Chapter 14- The Stars Are Unaligned

2.8K 112 119
                                        

MEI'S POV

"Amulet your face! Mukha ko pa lang, pamatay na, legs ko pa kaya? Kagandahan ko ang lucky charm ko. Bonus na ang talino at jolly personality na meron ako! Kaya nga hindi na kayo makakurap sa kakatitig sa alindog ko 'di ba?"
They let out a fake cough.

Ang mga animal na hayop sa zoo, akala nila hindi ko napansin na kanina pa sila nakatitig sa mga hîta ko.

"Eyes on my face, not on my legs!"
Agad nilang ibinaling ang mga manîakis nilang mga mata sa maganda kong face.

Mas lalo akong umusok sa galit nang mapagtanto kong mahigit isang oras na ako dito sa office nila. Paulit-ulit na tanong at paulit-ulit din ang pagtanggi ko na hindi ako naglalagay ng bala sa bag ko.

"Sana tinanong niyo na lang ako kung ano ang mas nauna. Kung itlog o manok. Kaysa magsayang kayo ng lawāy sa paulit-ulit niyong tanong na walang kuwenta! Punyeta, buti pa ang pera may mukha. Samantalang ang pagmumukha niyo walang pera kaya kailangan niyo pang mandaya ng kapwa. Dahil sa inyo, nakaalis na ang eroplanong sasakyan ko!"
Wala na, I already lost my composure.
Eh sa naha-high blood na talaga ako sa mga unggoy na ito.

"Your wish is our command, Ms. Brillantes. So ano ang mas nauna, itlog o manok?"
Natatawang sabi ng kasamahan nila.
Eh kung hambalusin ko kayo ang mukha niya?

"Ang hirap na tanong 'yan. Di ba ang itlog ay galing sa manok. At ang manok ay galing sa itlog?"
Sabad naman ng baggage inspector.

I scowled at them.
Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanilang apat. Ngunit wala man lang iyong epekto sa kanila.
Nang-aasar silang ngumiti sa akin.

Gigil kong kinuha ang wallet sa loob ng shoulder bag ko. Mabuti na lang at dalawa ang wallet na dala-dala ko noong umuwi kami ng Pilipinas. Hindi ito ang natangay ni Chequi noon.
Tignan ko lang kung hindi sila masisilaw sa pera.

Hinugot ko ang laman na USD 2,000.
Nanlaki ang mga mata nilang nakatingin lang sa akin nang ipaypay ko sa aking mukha ang hawak kong bills.

Sige, maglāway kayo mga hayop. Kunting pera lang 'yan pero animo'y napakalaking grasya na sa kanila.

Ang lawak ng aking pagkakangiti nang magtinginan sila at pagkaraa'y nagbulongan.

Sabi na nga ba, pera lang ang katapat nila. But sad to say, ni isang kusing wala akong ibibigay.

Dahil sobra akong naaalibadbaran sa pagmumukha nila, umatras ako ng apat na hakbang.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pagkabigla sa kanilang mukha. Are they thinking that I'm planning to escape kaya umatras ako? Mga gunggong!

Then napansin ko na hindi pala sa akin nakatuon ang attention nila kundi sa bumukas na pintuan.

Halata ang pagkagulat sa kanilang mukha.

"Sir. What brought you here?"
Sabi ng isang Avsegroup personnel.

"A friend told me that you brought my girlfriend here for interrogation."

Nanlaki ang mga mata ko. Ako ba ang binabanggit ng lalaki na girlfriend?

Napansin kong sumeryuso ang kanina'y mapang-asar na anyo ng Avsegroup personnels.

"G-girlfriend niyo po, Sir?"
Kinakabahang tanong ng baggage inspector.

"Yes. I repeat. My girlfriend. Mei Ann Brillantes."

That voice!
Feeling ko nanîgas hindi lang ang mga binti ko kundi pati ang aking leeg.
Parang nagka-stiff neck ako bigla.
Ni hindi ko nagawang lumingon agad.

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon