"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko."
Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya.
"Selosa."
Tila nang-aasar...
As soon as I realized what I saw was true and not a joke, I was perplexed. My whole world seemed drowning with the view. Parang unti-unti akong pinapatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Parang sasabog ang aking dibdib sa sama ng loob.
Nang mapag-isa ako sa flat ko, ibinuhos ko lahat ang kinikimkim kong emosyon. I spent hours crying and cursing my fate. All I wanted was he. But he was someone not destined for me.
Hinintay ko pa rin siyang bumalik sa flat ko. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan sa huling pagkakataon. Pero pumatak na ang alas tres ng madaling araw, walang Henry na dumating. Humagulgol ako ng iyak. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Paniguradong nasa piling siya ni Deborah, celebrating, making lóve. Parang mababaliw ako sa sobrang sakit at selos. I keep on screaming, cursing, then sobbing uncontrollably.
Ayuko na! I hate this feeling! Nilalamon ako ng sakit. I couldn't think straight! Naka-focus lang ako sa pain. Sana hindi na ako makaramdam pa! Gusto kong maging manhid ang katawan ko! Gusto kong takasan ang sakit! Gusto kong dukotin ang puso ko nang sa ganun ay tumigil na ito sa pagtibok!
Paulit-ulit kong binayo ang dibdib ko. This heart, this heart brought nothing to me but pain and misery. I curse this heart! I curse this life!
Nang mapagod ako sa kakasigaw, tahimik lang akong umiyak. Then suddenly, I could hear voices in my head telling me to kill myself to stop the pain.
Nanghihina akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Nangangatog ang mga binti ko na naglakad palapit sa bintana ng kuwarto ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang sliding glass window.
Again, I heard the tiny voice. "Jump off the window!" My heart beats so fast My breathing went choppy. I squeezed my eyes shut and count to ten before opening them again. Ano nga ba ang silbi ng buhay kung puro pasakit naman ang nararanasan ko? Ayuko na! Sawa na ako sa buhay ko!
Nadako ang mga mata ko sa silya na nasa sulok ng kuwarto ko. Hindi ako nagpatumpik-tumpik. Kinuha ko ang silya at tumuntong agad ako dito nang mailapit ko sa may bintana.
This is it! Ito na ang wakas ng paghihirap ng kalooban ko. Sa tulong ng silya, madali akong nakatuntong sa window stool.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nakaramdam ako ng kilabot nang makita ko ang ibaba.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.