Happy 25th birthday, Trodis!
Bilang regalo, ibinalik kita sa pagiging extra. Haha
I can't still believe na yong ginawa kong balangay, matapos lumayag eh nakadaong na. Ikakasal ka na few days from now and next, Fireworks! Magagamit mo na sa actual ang paulit-ulit mong binabasa na BS nina Henry at Mei. Lol.
I'm happy for you. Humayo na ikaw at magpakarami.
AT NAIA TERMINAL 2...
MEI'S POV
"Ipinagpalit niya ako kay Nibiru. Biruin niyo? Sa tindi ng asim ko, mas pinag-ukulan niya ng oras ang pagbabasa ng tungkol sa Nibiru na 'yan. Kesyo naaninag daw ang naturang planeta ng mga astronomers noong 1983 pa sa outermost o halos nasa labas na ng sistemang solar. Pero ako, hindi niya naaninag ang dalawang nîpples ko na bumabakat sa suot kong baby pink sleeveless pleated short dress kasi sinadya kong hindi magsuot ng brā noong first monthsary namin."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang nakikinig sa kuwento ni Trodis. Nasa Kafelokal
kaming tatlo nina Chequi. Gusto ko mang tumawa sa tinuran niya, hindi ko magawa.
Bilang ganti sa patuloy na pagdaldal ni Trodis kahit halatang hindi kami ginaganāhan ni Chequi sa kuwento niya, nanahimik na lang kami at kunwari'y nakikinig. Tutal puwede pa kaming tumambay dito ng 30 minutes bago magcheck-in.
Napasulyap ako kay Chequi. Hindi nagalaw ang pagkain niya. Nakatulala.
I really feel so bad for her.
Tama lang ang ginawa kong desisyon.
Mas kailangan niya kasi ako.
"Okay na sana eh, pinalampas ko ang pagbibida niya kay Nibiru kasi..kasi..."
Kumunot ang noo ko nang biglang humagikgik si Trodis. Pati si Chequi ay napalingon sa kanya.
"Sinuholan ka? Niregalohan ka ng Ivana perfume?"
Tanong ko.
"Mali, mare! Nagtrade-off kîss kami. Green olive ang akin samantalang ang kanya, black olive."
"Yuck! Ang pangit ng lasa!"
Sabi ko sabay ngiwi.
"It's not the taste, Mei. But it's the performance. Kung magaling humalik ang kapareha, kahit magngatngat pa siya ng dahon ng ampalaya, masarap pa rin ang lasa ng lawāy niya."
Binuntotan niya ng malanding tawa.
Nagkatinginan kami ni Chequi at magkasabay kaming umiling-iling.
"Gaya ng sabi ko, napalampas ko ang nakakaumay na Nibiru topic sa unang monthsary namin. Pero ang second, hindi na! Biruin niyo, bumili ako ng latest Victoria's Secret na lingerie noong second Monthsary namin. Kasi, handa ko nang isuko ang Surigao Del Sur sa kanya pero hindi natuloy dahil sinakop ng hanggang hating gabi ang pagtatalak niya tungkol sa pesteng Nibiru na yan!
Marami daw epekto ang paglapit ng Nibiru sa ating planetang Earth. Sinasabing milyong o bilyong tao ang maaaring mamatay, lalo pang lalala ang global warming, paglindol, tagtuyot, taggutom, solar eclipse, killer solar flares. Ang posible pa daw na epekto nito kapag malala na ay digmaang pansanlibutang muli o World War III. Ang solar flares ay dulot ng Nibiru na nagdudulot saw ng blasting o pagpapasabog sa core ng Solar System. Tandang-tanda ko talaga yong mga sinabi niya ano? Kasi hanggang ngayon, hindi ko matanggap na mas may appeal si Nibiru kaysa sa akin."
"10 more minutes Trodis."
Bagot kong sabi.
Nahirapan kasi akong ilihis ang pang-uusisa niya kanina tungkol sa mga pasa ni Chequi kaya ngayong siya na ang nagtatalak, hinayaan ko na lang. Nangako ako kay Chequi na wala akong ibang pagsasabihan tungkol sa nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
