WSE 47

98 4 0
                                        

WSE 47

Princess' POV
Tumakbo ako palabas ng mansyon na dala-dala ang kaba sa aking dibdib. Mas matinding panganib ang nagaganap ngayon sa loob ng mansyon, kaya dapat akong tumakas– mali, dapat akong lumaban. Mamatay man at least lumaban ako. Hindi para maging bayani, para sa kapakanan ng kaibigan ko.

Tumungo ako sa harap ng mansyon at sinilip ang bintana. Sinasabunutan pa 'rin ni Chei Ann sina Keanna at Quila pero lumalaban rin ang dalawa. Samantalang si Althea naman ay tinututukan pa 'rin ng kutsilyo si Adrian at sa likuran nila ang pinto ng kuwarto kung saan nang do'n sa loob si Davy!

Pumunta naman ako sa gilid ng mansyon kung na sa'n ang bintana ng kuwarto kung na sa'n si Davy. Sumilip ako sa may bintana at kitang-kita ko si Davy sa pinto na kinakabahan.

"DAVY!" Kinatok ko ang bintana. "DAVY, LUMABAS KA NA! TUMAKAS NA TAYO!"

"H-HINDI! AYOKO! HINDI AKO P-PUWEDENG MAMATAAAYYY!!!" sigaw niya.

"HINDI! KAILANGAN MONG LUMABAS! TUMAKAS KA NA!"

Pinagpawisan naman si Davy nang tumango siya at dahan-dahang binuksan ang kuwarto. Kaya dali-dali akong tumungo sa likod ng mansyon at nakita kong tumatakbo palabas si Davy!

"DAVY!" nakangiti kong banggit ng pangalan niya.

Nang biglang nanlaki ang dalawang mata niya at napanganga siya! Kaya ang ngiting dala-dala ko ay unti-unti itong napalitan ng gulat sa nangyari.

"DAAAVYY!!" muli kong sigaw nang tumumba siya.

Isang kutsilyo ang nakatusok sa kanyang likuran at sa likod nito ay ang nakatayong si Althea na nakangiti. Kumunot ang gilid ng kanyang mukha dahil sa ngiting iyon at bigla siyang tumawa.

"PRINCESS!" nagulat ako nan biglang sumulpot si Adrian sa likod ni Althea at agad niya itong pinulupot ng tuwalya sa leeg! "PRINCESS! TUMAKBO KA NA!!"

Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Adrian habang unti-unting bumabagal ang mundo ko. Ang kalungkutan niyang iyon ay dala ng sakripisyo ng kanyang buhay para iligtas niya lang ako, kami– kaming lahat. Ang na sa isip ko na ay isa siyang traydor, pero hindi. Ginawa niya lang iyon sa akin dahil akala niya... akala niya papatayin ko silang lahat. Hindi siya traydor, sadyang sinusunod niya lang kung anong iniisip niya.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa nakikita ko. Naririnig ko pa 'rin ang sigawan nila sa loob ng mansyon habang nakatingin lang ako sa labas. Gaya nga ng sabi ko kanina, dapat akong lumaban.

Agad kong kinuha ang kutsilyo sa likod ni Davy at sinusubukan kong lakasan ang loob ko. Dahil ngayong araw ay may mapapatay akong tao. Kriminal na kung kriminal. Handa akong talikuran ang batas para lang iligtas lang ang mga kaibigan ko.

Nakita ko namang umaatras si Althea habang pinulupot pa 'rin ni Adrian ang tuwalya sa kanyang leeg! Nang maka-tiyempo si Althea ay mas lalo niyang binilisan ang kanyang pag-atras hanggang sa nawalan ng balanse si Adrian at tumama siya sa pader! Nawalan siya ng malay pagkatapos.

Nanlaki ang mata ko at biglang kumulo ang galit ko nang makita ko iyon! Tinanggal naman ni Althea ang tuwalyang nakapulupot sa kanyang leeg habang sinisimulan ko na ang pag-atake sa kanya!

"TANGINA MONG HAYOP KAAAA!!!!" sigaw ko at inangat ang kutsilyo habang nakatalikod siya.

I was about to jab her pero bigla siyang lumingon at umatras sa gilid! Huminto ako dahil sa biglaang pagkawala niya sa paningin ko at nang lumingon ako sa likuran ko ay agad niya akong sinipa sa tiyan dahilan ng pagkabunggo ko sa pader at tumumba!

Medyo lumabo ang paningin ko pero nakikita ko pa 'rin ang kanyang dalawang paa na papalapit sa akin. Iyon ang huli kong nakita nang unti-unting pumipikit ang dalawang mata ko...

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon