Chapter 29 -Cake

2.9K 142 183
                                        

Hi Readers! Sorry kung na-traffic. Maliban sa hectic ang schedule ko sa work, dumating pa in-laws ko.
1 week silang nag-stay sa amin. So todo effort ako sa pagbisita sa kanila para naman ma-appreciate nila ang pagka-Filipino ko. Pumasa naman yata ako sa kanila. Haha.

Enjoy reading!!!
Good night!!!!!

MEI'S POV

Naiwan akong naghihimutok sa restroom.
Iniirapan ko ang reflection ko sa malaking salamin.
Namumula pa rin ang mga labî ko. Paanong hindi? Ang tindi ni Acosta na makasupsóp ng lîps with matching kagat.
Gigîl na gigîl ba naman.

Ano na kaya ang iniisip niya? Na kaydali kong nadala sa halik? Na nagustohan ko kasi gumanti rin ako ng kaparehong inît?
Mas lalo na sigurong pumayagpag ang ego niya.
Maybe he's laughing at me now.

Nagngitngit ako habang ini-imagine ang mayabang at nang-uuyam niyang ngisi.
Kahit mainis at sisihin ko ang sarili ko, wala na rin namang saysay.
I can't go back in time and un-kiss Acosta.

I was aware that seeing him with Deborah Wong in this restaurant wouldn't do anything good to me.
Pero ginusto kong patunayan sa kanya na may isang bigatin din namang lalaki na nagkakainteres sa akin. I wanted to show to him how much better I am now.
Nasa isip ko kasi ang intention na pagselosin siya. Kung makakaramdam nga ba siya ng selos kapag kadate ko si Luis. Akala ko panalo na ako sa gabing ito nang makita ko ang madilim na reaction niya tuwing nginingitian ko si Luis. Kung paano ko siya nahuling magngalit ng bagang habang hawak ni Luis ang kamay ko.
Pero sa huli, nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan. We ended up in a lîp-lóck without realizing how it even started. It happened. And now, I have to deal with it.

Wala sa loob na pinaglandas ko ang hintuturo ko sa uppér and lower lîps ko.
Parang nararamdaman ko pa rin ang mga labî at dîla ni Henry. Parang nalalasahan ko pa rin ang addictive niyang lawáy.

Bigla akong nakaramdam ng pagkayamot nang sumagi sa isip ko na hinahalikan niya rin ng ganoong paraan si Deborah Wong. Hindi ko gusto itong nabubuhay na selos sa kalooban ko kasi alam kong wala akong karapatan sa kanya.

I squeezed my eyes shut.
No matter who started the kiss, the point is that we both allowed it to happen.
Hindi ako gumawa ng action para pigilan siya. Sa halip, tinugon ko ng buong pagsuyó.

Ngayon, may mga tanong na bumabagabag sa akin.
Did he also feel that lingéring feeling when we exchanged kìsses?
Is he still attracted to me?

I do not know why I see it as a sign of hope and silently wish for it to pave the way for something new between me and him.
Am I that desperate to get back with him?
What if he was only thinking that our history makes it okay for him to do intîmate things with me? And kîssing is an intimate act that can trigger the basest of his feelings like lūst.

Does it mean na pinagnanåsaan niya pa rin ako sa kabila ng presensiya ng girlfriend niya? Kung may pagnanása pa rin siya sa akin, ibig bang sabihin na hindi pa din niya ako tuluyang nakalimutan? Na malakas pa rin ang appeal ko sa Kanya?

But what if that kiss didn't mean that he wanted to rehash old memories and feelings? What if he was only making a move to see if he could easily get into my pánties?

Sumasakit ang ulo ko dahil sa pesteng halik na yan! Masyado akong affected!
We broke up for a reason and that reason has never been resolved and that kiss came unexpectedly and it might make the issue bubble up to the surface again.

Bakit ganito? Bakit ayaw akong patahimikin ni Acosta?

I took several deep breaths.
Sinikap kong pakalmahin ang aking sarili't pilit kong iwaglit ang halikan na yun.
Nang masigurado kong kaya ko nang makiharap ng normal kay Luis, bumalik ako sa table namin.
Iniwasan kong dumako ang mga mata ko sa table nina Acosta.

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon