WSE 45

83 2 0
                                    

WSE 45

June 5, 2016
Keanna's POV
Nagsagawa ng plano si Princess matapos naming malaman kahapon kung sino nga ba ang totoong killer at kung sino nga ba ang na sa likod n mga patayang 'to. Medyo shocking nga lang 'yung mga pangyayari ngayon dahil kinakabahan na kami sa bawat hakbang na gagawin namin sa tuwing nakakasalubong namin si Chei Ann sa loob ng mansyon.

Hindi 'yung katulad noon na parang gusto mo siyang patayin sa isipan mo sa tuwing nakakasalubong mo siya. Pero ngayon, nag iingat ka na dahil baka sa konting pagkakamali mo ay iba na ang na sa isipan niya at mapatay ka pa sa sakit niya. It's hard for us sa sitwasyon ngayon dahil mas sumisikip ang problemang dinadala.

Pero balang araw, makakamit 'rin namin ang hustisya sa pagkamatay ni James, Florence, Aila at Angel. Pero mas hindi ako naniniwala na nag suicide si Heavenly dahil sa tingin ko ay sinadya iyon ipinainom ni Chei Ann kay Heavenly no'ng ikinulong siya sa loob ng cabinet. Kaya mas lalo na kaming nag iingat sa kilos namin ngayon.

"At no'ng nahulog ako sa pagkabitay niyo sa akin sa sako sa puno ng mangga. Actually, pinutol nila Althea at Kaye Mark ang lubid kaya nahulog ako. Sinubukan kong butasan ang sako pero binutasan nila at nangyari iyon nang madaling araw. Pa ika-ika akong tumatakbo no'n habang hinahanap niyo ako. Gusto kong tumakas dahil sa tingin ko no'ng oras na 'yun ay wala na akong pag-asa na sabihin ang lahat ng 'tonsa harap niyo," dagdag ni Princess.

"And also, kaya sinend ni @LadySwift kay Keanna ang bloody spongebob na pinagsasabi niya dahil may isang theory na episode na may sakit si Spongebob na Schizophrenia at nawawala 'yung tape nito ayon sa staffs ng Spongebob," pagki-kuwento ni Princess "At 'yung sakit niya ay hango sa sakit ni Chei Ann kaya binabalaan niya tayo. And I admit that I'm also a fan of Spongebob kaya lahat ng theories at mysteries nito ay sini-search ko noon."

"So, ano ng plano natin?" tanong ni Quila.

Nagisip-isip muna si Princess sa kanyang pinaplano bago niya ito sinabi sa amin. Nag buntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"Sa tuwing nagkikita kayo sa daan ni Chei Ann, huwag kayong magpapahalata na takot kayo o kinakabahan kayo. Kahit 'rin ako no'ng una no'ng alam ko na may sakit siya ay kinakabahan ako. Dapat niyong isanay ang sarili niyong harapin siya and just pretend na beshy kayo, plastikan, gano'n." pagsisimula ni Princess "Tatakas tayo, bukas. Pero dapat mag hanap tayo ng timing. Si Keanna muna ang kakausap kay Chei Ann o kaya silang dalawa ni Quila–"

"Well, ayaw ko siyang makausap. She's too creepy for me." biglang sagot ni Quila.

"Just do it for us." sagot ni Davy.

"Hindi ko kaya!" sigaw niya.

"Kayanin mo, baboy!" sigaw rin ni Davy. Mukhang hindi nagpatalo.

"Tss. Sige na nga."

"Tapos, kayo na ang bahala kung paano niyo siya kakausapin. O 'di kaya guluhin niyo o painumin niyo ng pampatulog. Habang kami naman mag i-empake at ihahanda ang mga gamit sa labas kung nakatulog siya o habang naliligo siya o ... do'n na tayo tatakas." iyon ang huling mga planong binigkas ni Princess.

Tumango at sumang-ayon kami sa plano. Hindi kami sabay-sabay bumalik sa mansyon at baka mahahalata kaming may pinag-planuhan.

Kinakabahan pa 'rin kami ngayon sa aming mga yapak. Gising na kaming lahat and actually kahapon pa bumalik 'yung kuryente kaya lumabas ako at tumungo sa kusina para i-on ang heating despenser namin dahil ito ang unang hakbang sa plano.

Bumalik ako sa kuwarto at nakasalubong ko naman si Chei Ann sa daan kaya medyo umiwas ako. Nang makapasok ako sa kuwarto ay nang do'n pa 'rin papa sina Princess, Davy, Adrian at Quila. Tumango naman si Princess as sign na sisimulan na namin ang plano.

Kumuha naman ako ng sleeping pills sa medical kit ko at ipinasok iyon sa bulsa ko. Sabay kaming tumungo sa kusina ni Quila at nagsimulang mag timpla ng kape habang si Chei Ann naman ay na sa loob ng banyo.

"Tatlong kape ang itimpla mo kung lalabas na si Chei Ann. Nang hihilamos lang 'yan, Quila at sa paglabas niyan ay yayayain natin and boom," bulong ko "She's now holding the bait that we entice her."

"K." she replied, at kumuha naman ng isa pang pack ng kape at kumuha ng baso't kutsara at nagsimulang mag timpla.

Nang matapos soyang magtimpla ay inilagay ko sa kape ang sleeping pills kasabay ng paglabas ni Chei Ann sa banyo at nagsimula na ang una naming yapak.

"Chei Ann!" bigkas ko ng malakas sa pangalan niya para marinig nina Princess na papalabas na ang killer.

"Huwag niyo ako kausapin, wala ako sa mood ngayon." bigla niyang sabi at patuloy na naglakad.

"Ay, hindi. Pag ininom mo 'tong kape magkakaroon ka ng good mood. Hihihi." pagpapalusot ni Quila na hindi makatayo ng maayos dahil sumasakit pa 'rin ang mga daliri sa paa.

"Tss. Ano na naman bang plano niyo?" sumeryoso 'yung boses niya.

Nagkatinginan kami ni Quila and as usual kinakabahan pa 'rin kami pero hindi ko lang pinapalabas para hindi halata. Tumingin naman ako kay Chei Ann.

Sumeryo 'yung mukha ko. "Hindi ka magkakape? Sige, itatapon ko na lang."

Akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan braso ko bago ako lumingon sa kanya.

"Ano?" seryoso kong sabi.

"Hehe. Joke lang." she snickered.

"Good." binigay ko na sa kanya an kape na may halong sleeping pills.

Hindi ko alam kung natutunaw ba ang gamot sa mainit na tubig. Kaya medyo kinakabahan pa 'rin ako at umupo na lang kami.

"Ito 'yung tinapay na binili namin kahapon. Hehe." kinuha ni Quila ang tinapay sa gilid ng lamesa at binigay kay Chei Ann.

Kumuha 'rin kami ng isa-isang tinapay at sinimulan itong isawsaw sa kape. Nag isip ako ng magandang topic dahil medyo tahimik ang kapaligiran naming tatlo sa palibot ng lamesa.

"Nakakamiss 'yung crush ko..." pagkukunwari ko dahil wala naman akong crush.

"Huh?" pagtataka ni Chei Ann.

At narinig ko namang tumawa si Quila sa tabi ko. "HAHAHAHAHA!Kailan ka pa nagkaroon ng crush? HAHAHAHA!"

"HA-HA! MERON KAYA!" giit ko.

"UY! UY! Sino? HAHAHAHA! SINO, ABER?"

Nanliit ang dalawang mata ko sa kanyang at tintigan siya ng masama.

"Kailan ka pa nagka-crush, Keanna? HAHAHAHA!"

"Si Christian crush ko!"

"Uy? Sinong Christian, aber? HAHAHAHA! Dalawang Christian ang meron sa year level natin, ano ba? HAHAHAHA!"

"Tenajeros! Ano ba? Siya crush ko! Oo noon pa!"

And then, nagulat sla sa sinabi ko.

"Psh. Crush ko 'yun, e." biglang sabi ni Chei Ann and she really bites the bait. Gotcha. "Kami na nga, e." pasimple niyang sabi.

"Uy, hala! Napasaya namin siya! HAHAHAHA!" tawang-tawa si Quila, "Mas crush ko 'yun, e! HAHAHAHAHA!"

"Gago, asawa ko 'yun, e!" seryoso kong sabi pero deep inside natatawa ako.

"Huy, pinansin niya ako no'ng January!" sigaw ni Quila.

"O, pinansin ka lang? Ako binigyan niya ng chocolates!" pagsisinungaling ko.

"Flowers akin, e." pagsingit ni Chei Ann.

"Sorry, guys. Singsing po akin." naglungkot-lungkutan pa si Quila kaya tawa lang kkami ng tawa.

"HAHAHAHA! Mukhang wedding gown akin, e! HAHAHAHAHA!"

"Kotse niya nga binigay niya sa akin, e! HAHAHAHAHA!" hindi talaga nagpapatalo si Quila.

"Basta, akin siya!" sigaw ko kay Quila.

"Akin siya!"

At do'n pinatuloy ang aming pag ki-kuwentuhan kaya tawang-tawa lang si Chei Ann sa aming dalawa ni Quila at ang tanging na sa isip ko ay ang kalagayan nina Princess, Davy at Adrian kung napalabas na ba nila ang mga maleta namin.

Konting oras na lang, makakatakas na 'rin kami.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon