon ay si Kaye Mark na accomplice ng isa pang killer..."
"And that's Althea." sagot naman ni Davy kaya tumango ako.
"Pero ang leader ay hindi pa natin nahuhuli sa ngayon," dagdag ko pa "Kailangan muna natin mag hanap ng iba pang information about sa pag kidnap kay Quila."
"Well, duh? Saan naman tayo makakahanap ng impormasyon, aber? Wala tayong connectivity sa outsiders dito sa mansyon." sagot na naman ni Davy.
"Uhm. Yeah. Right." napakagat na lang ako ng labi because I'm running out of ideas.
"Paano natin mahahanap si Althea? E, may pulis naman hindi natin kaya magsumbong?" ani Adrian.
"Because we're holding a serious crime and even a police can not even take it," seryoso kong sagot "Either, hindi sila maniniwala or makukulong tayo or a parents natin ang makukulong. We're minors. So it means, pag kinulong ang parents natin ay parang kinulong na 'rin tayo sa loob ng bahay na walang nag-aalaga. At iyon ang na sa isip ni Chei Ann."
Nagkasalubong naman ang kilay ni Adrian at nagtatakang nakatitig sa akin. "The fuck? Kanino ka na naman ba kumakampi ngayon?"
"W-Well... I'm taking both sides for now."
Nakatitig lang silang dalawa sa akin at parang hindi nila ako pinagkakatiwalaan sa mga ginagawa ko.
Present day...
Survivor's POV
Nakatitig lang ako sa magandang tanawin habang iniisip ko ang lahat ng ma-aalala ko. Hindi ko alam kung paano ibalik ang mga alaala sa mga nangyari sa mga kaibigan ko. Sa grupo ng The Bro's na tawag nila sa amin. Kung saan kasali 'rin ako sa grupo."Nakatulala ka na naman ba?" napatawang bungad sa akin ni Ivanne. Bigla niya namang ginulo ang buhok ko. "Huwag mo masyadong piliting isipin ang lahat ng nangyari..."
"I need 'to." diin kong sagot.
"Wow. Ang cold, ah?" napatawa ulit siya.
"Sino ba namang hindi magagalit, sa tuwing dadaan ka ng campus palagi ka nilang tinitingnan na parang may kasalanan ka sa kanila," sagot ko. "Ba't mo ba ako nilalapitan? 'Di ba dapat magalit ka sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" pagtataka niya.
"Kasi isa sa mga kaibigan mo... hindi nakaligtas." bigla kong sabi.
Kumunot naman amg noo niya. "Wait. Woah. Nakakaalala ka na?"
"Ha? Bakit? Ano bang sabi ko?"
"Sabi mo, isa sa mga kaibigan ko hindi nakaligtas."
"Well, yeah. Ako lang naman ang naka-survive. E, di syempre lahat sila patay kasi ako lang naman ang nakaligtas 'di ba?" sagot ko.
"Oh, right." napatawa na naman siya.
"Tss. Alis na nga ako." akmang aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "What?"
"Pag naka-lock 'yung pinto, gamitin mo 'yung credit card mong expired na. O kaya hair pin..." wika niya.
"Anong pinagsasabi mo?" pagtataka ko.
"Remember those words you dimwit." tinulak niya pa 'yung noo ko na as if close kami nito.
"Tsh." tangi kong na sabi.
Umuwi na lang ako sa bahay galing sa kung saan lugar man 'yung bundok na 'yun na may kalsada. Basta gano'n. Mahilig ako manood sa mga bundok-bundok ngayon kasi parang peaceful lang kung tingnan mo sila.
Umupo ako sa kama at kinuha ang isang picture frame na may picture ng grupo namin. 'Yung kumpleto pa kami noon at hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon.
Naramdaman ko na lang na tumutulo ang mga luha ko at nangingilid ito sa mga pisngi ko. Kaya agad ko itong pinunasan.
"Shit. Why am I crying?" tanong ko sa sarili ko.
Niyakap ko ang litrato at pagkatapos ay tiningnan ulit ito. "Sana makaalala na ako para malaman ko kung sino ang tumutugis sa atin noon. Baka nakatakas siya, Bros. Baka nagtatago lang siya at ayaw niyang magpakita sa akin dahil natatakot siyang umamin," ngumiti pa ako "Sana maalala ko na kung anong nangyari sa inyo, Bros. Sana maalala ko na kung paano kayo namatay at kung paano ako nakatakas."
Bigla namang may kumatok sa pinto kaya agad kong inilapag sa lamesa ang litrato at napatayo.
"Anak, kain na!"
"Ang aga naman, Ma!" napatawa pa ako.
"Sige na, para mamaya matutulog ka na lang!" katok ng katok pa 'rin si Mama sa pinto.
Kaya sa paglapit ko sa pinto ay agad itong bumukas kaya tumama ang ulo ko sa pinto!
"ARAY!"
Napatumba ako dahil sa lakas ng impact ng noo ko sa pinto! Kaya pumikit-pikit ako na para bang nawawalan ako ng malay.
"ANAK! SORRY! HALA?" dinig na dinig ko naman ang pag-alala ni Mama.
Hawak-hawak ko pa rin ang noo ko at hinihimas ito. At parang may bumubungad sa isip ko.
Umupo ako sa tabi ni Aila. Na sa canteen kami at pinag-uusapan namin ang planong mag sleep over sa mansyon ni Keanna.
Nakakaalala na yata ako!
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...