"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko."
Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya.
"Selosa."
Tila nang-aasar...
"Saan ba kasi ang lakad mo, Mei Ann? Makipag-date o magpa-massāge ng boōbs?" Nakatikwas ang kilay kong tanong kay Mei. Paano, hindi siya makapili ng isusuot na damit. Tatlong oras na siya sa paghahalughog sa suitcase at walk-in closet niya. At sa dami na nang naisukat niyang damit, hanggang ngayon hindi makapagpasya ng isusuot.
"Magpapamasāhe ng susō, Chequi. Magpapamasāhe kay Bryan Loo! Kaya nga napaaga ng isang araw ang uwi natin ng Pilipinas 'di ba? Kaya nga dito tayo sa condo ko sa Makati tumuloy kasi nasa Greenbelt lang ang massage studio ni Bryan Loo, 'di ba, Chequi? Kaya nga hindi muna natin inatupag ang pakikipagtagpo mo kay Lau Long mo kasi nga uunahin ko ang appointment ko kay Bryan Loo, 'di ba? 'Di ba Chequi?" Sunud-sunod akong napailing nang hūbarin niya ang off-shoulder white blouse, floral shorts at gold sandals niya. Magpapamasāhe lang pero kung umasta para namang Inauguration ni Duterte ang pupuntahan.
"Shìt! Ang baduy tignan! Bakit ni wala man lang umangkop na damit sa taste ko? Kung hindi over-dressed tignan, nagmumukha akong papansin sa mga tambay sa kanto? My God, wala na akong time mag-shopping! Ano ang isusuot ko?!" Basta na lang niyang initsa sa kung saan ang hawak niyang Strom Brand Kort mechanic shorts at printed blouse. Sinipa niya rin ang katernong metallic Oxfords shoes.
"Para 'yon lang ang pupuntahan mo, nagpapaka-stress ka na sa pagpili ng isusuot? Ikaw rin ang nagsabi, Mei. Magpapamasāhe ka kay Bryan Loo. Hindi maglandi o mang-akit man ng lalaki. At isa pa, huhubārin mo rin naman ang mga damit mo."
Bumilog ang mga mata ni Mei dahil sa huling sinabi ko. Ang sambakol niyang mukha kanina lang, biglang nagliwanang. Ngumiti siya at nag-flip ng buhok.
Naku, alam ko na ang ngiti na 'yan.
"Oh my God! Paano ko nakalimutan ang bagay na 'yun? Hindi pala sa get-up ko mate-turn ōn si Bryan Loo kundi sa hūbad kong katāwan! Hahahay! Next time, Chequi kung magpaalala ka, 'yong maaga huh? Hindi last minute." Tinabig ko ang kanang kamay niya nang bigla niyang hilain ang buhok ko.
"Oh it's you, I've been waiting for so long....so it's you, all along... Very special moment...LA LA LA LA LA LA LA....okay na ba ang suot ko, Chequi? Rarampa ako na naka-ganito sa massage studio ni Bryan Loo."
Hinagod ko ng tingin si Mei. Mula paa hanggang ulo. Then mula ulo hanggang paa.
"Turn around." Sabi ko. Tumalima naman agad.
"Once more, Mei." Umikot na naman siya sa harap ko.
"Sige pa, ikot, ikot, ikot ng tatlong beses pa." Pigil ko ang tawa ko nang umikot-ikot si Mei. Minsan ko lang siya mauto ng ganito kasi miminsan lang naman akong saniban ng kalokohan. Nang humarap siya sa akin, seryuso na ang mukha. Na-gets niya siguro na ginagawa ko na siyang turumpo.
"Head-turner ka na sa hitsura mo'ng 'yan, Mei Ann. Pero huwag mo namang sobrahang iindayōg ang balākang mo kapag naglakad ka."
Tinawanan lang niya ako sa sinabi ko.
Muli kong hinagod ng tingin ang kaibigan ko saka ako nag-thumbs up. Ang ganda niya talaga!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.