Chapter 25- On The Way

2.6K 141 128
                                        

(Hi readers! This is the longest chapter I've ever written. More than 11,000 words. Sobrang haba kaya hinati ko sa apat na parte. Unti-untihin kong i-publish. Lol)

At Worldwide Plaza
(3 levels of Worldwide House)
19 Des Voeux Road, Central Hongkong

At Worldwide Plaza(3 levels of Worldwide House)19 Des Voeux Road, Central Hongkong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MEI'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MEI'S POV

"What?"
Iritadong bulalas ko kay Chequi. Kanina pa nakatayo sa harap ng desk ko at nakapamaywang.

"Tatlong resumé lang yan, Mei Ann. Mula kaninang ala una, yan na ang nilalamayan mo hanggang ngayon na mag-aalas kuwatro y media na ng hapon, yan pa rin? Bakit hindi ka na lang mag-ayos? Paparating na siguro ang date mo."

Nahilot ko ang magkabilang sentido ko. Apat na ang na-interview naming aplikante pero wala ni isa sa kanila ang pumasa sa akin.
"Kailangan nating maging mabusisi, Chequi. Hindi biro ang pinagdaanan natin mapaunlad lang ang ating negosyo."

"Alam ko. Pero hindi mo dapat i-stress ang sarili mo, Mei. Nandito pa naman ako. Pagkatapos ng kasal namin ni Dan, tutulong pa rin naman ako sa pagpapatakbo ng negosyo natin."

"Baka nakakalimutan mo na magbubukas tayo ng tatlong store sa Singapore? Isang buwan lang ang ibinigay ni Danilo sayo, Chequi. It means you only have 1 month to train that person. Kasi tututokan ko ang stores natin sa Singapore."

"Hindi sapat ang 1 month, Mei. I need to keep an eye on that person and make sure she's doing a satisfactory job. Tutal may kasunod pa namang project ang ODB dito sa Hong kong after the construction of the shadowless twin tower. Susuyuin ko si Dan na dito muna kami mag-stay ng one year."

Sunud-sunod akong umiling.
"Malinaw pa sa crystal ang usapan nating tatlo nina Danilo. Sa Pilipinas na kayo titira pagkatapos ng kasal niyo."

Biglang lumungkot ang mukha ni Chequi.
"I'm sorry, Mei. Hindi ko naman gusto na iatang sayo lahat ng responsibilidad."

"Alam ko, Chequi. Kaya nga kailangan nating mag-hire ng manager ng store natin dito sa Hong Kong. Pero hindi lang yong basta-basta capable sa position na yun. Warm bodies are obviously not enough. Better-than-average won't get us there either. Even really good people are insufficient."

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon