WSE 40

83 4 0
                                    

WSE 40

Adrian's POV
Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa namin. Unti-unti na kasing nadadamay ang parents namin dahil sa pinasok naming gulo. Pero kakayanin pa 'rin at malalaman pa 'rin namin kung sino ang killer sa likod ng patayang 'to. Kinakabahan na ako.

Tumakbo kami papunta s aisang bodega malapit sa bahay nina Althea. Ito 'yung tinuturo ni Keanna kanina sa amin. Nagtataka lang ako kung bakit nakuha niya 'yung code at sa bodega kami napunta. Gano'n siguro kalakas 'yung data ng internet niya sa smartphone kaya agad niya itong nakuha ang sagot.

Nang makapasok kami sa loob ng bodega ay tanging sinag lang ng araw na galing bintana ang nagdadala ng liwanag sa loob ng bodega. May naririnig kaming hikbi pero hindi gano'n kalakas. At sa tingin ko ay si Quila na 'to.

Pramis, si Quila na 'to.

"QUILA?" biglang pagtawag ng pangalan ni Davy kay Quila.

Kaya agad akong lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Pero pumiglas siya't patuloy pa 'rin sa kakasigaw.

"QUILA?" sigaw niya na naman ulit.

"Davy, dahan-dahanin mo nga 'yung boses mo?" bulong kong pagsita sa kanya.

"Just shut up, Adrian. I'm trying to focus." sagot niya, "QUILA?"

Bigla namang nagbukas ang ilaw. Sa pagbukas nito. Nakita namin si Quila sa dulo ng warehouse na humihikbi. Durog na durog ang mga daliri nito sa paa at umaagas ang dugo. May pasa na 'rin siya sa kanyang mukha at hinang-hina na siya. Nakakaawa siyang tingnan kaya mas pinili ko na lang ang tapang sikmura ko.

"The fuck." dinig kong pagmumura ni Keanna.

Nakatingin kaming lahat kay Quila dahil sa kanyang sinapit. Althea is really a monster, not that kind of monster. Kaya niya ngang pumatay ng tao just for revenge. How could she do this to us? Wala ba siyang puso?

Sinubukan namin siyang lapitan ngunit sumisigaw lang siya, "HUWAG KAYONG LALAPIT! TUMAKBO NA KAYO!!"

"Quila, kailangan ka naming iligtas!" pag-aalala ko.

"TUMAKBO NA KAYO!!!" isa niya pang sigaw.

Nanginginig na siya sa takot pero nagtataka lang kami sa kanya dahil siya lang naman ang tao rito sa loob ng bodega. Wala si Althea kaya wala dapat siyang ikabahala. Kaya patuloy pa 'rin kami sa paglapit sa kanya at umiling-iling lang siya habang sumisigaw.

"HINDI!! HINDI NIYO AKO NA IINTINDIHAN!!!" sigaw na naman niya.

"Quila, just please... Kumalma ka lang. Wala ka dapat ikabahala!" sabi ko.

"HINDI!!" muli na naman niyang sigaw "HUWAG!! ILIGTAS NIYO SARILI NIYO!!"

"AH!" bigla ko narinig ang sigaw ni Keanna kaya napatingin agad ako sa kanya!

At na sa likod niya... si Althea! May dala-dala itong mahabang bakal. Mukhang kinuha niya ito sa poso!

"KEANNA!!" sigaw ni Quila.

Parang huminto 'yung mundo ko sa nakita. Kaya dahan-dahan akong tumingin kay Althea nang matauhan ako. Akmang hahampasin na rin sana ako ni Althea pero agad kong kinuha ang mahabang bakal sa kanyang mga kamay. Itinapon ko ito sa malayo at sinuntok ang kanyang mukha pero nakailag siya.

"DAVY, ILIGTAS MO SI QUILA!!" sigaw ko kay Davy habang patuloy na nakikipaglaban kay Althea.

Akmang susuntukin ko ulit siya pero nahawakan niya ng mabilis ang kanang kamay ko at sinipa niya ako sa tiyan! Kaya napa-urong ako at tumumba!

Hinimas-himas ko ang masakit kong tiyan. Pansin ko namang tumingin si Althea sa tumatakbong Davy papunta sa direksyon ni Quila! Pinulot naman ni Althea ang mahabang bakal na tinapon ko at nagpakunwari akong walang lakas sa harap niya.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon