WSE 44

83 3 0
                                    

WSE 44

Quila's POV
Sinenyasan ko sina Davy, Adrian at Keanna habang kumakain kami na aalis na't pupunta sa bodega kung saan namatay no'n si Aila. May sasabihin akong importante sa kanila kaya dapat lang silang sumunod sa akin at iwan sina Princess at Chei Ann sa kainan at bahala silang magtaka kung na sa'n kami.

Medyo maliwanag naman sa loob ng bodega dahil sa sinag ng araw na nakapasok sa bintana. Kinuha ko sa bulsa ko ang mask at sa loob ng damit ko ang nakatagong jacket at inilapag iyon sa harap nila.

"What's this?" pagtataka ni Keanna.

"Ito 'yung kinwento ko sa inyo nina Aila, Keanna. 'Yung nililibing ni Adrian 'yung pugot na ulo ni James habang nagtatakas ako at may humablot sa buhok ko no'n at sinampal," sagot ko "Pinigilan niya akong tumakas dahil kasali na raw ako sa larong pinagsasabi niya..."

Lahat naman sila ay nagtataka.

Napabuntong hininga ako bagao nagsalita. "Kahapon, habang naghahanap ako ng panyo para sa sumasakit kong mga paa ay nakita ko 'to sa maleta ni Princess–"

"So, siya 'yung killer?" gulat na sagot ni Davy at hindi makapaniwala.

"Wait, hindi pa ako tapos," pagpapatuloy ko "There's a posibility na siya nga 'yung killer. Pero nagtataka ako kung bakit may iba pang mask sa napanood natin no'ng pinatay si Florence?"

"Dalawa 'yung killer?" pagtataka ni Adrian.

"What if iisa lang pala sila? Gumagamit sila ng ibang mask para bolahin tayo? Para ikot-ikutin tayo?" biglang sagot ni Keanna.

"Pero, iba talaga 'yung kutob ko, e. Sa tingin ko nagkakamali lang ako ng iniisip na si Princess 'yung killer..." wika ko na gulong-gulo na 'yung utak ko.

"And explain this, Quila. Kung na sa loob si Princess na may dysmenorrhea, paano siya nakalabas at patayin ang manok para magsulat lang ng shi sa pader? E, di ba dapat hindi niya magagawa 'yun?" tanong ni Adrian.

"Si Althea 'yun, pinlano niya akong i-kidnap, remember?"

"How about this, paano siya nakapasok sa master'a bedroom at patayin si James na hindi nalalaman ni Chei Ann?" tanong naman ni Davy.

"I don't know! Basta alam ko, nakita ko lang 'to sa maleta ni Princess kaya sumagi sa isip ko na killer siya!" sigaw ko.

"Tss. Pinag-uusapan niyo ba ako?"

Bigla kaming napatigil sa pag-uusap at tumingin sa may pintong bukas. Oh shit. Nakalimutan pala naming isara 'yung pinto. Nang do'n lang si Princess na nakatayo at nakapameywang pa habang titig na titig sa akin na nakangiti ng konti.

"Okay. Paano ko ba i-eexplain 'to?" napakamot pa siya ng ulo habang ngumingisi.

"Shut up! Ikaw 'yung killer! Pinapalito mo lang kami! Ba't mo ginawa 'to sa amin?" biglang sigaw ni Davy.

"Woah. Nakakahanga 'yung conclusions niyo." tumawa naman siya ng konti habang unti-unting lumalapit sa amin.

"Fuck! Aminin mo na kasi na ikaw 'yung killer!" dumagdag naman si Adrian.

"Oh? Shut up, plastik." ngumiti naman siya at tinapakan ang hoodie jacket niya at ang sinuot niyang mask. "Simple lang naman ang sagot ko sa wrong conclusions niyo. Dahil simula't sa dulo, alam ko na kung sino ang killer sa barkada."

Nagsitayuan ang balahibo ko sa braso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Alam niya pala kung sino? Ba't pinapatagal niya pa? Ba't hinintay niya pang isa-isa kaming mamatay? Ba't hindi siya agad umaksyon?

"You knew? Alam mo pala ang lahat ba't hinintay mo pa kaming mamatay?!" sigaw ko.

Unti-unting sumeryoso 'yung mukha niya. Her smile is slowly fading away at napalitan ito ng seryosong mukha.

"Sa tingin niyo, natuwa ako sa mga nakikita kong patay? 'Yung mga kaibigang minahal mo't hindi ka mahal ay patay na?" seryoso niyang tugon "Akala ko biro lang lahat sa kanilang tatlo pero totoo pala!"

Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya. "Kung si Kaye Mark at Althea ang tinutukoy mo na isa sa tatlo, sino ang ika-tatlo?"

"Isn't it obvious sa una pa lang?" wika niya "Siyempre, ang minamahal niyong lahat... si Chei Ann."

At do'n unti-unting bumagal ang mundo ko. Hanggang sa bumagsak ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Princess. Na si Chei Ann pala ang killer. Kung kanino kami naging sunod-sunuran at kung kanino kami nagpakatangang sumunod sa mga utos niya.

"Narinig ko ang usapan nila sa ilalim ng hagdan na matatagpuan lang naman sa gilid ng clinic. E, di syempre may klase 'yung mga estudyante kaya sa tingin nag cutting class silang tatlo. Papunta na sana ako sa clinic no'n pero napansin ko 'yung pamilya ng boses no'ng tatlo na nag-uusap," seryoso niyang pag ki-kuwento "Ang akala ko sa una ay biro lang nilang tatlo 'yung pagpatay raw nila sa atin. Unang patayin raw ang mga walang kuwenta sa grupo hanggang sa ako raw ang huli. Mas maganda raw pag ako ang na sa huling listahan ni kamatayan kaya do'n na sumeryoso ang mukha ko nang makita ko 'yung baon nilang kutsilyo sa loob ng backpack nila..."

"Pero ang na sa isip ko no'n ay biro na lang dahil nagtatawanan pa sila kaya nawindang ako at ngumiti na 'rin dahil hindi naman nila iyon magagawa sa atin, but I was wrong..."

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa tingin ko ay may sasabihin pa siya. May idadagdag pa si Princess.

"Narinig ko sa rumors na kumakalat na may sakit raw si Chei Ann kaya tinanong ko ito kay Sir Nurse sa clinic natin no'ng nabalitaan ko na may sakit siya. Sinabi naman sa akin iyon ni Nurse na madalas raw pumupunta sa clinic si Chei Ann dahil madalas umaatake ang sakit niya na ang tawag nito ay Schizophrenia. Nagpapapunta sila ng psychiatrist para ibalik sa dati si Chei Ann at iyon ang kuwento ni Sir Nurse."

"Wait, ano ba 'yung schinorpreza?" tanong naman ni Adrian.

"It's Schizophrenia, it's a serious mental illness that someone cannot behave normally and having hallucinations. Kaya kung minsan, nawawala si Chei Ann sa tabi natin dahil tintawagan niya na ang mga kasamahan niya't handa ng pumatay dahil papaatake na 'yung sakit niya."

"Ba't ba nila 'to ginagawa?" tanong ko.

"Maybe may schizo-chuchu rin pala sina Althea at Kaye Mark, di ba?" sabi naman ni Keanna.

"Ang alam ko lang, tinutulungan lang nila si Chei Ann na iparamdam sa kanya 'yung kasiyahan niya sa pagpatay niya sa atin..." sagot ni Princess.

"How about Heavenly? Anong alam mo sa kanya? May alam ka ba?" tanong ko.

"I don't know the answer. Kay Chei Ann natin iyan ma-itatanong."

"Talk to that crazy girl, Quila. Baka mamaya ibitay niya 'yang dalawang kamay mo't sunugin ka." pang-aasar naman ni Adrian.

"Sheesh. It's too creepy to talk in here." wika  ko nang nagsitayuan naman 'yung mga balahibo ko sa braso.

"About that dysmenorrhea thingy na sa pag-aakala niyong sumakit tiyan ko? Actually nang hina ako no'n nang sinira ni Althea ang door knob and then she dashed at me then stabbed me at my left groin. Hindi na ako makapagsalita no'n dahil nang hihina na talaga ako bago siya lumabas. Narinig ko naman 'yung tunog ng manok na pinatay niya habang nanlalapsi na ako sa kahinaan at hindi ko alam 'yung plano niya no'n."

"After all those days na maraming dugo ang nasayang. Hindi pa 'rin ako makapaniwalang ganito si Chei Ann."

"Pag nalaman niya ang lahat nang 'to. Her mental illness will come out at papatayin niya tayong lahat. Kaya kita pinigalan sa pagtakas mo, Quila para malaman niyo ang lahat ng 'to sa huli na may araw 'din na masasabi ko 'to lahat. Kaya ko siya kinakalaban para lumabas 'yung totoong sakit niya pero hindi ko alam na marunong pala siyang mag control nito. I'm s-so sorry sa inyo, guys."

Well, the end is near.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon