WSE 8
Princess' POV
Sa pagkamatay ni James, lahat kami ay litong-lito kung bakit o sino ang may gumawa nito. Natutuwa ako sa mga nangyayari dahil nagmumukha lang silang tanga. Ang tatanga, ganyan din ako noon nang ma-isali ko si Chei Ann sa grupo namin.GABI na't na sa balcon ako tumatambay. Pinagmasdan ko ulit ang sariwang hangin ng gabi. Wala akong kasama kaya tahimik lang akong nag muni-muni habang may iniisip.
Nakaramdam ako ng vibration mula sa aking bulsa kaya kinuha ko ang cellphone ko. Isang text message mula kay Althea.
From: Althea
To: Princess
Bros, kamusta vacation niyo? Sayang hindi kami pumunta. Strict parents namin ni Kaye Mark, e. Bawi na lang sa susunod, bros. Love you more. Hart-hart. :* Muah!Kung alam mo lang sana ang nangyayari dito, Althea. Siguradong madadamay ka sa gulo pag nangyari.
"So, nang dito ka lang pala." lumingon ako sa likod ko at nakita si Aila na nakapameywang.
Ano na naman ba ang kailangan nito sa akin? Kakampi naman 'to ng demonyitang si Chei Ann. Tss.
"Tapos?" sagot ko kunwari may pake ako sa kanya "Anong kailangan mo?"
"Kung maka-asta ka sa akin akala mo kung lider ka ng grupo, ah?" asal niya "Simula no'ng sumali si Chei Ann, na sa kanya na pinasa ang korona. Ikaw mismo ang pumasa."
"Never kong sinabi 'yan. Ano ba talagang kailangan mong traydor ka?"
"Alam ko ang lahat." simple niyang sagot na akala mo ay ikinaganda niya.
"O? Tapos? Gumanda ka?" sarkastiko kong tanong.
"Hindi." sagot niya "Pero huwag mong itanggi sa akin pag tinanong kita, ha?"
"Sabi mo alam mo ang lahat. So dapat hindi ako tatanggi pag may kinalaman ako." nakangiti kong sabi "So, anong tanong mo?"
"Ikaw ang killer, 'di ba?" mabilis niyang tanong.
Punyemas na babaeng 'to. "Anong pumasok sa utak mo na tinanong mo sa akin 'yan? Taas naman ng fighting spirit mong magtanong sa akin ng ganyan." sagot ko. "Kahit kailan, minahal ko grupo natin. Wala akong tinraydor. Hindi katulad mo."
Tumayo na ako muka sa kinauupuan ko at pumasok sa loob ng mansyon. Iniwan ko siyang nakatanga sa balcon, ang kapal ng panga ng babaeng 'yun.
Bigla akong nakasalubong ng sampal sa pisngi nang makasalubong ko si Keanna sa patungo sa sala. Sinabunutan niyo naman ako at hinila ako patungo sa sofa!
"Nakita kita kanina na ngiting-ngiti habang nakita mo akong pinagkakamalan ng barkada natin!" giit niya sa 'kin "ANO? KASALI BA 'TO SA PLANO MONG PAGPATAY KAY JAMES? SINO ISUSUNOD MO? AKO?"
Nagulat ako sa ginawa niya. "WALA AKONG KINALAMAN SA PINAGSASABI MO!"
"HUWAG KANG MAGSINUNGALING!" sinampal niya ulit ako sa pisngi "Matagal mo na itong hinihintay di ba?"
Pansin kong lumapit ang mga barkada namin dahil sa eksena namin ni Keanna sa sala. Dumagdag pa 'tong si Aila at sumugod sa akin!
"PUTANGINA MO! GUSTO MO TALAGANG MAGHIGANTI SA AMIN!" nasasaktan na ako sa mga pinangagawa nila sa akin.
Sa tingin ko susuko na lang ako. Nawawalan na ako ng lakas dahil sa bulyaw at pangsasakit na ginagawa nila. Kaya tinakpan ko na lang dalawa kong tenga upang hindi ako masaktan sa mga pinagsasabi nila.
"HINDI AKO 'YUNG KILLER!" sigaw ko pero bulyaw pa rin sila ng bulyaw. Walang nakinig sa akin.
Nakita kong papasugod pa lang si Adrian sa amin at bigla siyang sumigaw. "PIGILAN NIYO NA NGA SIYA!"
"Bakit? Ano bang pake mo sa kanya?" sarkastikong tanong ni Chei Ann.
"Hindi porquet na hindi na siya ang lider ng grupo ay puwede niyo na siyang bastusin! Wala kayong respeto! Tao pa rin naman siya, ah?" pagtatanggol sa akin ni Adrian.
"Sa tingin mo tao pa siya?" lumapit sa kanya si Aila "Hindi 'yan tao! Demonyo siya kaya dapat siyang mamatay!" tinuro-turo pa ako ni Aila.
Nagsimula nang mag-init ang gilid ng mata ko. Naluluha ako pero dapat hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na mas lalo akong nang hihina.
"Matagal na niya siguro itong pinlano sa atin dahil hindi na siya ang tinuturi nating lider!" giit pa ni Keanna.
"Dapat siyang ikulong! Pahirapan natin siya!" sigaw pa ni Quila.
Nagsimula na akong magluha nang hinila na nila ang buhok ko. Pero walang nagawa si Adrian, kahit ano pang gawin niya ay hindi sila makikinig kay Adrian. Salamat sa pagtanggol sa akin, Adrian.
Hinila nila ako papasok sa isang kuwarto! Itinali naman nila ako sa kama gamit ang kadena upang hindi ako makatakas. Wala na. Hindi ko na sila kinaya.
"Maawa naman kayo sa akin..." mangiyak-iyak na sabi ko.
Ngunit hindi sila nakaramdam ng awa hanggang sa isang ngiti at kindat ang iniwan ng isa sa amin. Kaya sinamaan ko na lang siya ng titig saka lumabas naman siya sa kuwarto pero pinatay niya ang ilaw at narinig ko ang tunog ng susi sa labas ng kuwarto at mukhang ni-lock ako sa loob. Isang kadiliman ang bumalot ng aking kilabot sa loob ng kuwarto.
Florence's POV
Nagdesisyon ang lahat na kailangan na naming matulog sa iisang kuwarto ni Keanna para hindi na makapasok ang pesteng killer na 'yan. Naku, lagot talaga ako kay mader dear nito pag nalaman niyang may patayang naganap sa bakasyon namin. Pero keri lang at least masaya naman! Char-char!Iniligay namin ang lahat ng bag at maleta namin sa loob ng kuwarto. Isinali na rin namin kay Princess pero may lock ito. Hindi namin mabuksan kaya parang kumakati ang kamay ko at may bumubulong sa isip ko na "Sige na, buksan mo na maleta niyan bago ka batukan ng konsensya mo..." Pero nevermind na lang ako dahil pinanganak akong mabait.
"Guys, sa tingin ko parang nagugutom na si Princess sa kabilang kuwarto." mukhang naawa si Adrian kay Princess.
"Wala tayong ulam. Inubos na natin ang isda kaninang tanghali dahil nakakain tayo ng human meat." sagot ni Chei Ann "Gano'n mo ba talaga kamahal si Princess para ipagtanggol siya? Don't you see? Isa siyang killer, dapat siyang mamatay katulad sa pagpatay niya kay James kaya huwag mo siyang ipagtanggol."
"Paano ka nakakasigurado na siya nga 'yung killer? May ebidensya ka ba?" tanong ko.
"Huwag kang makisali sa usapan ng may usapan. Huwag kang sipsip okay? Mukhang straw na nga 'yang mukha mo nakikisipsip ka pa. Tss." inirapan ako ni Chei Ann.
"Sa labas ako matutulog. Ayoko dito matulog." lumabas naman si Adrian bitbit pabalik ang kanyang dalang bag.
"Mag go-grocery tayo bukas. Walang tatakas hangga't sa hindi pa natin nalalaman kung sino ang killer o kung may killer na gumagala rito." ani Aila.
"Ba't hindi na lang kasi natin i-report sa pulis?" tanong ni Angel.
"May utak ka ba? Tayo ang makukulong pag sinumbong natin sa pulis. Dapat tayo ang hahanap sa killer. Tayo ang huhuli sa kanya." sagot naman ni Davy.
Paano pag inisa-isa kami nung killer?

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...