WSE 6
Adrian's POV
Na sa likod kami ng mansyon at todo hukay ako sa lupa na kung saan ay ililibing ang pugot na ulo ni James. Pawis na pawis ako ako sa kakabungkal ng lupa dahil ako lamang isa ang gumagawa."Hurry! Hindi pa malalim ang lupang hinuhukayan mo." pag-uutos sa 'kin ni Chei Ann.
"E, kung tulungan niyo kaya ako?"
"E, kung ihampas ko sa 'yo 'yang shovel na hawak mo?"
Napa-ilingiling ako. "Tss. Demanding. Namatayan lang ng boyfriend mas lalong tumubo ang sungay." bulong ko.
"May sinasabi ka?" tanong ni Chei Ann.
Umiling ako.
Tumigil ako sa kakahukay ng lupa at humarap sa kanila. "O, ayan. Tapos na. Ilibing niyo na ulo niyan. Hahanapin pa natin ang katawan niya." sabi ko.
Napansin ko sa mukha ni Chei Ann na namamaga na ito. Siguro pinipilit niya lang labanan ang sakit na nararamdaman niya kaya gano'n siya kasakit magsalita sa akin. Bagong salta nga lang sa grupo, reyna-reynahan na. Tsk.
Nakabalot sa puting tela ang ulo ni James. Bago pa ito inilibing, nagbigay muna ng oras si Chei Ann sa pamamaalam sa nobyo.
"James," yumuko muna siya bago itinuloy ang sasabihin "...mahal na mahal pa rin kita hanggang kamatayan." ngumiti siya at hinalikan sa ulo ng namayapang nobyo.
"Nawa'y maging masaya siya sa kabilang buhay." kumusot ng mata si Aila, siguro tutulo na ang luha niya.
Dahan-dahan namang inilagay ni Chei Ann ang ulo sa loob ng hukay saka ko ito tinakpan ng lupa. Nang matapos ay lumingon ako sa likuran at hinarap sila. Napansin kong wala si Quila kaya nagtaka ako.
"Guys, asan si Quila?" tanong ko.
"Nasa kuwarto yata. Siguro, na trauma sa nangyari." sagot ni Davy.
Pagkatapos no'n ay tumungo kami sa dining area at napatulala na lang sa lamesa. Hindi ako makapaniwala na gano'n-gano'n na lang ang nangyari. Maaaring may mamatay tao na pumasok sa mansyon at pinatay si James, maaring isa sa amin ay...
Killer.
May ingay ng isang bagay naman ang aming narinig at mukhang papalapit sa amin. Lumingon ako sa gilid at nakitang hila-hila ni Quila ang isang maleta habang nakatulala. Gulo-gulo ang buhok nito at may pasa pa sa mukha.
Kaya napatayo kami at nilapitan siya. "Quila, a-anong nangyari sa 'yo?" gulat na tanong ni Angel.
"W-Wala na tayong matatakasan." sagot niya.
Bigla namang lumabas si Keanna mula sa kanyang kuwarto kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Anong ibig niyang sabihin?
Quila's POV
Sumilip ako sa salamin sa likod ng mansyon nina Keanna. Naghuhukay pa yata si Adrian sa lupa para lang ma-ilibing lang ang pugot na ulo ni James. Kahit ako, wala akong kinalaman sa pagkamatay niya. Hindi dapat ako makulong ayaw kong masangkot sa gulo na hindi ko kailangan pasukan.Kaya tatakas ako, ayokong isusunod sa patayan. Baka may killer pala na gumagala rito sa lugar na tinitirihan namin o isa sa amin ay mamatay tao nga ba. Para masigurado ay kailangan kong tumakas.
Tumungo ako sa kusina at humarap sa refrigerator upang makakuha ng pagkain para sa pagtakas ko para naman may baon ako sa pagtakas ko para ready sa tag gutom at least hindi mamatay akong busog if in case makipag meet and greet ako sa killer kung makatakas man ako.
Nang makuha ko na ang kailangan kong pagkain ay agad akong tumungo sa sala at inilagay ang pagkain sa loob ng maleta. Alam kong maganda ako pero kailangan ko pa rin ng pagkain kaya don't judge me.
Papalabas na ako ng mansyon at nang makalabas ay tumakbo na agad ako sa daan. Takbo lang ako ng takbo kaya nakaramdam ako ng kaba. Parang ayaw kong tumakas sa gulo na parang gusto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tanghaling tapat pa naman kaya may oras pa akong tumakas. Pero nanghina ako. Nawalan ako lakas sa pagtakbo pero hindi pa naman kalayuan ang natakbo ko. Papunta pa lang naman ako sa gate. Pero may nakaharang sa gate, isang aso na nakatali sa kadena kaya hindi ako makatakas ng maayos. Pabusit pa kasi 'tong aso na 'to, sino ba naman kasi naglagay nito. Naku, pag nakita ko talaga ang amo nito ipapatumba ko 'yun, makita niya lang.
Tahol ng tahol lang sa akin ang aso at siguro ay naamoy nito ang pagkain sa loob ng bag ko. May sense of smell rin pala ang mga aso, 'no? Akala ko ako lang ang may sense of smell sa pagkain, pati rin pala aso. Kung nababasa siguro ng aso ang isip ko, siguro magja-judge rin siya sa akin at sasabihing... "Bobong baboy, are you even studying po, ate?"
Kinuha ko sa loob ng maleta ang chocolates na kinuha ko kanina at hinagis iyon sa aso, mabilis niyang naubos ang pagkain kahit hindi pa ako nakalabas ng gate. Galit na galit ang pagkatitig niya sa akin kaya hinampas ko siya ng maleta. Nakatanggap naman ako ng reward sa aso kaya kinalmot ng aso ang maganda kong legs na mas maganda pa kay Jessa Mendiola.
"ARAY!" sumigaw ako. Lumayo ako sa aso at umupo nang makalayo. Kitang-kita ko ang lalim ng sugat na kalmot ng asong iyon. Pistilang aso.
"Shit. Shit. Shit." bulong kong pagmumura.
May humila naman sa buhok ko kaya napasigaw ako sa takot. "AHHH!!" hinila niya ako patayo.
"Huwag kang tatakas sa gulo! Nagsimula na! Kaya dapat kasali ka sa patayan! Hindi ka dapat puwedeng tumakas!" sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
Ang boses na 'yun, pamilyar. Narinig ko na ito dati.
Hindi ko namumukhaan ang humila ng buhok sa akin dahil nakayuko lang siya at naakasuot ng face mask 'yung bagong usong face mask ngayon, 'yung may design.
"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Makikilala mo rin ako pag patay ka na." seryoso niyang sabi kaya tumayo ang balahibo ko sa katawan. Nakaramdam ako ng kilabot sa mga sinasabi niya. "Magkikita na lang tayo sa impyerno, Quila! Dapat ka talagang mamatay!" may kinuha siyang bato at muntikan niya na itong inumpog sa akin pero hindi siya successfull kaya nag reward siya sa akin ng sampal at suntok.
Wala na akong kalaban-laban dahil sa panghihina ko. Nakita ko siyang tumakbo palayo sa akin at tumungo sa likod ng bahay. Nawawala na ang paningin ko dahil sa malakas niyang suntok at sampal na reward niya sa akin kanina.
Kaya dahan-dahan kong hinila ang maleta ko papasok sa mansyon. Mission failed ang baboy dahil sa aso at dahil do'n sa may umentrang sumampal at sumuntok sa pisngi ko.
Malakas ang kutob ko, isa sa amin ay killer.

BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Misteri / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...