(It's not what you think it is. Lol)
MEI'S POV"Hindi ba sila mag-iinuman?"
Tanong ko kay Chequi habang naghahanda kami ng fruits para sa mga bisita. At around 8:40 pm, we finished eating dinner. 9:15 naman kami natapos sa pagliligpit."No. Sinabihan ko si Dan na huwag siyang iinom ng alak ngayong gabi. Isa pa, maaga daw silang pupunta sa construction site bukas."
"Mabuti naman kung ganun. Ayaw kong maging disaster ang living room ko. Alam mo kung gaano ako ka-maselan Chequi."
"You're a clean freak, Mei. Paano na lang kung ang maasawa mo ay si Mr. Messy?"
"Oh my goodness! That's catastrophic! I can't imagine myself living with an untidy partner!"
Nakangiwing sabi ko. I know I'm happier when things are clean, and I accept this in myself and do what it takes to accomplish this.A clean house makes me happy. When my flat is clean, I feel less stress, more motivated and well, it just puts me in a good mood!
My number one rule is to always do dinner dishes as soon as I finish dinner. I never go to bed with a sink full of dishes. Nothing feels better than waking up to a clean kitchen, even if that just means, a clean sink with no dirty dishes.
"Nasobrahan naman yata ang pagkamaselan mo. Hindi halata sa personality mo kung gaano ka ka-clean freak. Kung hindi kita kilala, ang judgment ko sayo ay babaeng burara."
Tinawanan ko lang si Chequi. Prim and proper itong kumilos. Ako itong wild and happy-go lucky pero sa aming dalawa, ako ang tidy freak.
"May pinagmanahan ako, Chequi. Alam mo na, doctor ang nanay ko. Super sa linis yun. At isa pa, ang sarap ng feeling kapag umuwi ka sa malinis na bahay. It's amazing what a mood changer it is to walk into a tidy living room and kitchen at the end of the day, instead of opening the door to more work that needed to get done."
Ngumuso ito sa tinuran ko. May Partime cleaner kasi sila ni Dan. Hindi kagaya ko na ako lahat ang naglilinis sa flat ko.
"Presentable na ba ito?"
Tukoy ko sa dinesign kong fruits."Wow, Mei. Hindi halata na inspired ka."
"Loka, kahit sabihin ko pang persona non-grata si Juan, tao pa rin yun na tumuloy. Kaya natural, pakakainin ko ng fruits na para sa tao."
"Kaya pala itinodo mo ang effort mo diyan sa prutas."
"Gagi, hindi lang ito para kay Juan. May 3 barako pa, remember? At kasali rin si Lau Long mo."
"Oo na, Mei. Siguro sapat na ang mga ito."
Dumampot ako ng strawberry sa fruit tray na inihanda niya.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...