WSE 50

83 2 0
                                    

WSE 50

Chei Ann's POV
Hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ko ang isang matalim na kutsilyo at sa kanan ko naman ay isang baril kung saan nakuha 'to ni Althea sa ama niya't binigay sa akin. I knew it. Kakatakas nga lang ni Althea sa ospital may baril na siyang dala. Hahaha. Siguro umuwi pa siya para kunin 'to sa bahay nila at ibigay sa akin. Nakakataba ng puso ang ganitong regalo.

"So, choose your sunod-sunuran. Then pag pumayag sila, makakaligtas ka. But isa kang nagpapatunay na plastik ka nga sa barkada! Hahaha!" tumawa ako ng tumawa.

"PATAYIN MO NA LANG AKOOO!!" dinig kong sigaw ni Keanna "PATAYIN MO NA LANG AKO!! HAYUP KAA!!"

"At ba't naman kita papatayin?" ngiti kong tanong sa kanya.

"P-Patayin mo na lang ako! Tutal, mamatay rin kaming lahat sa kamay mo!"

"Ano ka ba, Keanna? Hinihinaan ka na ba ng loob? Are you even listening to yourself kung anong pinagsasabi mo?" pag-suway naman ni Quila kay Keanna.

"Makakatakas tayong lahat dito! Buhay tayong lahat dito at kaya pa natin 'tong ayusin sa usapan!" sabat naman ni Adrian.

"Aayusin sa usapan? She's a psychopath! Oh my god! Where's your brain, Adrian?!" sumbat ni Quila.

"Ano na? Mag mag vo-volunteer na ba?" nakangiti kong tanong.

"Walang mag vo-volunteer sa atin! Kung sino man ang mag vo-volunteer ay ikaw 'yun, Chei Ann!" sigaw sa akin ni Quila.

Kaya ang ginawa ko ay tinapakan ko ang dumudugo pa 'rin niyang sugat sa daliri ng kanyang mga paa kaya nag si-sigaw siya sa hapdi at sakit na dinanas niya. I don't give a damn hell care kung nasaktan siya. She's just a bullshit to me. Masyadong palaban, ang hina naman pala.

"AAAHHH!!! AAAHHH!!! TAMA NAAA!!!" sumigaw siya na para bang mamamatay na siya sa ginawa ko "TAMA NA, CHEI ANN! AAAHHH!!!"

"Buwisit ka! Kanina ka pa dumadada! Nam-bi-buwisit na ako sa 'yo!" sigaw ko then I grab her neck kaya medyo humihina na 'yung sigaw niya dahil sa higpit ng hawak ko sa leeg niya.

"TAMA NA!"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin kay Princess. Ooh? Haha. This is so good, mukhang may magpapakabayani n wala sa oras ngayon, ah?

"TAMA NA, CHEI ANN! PATAYIN MO NA LANG AKO! MAG VO-VOLUNTEER AKO!" sigaw niya.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya. "Okay then. But I have this kind of question," sabi ko "Why should I kill you? Para hindi halata sa barkada mo na plastik ka? Or para magpakabayani ka? And also, sinong barkada mo na gusto mong iligtas just to sacrifice yourself? And why?"

"Ano baaa? Hindi ako plastiik!" mangiyak-ngiyak niyang sabi "Kung may galit ka sa akin, aa akin mo dapat ibuhos hindi 'yung nandadamay ka pa ng ibang taoo! Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Ako ang may pakana na siraan ka! At hindi sana mangyari 'to kung hindi mo inahas ang boyfriend ko!!"

I shoot the gun.

BANG!

"PRINCEEESS!!" sabay-sabay na sigaw ng mga barkada niya. "PRINCEEESS!!"

"ANONG GINAWA MO KAY PRINCESS?!" sigaw ni Quila "BA'T MO BA 'TO GINAGAWA SA AMIN?! BUWISIT KAAA!!!"

Kaya napangiti na lang ako sa ginawa ko sa kanilang lahat. Mukha silang tanga sa kakaiyak sa barkada nila. Pff. HAHAHAHAHAHA! This is so perfect! Lahat sila umiiyak! Lahat sila nagdurusa sa isang walang kuwentang lider!

"HAHAHAHA!" bigla akong napatawa sa nagawa ko. "AHAHAHAHA!!! AHAHAHAHAHAHA!!!"

"AAAHHHH!!!" sumigaw naman si Princess sa nangyari "AAAHHHH!!!"

"Princess? Princess?" isa-isang tanong ng mga uto-utong kuto sa lipunan.

"Hindi ko siya binaril, mga tanga! HAHAHAHAHA!!!" tumawa pa ako na para bang mapapaos na ako sa tuwa.

"HAYUUUPPP KAAA!!!" sigaw ni Quila.

Actually, I pointed the gun sa taas kaya ang mga uto-utong pangit ay sumigaw dahil sa pag-aakalang patay na ang reyna ng plastik. Huhu. Too bad, ba't hindi ko na lang tinotoo?

"Okay, I should kill you na!"

Then I pointed the gun at her at binaril ko siya!

BANG!

"PRINCEEESS!!!" sigaw nilang lahat at narinig ko namang napatawa lang si Althea sa likod ko.

"Wow. I think, dito na lang siguro magwawakas 'yung buhay niya, guys!" tumawa ulit ako "I think one of you all save her. But only one should be remain alive. So I think, it's time to ask you, Quila!"

Tumahimik naman si Quila but she shivers dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan niya and even her lips. Napalunok naman siya at biglang nagsalita.

"KEANNA! DI BA, BESTFRIENDS TAYO, DI BA?! DI BA, SABI MO NA GUSTO MONG MAMATAY PARA LANG SA AKIN? DI BA, KEANNA?!" tanong niya kay Keanna.

"HA? ANONG PINAGSASABI MO? AYAW KONG MAMATAY! NEVER KO 'YUN SINABI!" sagot ni Keanna.

"ADRIAN? DI BA MAY GUSTO KA SA 'KIN? DI BA CRUSH MO AKO? DI BA HANDA KANG MAMATAY PARA LANG SA BABAENG GUSTO MO?" nagtutulak na naman siya kay Adrian. Psh.

"ANONG MAY GUSTO AKO SA 'YO NA PINAGSASABI MO?! QUILA, NABABALIW KA NA BA?" sigaw naman ni Adrian.

"ADRIAN, ANO BA? AMININ MO NA KASI!!!" sigaw ni Quila.

"BA'T KO AAMININ ANG ISANG KASINUNGALINGAN LANG?!"

"ADRIAN! ILIGTAS NIYO NAMAN AKO, O!" nagmakaawa bigla si Quila "Paano na si Mama? Kaming dalawa na lang ang nag-aalaga sa isa't-isa..."

"H-Hindi ko alam na may ganito ka pa lang ugali, Quila..." naging malumanay 'yung boses ni Adrian at parang iiyak na. "A-Akala ko ba, makakatakas tayo dito? B-Ba't ang traydor mo?"

"ADRIAN! WALA AKONG PAKEALAM SA NARARAMDAMAN MO NGAYON! BASTA ANG SA 'KIN LANG AY MA-BUHAY AKO!" bulyaw ni Quila. "I sacrifice my shadow. And that shadow is Adrian and Keanna!"

"Well, Adrian?" ngumiti ulit ako "Do you accept Quila's command?"

Napatahimik naman si Adrian at lumunok bago nagsalita.

"No."

"ADRIAAAN!!!" sigaw ni Quila.

"ANO BA, QUILAAA!!! PATAY NA NGA SI PRINCESS TAPOS GUSTO MO KAMI ANG ISUSUNOD NIYA?! KAHIT NAKALIGTAS KA SA LARONG 'TO AY MAMAMATAY KA PA 'RIN SA TRAYDOR NA 'TO!!!"

"TAMA NAAA!!" bulyaw naman ni Keanna "KAHIT MAGTALO-TALO PA TAYONG TATLO DITO AY HINDI PA 'RIN TAYO MAKAKATAKAS NG BUHAY! MAMAMATAY 'RIN NAMAN TAYO!"

"PUWES AKO, AYAW KO! GUSTO KO PANG MA-BUHAY PARA SA MAMA KO, KEANNA!"

"KAYA NGA DAPAT HINDI KA NAGTUTULAK NG TAO PARA SUNDIN LANG 'YANG UTOS KO, QUILA! MASYADO KANG MAKASARILIII!!!" dumabog-dabog naman si Keanna "KUNG GUSTO NATING TATLO NA MA-BUHAY PA AY KAILANGAN NATIN MAGTULUNGAN!"

"Ugh. Gasgas na 'yung linya." bored na sagot ko. "Althea, tanggalin mo na 'yung blindfold nila."

Sinunod naman ni Althea 'yung utos ko at tinanggal 'yung blindfold nilang tatlo. At nang makita nila si Princess na nakahandusay sa sahig at duguan ang ulo. Kaya mas lalo silang natakot sa kakasigaw dahil sa nakita.

"So? Are you surprised?" ngiti kong tanong.

Pansin kong sinamaan lang ako ng titig ni Adrian kaya ngiti na lang ang pang sukli ko. Pero hindi ko alam ang susunod niyang ginawa sa akin!

"KEANNA, KUNIN MO 'YUNG KUTSILYO!!" sigaw ni Adrian kay Keanna bago pa ako sinipa ni Adrian!

"AH!" napasigaw ako dahil bigla akong bumagsak sa sahig at nabitawan ko nag baril at ang kutsilyo!

Hindi puwedeng mangyari 'to! Dapat na sa plano pa 'rin kami!

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon