BOOK 3

3.5K 147 170
                                        

Chapter 1- Maldives

AT REGAL AIRPORT HOTEL
Chek Lap Kok Lantau Island
9 Cheong Tat Road, Hong Kong International Airport

AT REGAL AIRPORT HOTELChek Lap Kok Lantau Island 9 Cheong Tat Road, Hong Kong International Airport

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MEI'S POV

"Talaga bang hindi na magbabago ang isip ni Chequi?"
Hindi ko alam kung nakailang beses nang tanong ni Trodis sa akin.

"I don't know. Masakit ang nangyari sa kanya, Trodis. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit hindi siya sisipot sa kasal nila ni Danilo bukas."

"Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan mo na mapalampas ng ganun lang ang nangyari kay Chequi. Bakit hindi kayo nagreport sa pulisya noon?"

"Trodis, it wasn't her choice to be raped, but it's her choice as to what happens next. Ayaw niyang sumuong sa masalimuot na rape trial."

"Mei, paano magtatanda ang salarin kung ganun?"

"Not that she's allowing that person to hurt other people. Trodis, the rape trial is like the 'second rape.' Chequi didn't want to relive it over and over again in front of the rapist, her family, a judge and a lawyer. A lawyer who will rip her story apart. Nirespeto ko lang ang desisyon ni Chequi, Trodis. Magkakaiba naman kasi ang prinsipyo ng bawat tao. Si Chequi ang biktima kaya siya rin mismo ang nakakaalam kung ano ang mas nakakabuti para sa kanya. Nasa likod niya lang ako. Nakaalalay."

"Gusto kong mag-hire ng hitman, Mei. Ipapatumba ko ang hayop na Danilo. 10k lang naman ang magagastos ko. Hired killer ang dalawang embalmer sa Funeraria na negosyo ng Lola ko."

Sunud-sunod akong napailing.
"Isa kang tunay na kaibigan, Trodis. Nakahanda kang gawin ang isang bagay kahit nangangahulugan pa yan ng pagkasunog ng kaluluwa mo sa impiyerno. I really appreciate that white knight behaviour, but it isn't going to change a thing, kahit mamatay pa man si Danilo. "

"You cannot blame me, mare. Alam ko kahit ikaw noong nalaman mo ang totoo, ganun din ang naisip mo dala ng galit. You felt vengeful or helpless or anything in between."

Pumikit ako ng mariin. Naalala ko kung paano nagdusa si Chequi mula noong gabing nagahasa siya. Hanggang sa ngayon na nalaman niya ang katauhan ng rapist. She cried the whole time. She locked herself in the bathroom and cried.
Each time she cried, it was like opening a wound, like ripping off a scab that was just beginning to heal.

"Tama ka. Kung ano-anu rin ang naiisip kong gawin maiganti lang si Chequi lalo na kapag naririnig ko siyang umiiyak. Pero hindi yun solusyon sa problema. Gaya na lang ng ginawa mo. Tinakasan mo sa airport ang boss mo. Wala kang utang na loob, Trodis. Matapos kang isama dito sa Hong Kong para dumalo sa kasal ni Chequi, nag run away ka na? At kaibigan pa ni Danilo ang boss mo. Ano na nga ba ang pangalan?"

"Brandon, Mei. Paano na hindi ko layasan? Nilalabag na niya ang karapatan ko bilang tao. Ang daming bawal. Bawal maglipstick ng pula. Bawal tumawa, bawal ngumiti, bawal magsalita kung hindi niya ako kinakausap. Bawal magsuot ng sapatos na apat na inches ang takong pataas. Ayaw niya na magpakulay ako ng buhok. Kaya yun, tibakbohan ko na sa airport."

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon