Chapter 2- The Model Groom

3.6K 148 147
                                        

AT FOUR SEASONS RESORT
Landaa Giraavaru
Baa Atoll, Maldives

AT FOUR SEASONS RESORTLandaa GiraavaruBaa Atoll, Maldives

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Thursday, 3:35 pm

TRODIS

Luwa ang mga mata ko habang nakatitig sa mga pictures ni Mei kahapon. Mabuti at nilandi ko ng kaunti si Cheetos. Hinalikan ko ang malapad nitong noo na puwedeng pagguhitan ng mapa ng Pilipinas. Kasya ang 7,107 islands sa sobrang lapad. Ngumiwi ako habang inaalala ang pagmumukha ng payatot na Half Korean Half Japanese na photographer. Kung hindi lang dahil sa mga pictures na ito, nungka na sasayad ang mga labi ko sa noo ng Cheetos na yun.

Inisa-isa kong chineck ang mga pictures na sinend ni Cheetos sa akin via email.

Wow!Ang loka, feel na feel talaga niya ang pagpose bilang model ng bridal gown na dinesign ni Reem Acra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wow!
Ang loka, feel na feel talaga niya ang pagpose bilang model ng bridal gown na dinesign ni Reem Acra. Mukha siyang prinsesa na nakaupo sa tasa.

Tumingin sa akin si Lays. Ang hair stylish na nag-aayos sa buhok ni Mei. Ang lakas kasi ni hagikgik ko.

"I'm watching momoji jijimo. It's so hilarious. Just continue what you're doing. Don't mind me."
Sabi ko dito saka nginitian. Kaya natuon muli ang attention nito kay Mei.

"A long down naturally wavy hair style suits you. Then I will use a hair accesory to decorate it."
Dinig kong sabi nito kay Mei.

"I like it ."
Sagot ng kaibigan ko matapos ipakita ni Lays mula sa tablet nito ang style na gagawin sa buhok niya.

Walang kakurap-kurap kong pinanonood ang pag-aayos ni Lays sa buhok ni Mei.

Nang matapos, tumayo ako mula sa puting couch na kinauupoan ko at kinuhanan ng picture ang hairstyle niya.

"Oh my God! I love it!"
Sabi niya nang ipakita ko sa kanya ang larawan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon