WSE 13
Aila's POV
Na konsensya ako sa sinabi ni Davy. Maaaring tama siya sa kanyang sinabi, hindi ko na mapagkatiwalaan si Chei Ann at baka ako na naman ang ituturo niyang killer.Nagulat rin ako sa sinabi ni Davy na si Angel ang killer at hindi si Princess, mukhang isa rin si Chei Ann sa kasabwat ni Angel bilang isang mamatay tao. Pero bakit naman iyon gagawin ni Angel? May kasalanan ba kami sa kanya?
Sumapit ang gabi, hinintay kong makatulog ang barkada namin kaya naman sa pagtulog nila ay dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto na hindi nila naririnig ang pagbukas ko ng pinto.
Hindi ko na kinuha ang maleta ko at baka sagabal lang ito sa pagtakas ko. Pupunta lang ako sa kapitbahay at hihingi ng tulong. Mukhang sila ay hindi rin yata alam kung anong nangyayari sa loob ng mansyon. Mukhang wala silang pakialam sa amin.
Papalabas na ako ng mansyon at kaagad tumungo sa harap ng bahay ng kapitbahay at sinimulang kumatok sa pinto.
"Tao po?" kumatok ulit ako pero walang sumagot. Patuloy lang ako sa pagkakatok pero ni isa ay walang sumagot at siguro ay mahimbing na ang tulog ng mga 'to.
Mas lalo ko namang nilaksan ang pagkatok pero ni isa wala pa rin ang sumagot. Napakamot ako ng ulo dahil sa kaba at baka mahuli ako ni Chei Ann na tatakas.
Kaya napilitan ako na buksan ang pinto nito kaya agad bumungad sa akin ang kadiliman. Napakadilim sa maliit na bahay na 'to kaya hinanap ko ang switch ng ilaw if meron nga ba kaya nahanap ko naman agad ito agad in-on.
Napatakip ako ng bibig sa nakita ko! "Oh my god!" gulat ko.
Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinatuloy ang paglalaro ng Pokemon Go dahil biglang nag vibrate ang phone ko. Hindi ko inaasahan na may pokemon pala sa lugar na 'to. Hindi man lang ako na inform. Jusko.
Hinuli ko naman ang pokemon kaya success ako. Hihi.
Ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone ko at patuloy sa paghahanap sa pipi naming kapitbahay na ang sarap bigwasan.
May nakita naman akong tinta ng pula sa sahig kaya sinundan ko ang mga tinta kung saan nanggaling kaya napapasok ako sa isang kuwarto. Bigla kong tinakpan ulit ang bibig ko dahil sa nakita. Wala ng pokemon. Pero sa hindi ko inaasahan ay may nakahandusay sa kama.
Dugo.
Punong-puno ng dugo ang kama at may tatlong nakahandusay rito. Ang pamilya ng kapitbahay namin ay patay na! Kaya nakaramdam ako ng takot at agad lumabas ng maliit na bahay at tumakbo sa kalsada.
May mga kapitbahay naman kami sa paligid pero hindi ko magawang sumigaw at baka pati sila ay patay na rin. Wala ng awa ngayon ang mga killers. Pati ibang tao ay dinadamay nila!
Biglang may tumakip sa bibig ko at hinila ako paatras kaya pinilit kong pumalag pero malakas siya keysa sa akin! Ito na yata killer, papatayin niya na yata ako!
May isa pang killer ang bumungad sa harap ko na may dala-dalang bato! Handa na nila akong patayin!
"Dahil tumakas ka, papatayin ka na namin." sabi niya saka tumawa ng mala-demonyo.
Ang boses na iyon. Familiar.
Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. "Wala akong kasalanan sa 'yo!"
Tumawa naman ang kasamahan niya. Parehas sila ng maskara katulad sa pinanood namin sa pagpatay kay Florence! Sila na nga 'yung killers. Ba't dalawa lang sila?
Asan 'yung lider?
Killer's POV
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Papunta na sila sa sinasabi kong lokasyon na matatagpuan lamang sa labas ng mansyon. Sa lumang bodega lang ako naghihintay habang paparating sila rito.May kumatok sa pinto at agad kong binuksan. Pinaghahandaan ko na 'to dahil napapansin kong tatakas si Aila. Kaya hindi maaring may tumakas sa grupong 'to hangga't sa hindi ko pa sila napapatay.
Inabuso nila ako. Kailangan nilang pumili ng makakalaban nila at siguraduhing matatalo nila ang kalaban.
"Itali mo siya sa upuan." pag-utos ko sa kasamahan ko kaya sinunod naman nila.
"Ano ba naman 'yan. Ginising mo kami ng hating gabi para lang hulihin ang buwisit na 'to." pagreklamo niya sa akin.
"E, ba't natulog ka? Kasalanan ko ba 'yun kung natulog ka?" sabi ko.
"Kayo?" bigla kaming napatingin kay Aila dahil bigla siyang nagsalita. "Kayo ang killer?"
"Ay, hindi siguro? Katangahan lang?" sagot pa ng isa sa kasamahan ko.
"Pero akala ko magkaibigan tayong apat?" hindi siya makapaniwala.
"My god, how should I explain this shit?" napa-irap na lang ako dahil sa katangahan ni Aila. "First of all, hindi tayo magkaibigan. Inabuso niyo ako. Pinahirapan. And what do you expect na kakaibiganin ka namin? Nagpauto ka lang. And look. Here you go now at papatayin ka na namin."
"MGA TRAYDOR!" sigaw niya.
"E 'di shing." sagot ko.
"Kung gusto niyo akong patayin! Patayin niyo ako!"
Kinuha ko naman ang martilyo sa lamesa at tinakpan muna siya ng sako sa ulo bago ipinokpok sa ulo ang martilyong hawak ko. Tumawa naman kami at sa wakas ay wala ng tanga sa grupo-- oh wait, lahat pala sila. Hahaha.
Kinuha ko naman ang sako na nakatakip sa kanyang ulo at tiningnan kung okay pa ba ang kaniyang kalagayan but I'm sure na okay nga. Hahaha.
Medyo sira na nga ang kanyang ulo dahil sa malakas na salpok ko sa kanya ng martilyo at tumutulo na ang dugong lumalabas mula sa ulo nito. Tumutulo na ang kanyang laway at hindi na siya nagsasalita. Naduduling siya dahil sa ginawa ko.
"O, ano na ang gawin natin sa kanya?" tanong naman nung isang kasamahan ko.
"Putulin niyo 'yung paa para naman may kwenta kayo sa istoryang 'to hindi 'yung nakatayo lang kayo diyan. Mga feeling leader." sabi ko sa kanila.
Paiba-iba ang galaw ng kanyang ulo dahil mukhang nababaliw na nga siya. Pero it's okay, at least patay na siya. Wala na kasi siyang kwenta rito parehas ng mga kasamahan ko.
Sinimulan na nga nilang tanggalin ang dalawang kamay ni Aila at ikinalat ito kung saan-saan sa loob ng lumang bodega. Mabuti na lang talaga hindi na sumigaw 'tong si Aila dahil sa ginawa ko. Kaloka.
Sinunod naman nila ang dalawang paa at ikinalat rin nila ito sa paligid. Napakagaling talaga ng plano ko na hanggang ngayon wala pa 'ring nakakaalam kung sino ang mamatay tao sa barkada.
![](https://img.wattpad.com/cover/76066311-288-k961031.jpg)
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...