CHEQUI'S POV
Dios ko po, sana naman pakawalan na ako ng mga lalaki na bumihag sa akin.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana kami tumuloy ni Mei sa
pakikipag-meet kay Lau Long sa kagubatang ito.
Wala din lang akong napala. Hindi namin natagpuan ang talon. Tanging 'yong bukal lang.
Enjoy na enjoy lang akong naliligo tapos...tapos bigla na lang may dumating na mga lalaki at dinala ako sa kung saan mang sulok ng gubat na ito.
Si Mei!
Ano na kaya ang nangyari sa kaibigan ko?
Baka dinukot din ng mga maiitim na lalaki na kamukha ni Boko Haram.
My God, sana naman walang masamang nangyari kay Mei Ann.
"Pakawalan na daw natin ang babae sabi ni señorito."
Rinig kong sabi ng isang lalaki.
Kasunod ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko.
Naramdaman kong tinanggal nila ang tali ng mga kamay ko at inalalayan nila akong maglakad.
Nakapiring pa kasi ang aking mga mata.
"Umuwi ka na sa pinanggalingan mo, Miss. Private property ito. Bawal mag-trespassing.
Pasalamat ka at mabait ang amo namin. Huwag ka nang bumalik uli sa lugar na ito. Baka sa susunod, hindi ka lang mabusōhan ng lalaking yun. Buti nga at nakita ka namin kung hindi baka nagahāsa ka na."
Kinilabutan ako sa sinabi ng lalaki.
"W-wala po naman akong nakitang lalaki, Kuya."
"Paano mo makikita eh nakakubli sa mga malalagong halaman. Muntik ka na naman sanang halāyin kanina. Mabuti at nakalapit agad si Orang sa kanya. Pasalamat ka at nakabalik kami agad."
"W-wala naman pong lalaki kanina na nakasama ko.
M-maliban sa pusa. Pusa lang at daga, manong."
"Yun nga. Taong pusa. Ang kulit nito. Sige hanggang dito na lang kami. Tanggalin mo ang piring mo pagkatapos mong magbilang ng beinte."
'Yon nga ang ginawa ko. Nagbilang ako sa isip ko ng beinte na pusa saka ko tinanggal ang telang nakapiring sa mga mata ko.
Hindi naman pala masama ang mga lalaking yun. Nagmalasakit pala sila sa akin. Malay ko ba na may bumubūso na pala sa akin habang naliligo ako sa bukal.
"Chequi! Saan ka ba galing, ha? Kanina ka pa namin hinahanap! Nakakainis ka! Kung saan-saan na ako nagsusuot. Nandiyan ka lang pala."
"Kami? Ibig mong sabihin, may kasama ka kanina at hinanap niyo ako?"
Kita ko ang paglunok niya. Para bang nasukol ko siya bigla.
"A-ano, Chequi. W-wala. Kami sabi ko kasi isinali ko ang anino ko. Kaya you know, dalawa kaming naghanap sayo."
"Talaga? Teka Mei, kaninong jacket 'yang suot mo?"
Napakamot siya ng kilay. Ganyan ang ginagawa niya kapag may inililihim sa akin at muntik nang mabuking. Mukhang jacket ng lalaki ang suot. Malaki at halos umabot na sa tuhod niya.
"Nakita ko itong nakasabit sa isang mababang sanga ng atis, Chequi. Mukhang may namitas sa naturang puno at nakalimutan ang jacket. Medyo gininaw ako kasi tanging bikini lang ang suot ko at sobrang daming lamok kaya kinuha ko na. Mukhang malinis naman ang may-ari nito kasi napakabango ng jacket. Walang body odor si Mr. Malibōg na Gagamba."
"Sino kamo ang mang-ari ng jacket?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Parang may inililihim nga siya sa akin. Halata ang sinusupil niyang ngiti. Malanding ngiti.
"Huwag mong ibahin ang usapan natin, Chequi. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan ka ba galing, ha? Sobrang nag-alala ako sa'yo nang hindi kita madatnan dito sa bukal."
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
