Chapter 15 - Second Chance

5.6K 172 41
                                        

MEI'S POV

Hindi ko pinansin ang kakaibang tinging ipinupukol sa akin ng mga nakasabayan ko sa elevator.
Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa marating ko ang ground floor.

Dire-diretso lang akong naglakad.

"Mei Ann!"
Napalingon ako kay Trodis. Kinausap niya ang receptionist ng building saka niya ako nilapitan.

"Akala ko na nauna ka nang umalis."
Nag-iwas ako ng tingin. Alam kong may bakas pa din ng
luha sa mga mata ko.

"Susundan na sana kita. Baka kasi kulang ang apat na bato na pinabaon ko sa'yo. Kaya namulot pa ako ng anim."
Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya. Baliw man ito minsan, masasandigan naman ano mang oras. Na-mis ko tuloy si Chequi.
Nasa Hongkong na kasi ito. Doon na nag-aaral. Gayunpaman, may communication pa rin kaming tatlo.

Tahimik lang kami ni Trodis hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng kotse niya.

I slipped inside her red car, sighing.
What now?
Ano ang kahahantongan ng relasyon namin ni Henry?
Paano ang kasal?
Paano ko sasabihin ito sa mga magulang ko?

"Magkakulay na ang mukha mo at ang kotse ko, Mei Ann. Ano ba kasi ang eksenang nadatnan mo? Live show ba? Nandoon na ba sila sa parte na sumisigaw na ng A, e, i, o, u? Pinagbabato mo ba ang taksil mong boyfriend at ang babae niya? Itinuloy pa rin ba ni Henry ang pag-ayùda kahit noong dumating ka at pinapanood sila na magkapatōng at
nag-angāt-bāba ang katawan ng nasa ibabāw?"

"Sa Oroquieta tayo, Trodis."
Pag-iiwas ko sa mga tanong niya.

Muli ay nangilid ang mga luha ko dahil sa tagpong nakita ko.
Ngayon na iniwan ko sila, itinuloy kaya nila?
Nag-eenjoy na kaya si Henry at ang babaeng iyon?

Ayukong magpakita ng kahinaan. I am a woman with a very strong personality.
Ako iyong tipo na pinag-aaralang mabuti ang lahat bago gumawa ng desisyon.
Hindi na ako 'yong teenager na isip-bata at puri pagpapansin lang sa crush at paglalandi ang inaatupag.
Nagmature na ako.
Naging mas idealistic at hinahangaan dahil sa angking talino.
Pero bakit pagdating kay Henry, pakiramdam ko ang hina-hina ko?
Nasaktan lang ako sa aking nakita, pakiramdam ko, tumigil na ang pag-inog ng mundo ko.

Bakit pagdating sa kanya, parang ang bobo ko?
Nakakaramdam ako ng napakatinding insecurity sa katawan.
I feel like I'm a less of a woman. Kasi hindi siya kuntento na akin. May bagay na kulang sa akin kaya niya iyon hinahanap sa iba.

"Ano ang gagawin mo doon, Mei? Manlalalaki ka? Naku, huwag ka nga. If I know kunting suyo niya lang sayo, bibigay ka na agad. Kilala na kita, bruha."

"Makikitira ako pansamantala sa apartment mo sa Oroquieta. Ayuko munang umuwi sa condo ko, Trodis."

"Sige, Idlip ka lang diyan. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."

Pumikit ako.
Apat na taon.
My God, ayukong tuldokan na lang ng basta-basta ang apat na taon naming relasyon.
Kahit ganoon ang ginawa ni Henry, mahal na mahal ko pa din siya.
Hindi ko ipagkakaila. Umaasa ako na maaayos namin ito.

Sabi ng karamihan, babae daw ang humahawak sa isang relasyon. Kung magaling daw ang pag-handle ng babae, hindi basta-basta ito mabubuwag.

For me it's a two-way process. Dalawa ang involved so dapat lang na kikilos ang dalawang tao. Patatatagin nilang pareho ang relasyon.

Sa sitwasyon namin ni Henry, nandiyan ang pagmamahal. Alam ko naman iyon. Sa nakalipas na taon, naging tapat naman siya. Normal lang siguro na magpakita siya ng kahinaan.

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon