THE FORTUNE GARDENS,
11 SEYMOUR ROAD, HONGKONG ...CHEQUI'S POV
"Omo, 3 days na siyang hindi naliligo. Baka nangangamoy na 'yan. May duplicate key ka naman, Chequi. Buksan mo na ang pintuan niya. Ilublob natin siya sa bathtub. Mahirap na baka tumigas ang libag niya sa katawan."
"Hayaan na muna natin siya, Trodis. Tutal lumalabas naman si Mei sa kuwarto kapag nagutom. Sabi ni Mommy, bigyan muna natin siya ng time para mapag-isa. Breakups are never easy. And recovering from it is even harder."
"Gagi. Anong breakup? Ni walang closure ang relasyon nila ni taksil na mahilig sa big bōōbs. Kasi kinabukasan pagkatapos ng graduation namin, lumipad kami agad ni Mei papunta dito sa Hongkong."
"Ganun din 'yon, Trodis. Basta, hiwalay na sila ni Acosta."
Nakatayo kaming dalawa sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Mei. Tatlo ang bedroom ng flat namin ni Mommy. Isa sa aking Ina, ang inuukopa ni Mei at share naman kami ni Trodis sa kuwarto ko.
Two weeks before their graduation, nagpadala si Mommy ng invitation para kina Mei at Trodis kasama ang plane ticket. Iyon ang regalo ng nanay ko sa kanila. Akala ko nga hindi nila iyon magagamit. Kasi nga, ikakasal na si Mei kay Henry. 2 weeks pagkatapos ng graduation nila ang nakatakdang petsa ng kasal kaya magiging abala dapat ang kaibigan ko.
Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na 'yon."Sabi ni Tita Cherry, galit na galit daw si Tita Marilyn nang malaman nito na umalis kami ni Mei na walang pasabi sa pamilya namin. Kinukunsinti daw ng Mommy mo ang kapritso ni Mei."
"Hindi naman kasi nila alam ang dahilan kung bakit naglayas si Mei Ann, Trodis. Kaya---"
Natigilan ako bigla nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mei.
"Omo, baka ano na ang nangyari kay Mei. Buksan mo na ang pintuan Chequi, bilis!!"
Nanginginig ang kamay kong may hawak na susi.
Dios ko, sana naman okay lang si Mei.Halos magkatulakan kami ni Trodis sa pagpasok sa loob ng kuarto dahil sa pagkataranta.
"Oh my God! Mei, Ann! Ano'ng ginagawa mo!"
Tutop ko ang bibìg ko habang nakatingin kay Mei na nakatayo sa harap ng full length mirror. May hawak siyang gunting at nagupit na niya ang hanggang baywang na buhok. Ngayon ay super iksi na. Hanggang chin level na lang!
"Kuha lang ako ng dustpan at walis. Puwede nating pagkaperahan 'yan. Ibebenta ko sa parlor ni Bakekang. Buhok na yan ng Summa Cum Laude kaya pag-aagawan 'yan."
-Trodis"Bakit mo pinutol ang buhok mo, Mei?"
Iginiya ko siya paupo sa gilid ng Kama.
Mugtung-mugto ang mga mata niya at nangingitim ang paligid nito."H-he used to love my hair. My long, black-silky hair. H-he said, I have the most flowing, moon-shadow-black long hair, Chequi. I remember,
gustong-gusto niyang isuklay ang mga daliri niya sa buhok ko.""Mei Ann."
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung makakatulong ba ang mga katagang sasabihin ko o mas makakadagdag sa pasan niyang sakit kaya mas minabuti kong manahimik."Pagharap ko sa salamin, siya agad ang naalala ko, Chequi. Tuwing nakikita ko ang mahaba kong buhok, naaalala ko ang mga bagay na madalas niyang ginagawa. Ang paglalambing niya.
Lahat-lahat. Bumabalik ang sakit. Pinutol ko ang buhok ko kasi gusto kong makalimot, Chequi. Gusto kong putulin ang mga alaalang iyon. Sinungaling kasi siya. Paasa. Walang isang salita. Manloloko."
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...