MEI'S POV
(20 weeks pregnant)
This week has been crazy. Nadagdagan ng 7 pounds ang timbang ko sa loob lang ng anim na araw. My knees and my feet hurt all the time and I can't stop eating! I find myself snacking all day. Pati gabi.
Our little bean is making me crave for ice cream and donuts and I can't get enough! Lord, kung laging ganito, posibleng maging lumba-lumba na ako!
My aversion of seafoods didn't last long. Kaya may time na gusto kong magpapak ng inihaw na pusit. Lumakas din ang pagkain ko ng rice lalo na kung ang ulam ay seafoods especially ginataang hipon. The only thing that I can't stand the smell is pineapple. I hope this one passes soon.
Henry was very attentive and patient.
There are a lot of weird requests, orders, and special considerations, and he has to listen and obey, because his majesty is going through her first pregnancy!
It felt good to be pampered by him. I know there were times na nagiging mean ako sa kanya pero nagpapatianod na lang siya sa iisang direksyon. My direction. Ako ang nasusunod.
As the baby starts growing, I started getting less sleep and normally, I won't accept that he sleep while me, I couldn't. Alam kong sobrang napapagod siya. He stayed late working in his studio at home. At kadalasan ginigising ko siya ng maaga kagaya na lang ngayon.
Ilang beses ko nang kinakalabit pero ayaw magising. Pinitik ko nang malakas ang kanang tainga pero tulog pa rin. Nagsisimula nang humulagpos ang pagkainis ko. I pinched his nose hard. Then I slapped his face sabay sigaw ng:
"Wake up, now!"
Napabalikwas siya ng bangon.
"What is it, Mei Ann? What's wrong? May masakit ba sayo? Are you ill? May sunog ba? May magnanakaw ba na nakapasok? "
Natatarantang tanong niya.
"No and nothing sa lahat ng tanong mo!"
"Then why did you wake me up? It's only 3:45 am. Let's get some more sleep please."
Pahihigain na sana ulit ako pero tinabig ko ang braso niya.
"What's the matter, Mei? Are you hungry? Wanna eat something? "
"No! I felt our baby move kaya ginising kita!"
"Really? I want to feel it."
Tila nawala bigla ang antok niya.
Hinawakan niya ang tiyan ko. I guided his palm doon sa part ng tiyan ko kung saan naramdaman ko ang paggalaw ni baby. Naghintay kami ng ilang minuto.
"There's none. We better sleep, Pocky. I have to wake up at 5 am and do some work in my studio."
"So, akala mo nagsisinungaling ako? Na hindi ko naramdaman ang paggalaw ni baby? Fine! Matulog ka lang! You are so lucky kasi ang sarap-sarap ng tulog mo samantalang ako hindi! Palibhasa, hindi ikaw ang buntis! Hindi mo nararamdaman ang hirap ko! I thought you'd like to share with me these moments pero hindi pala!"
"Mei, please stop ranting. Okay, okay, let me feel our baby again."
"Ay huwag na! Nagtampo na siya!"
"I still want to wait. I can spend the rest of the morning waiting to feel our baby move. "
Ganun nga ang ginawa namin. Nakalapat ang mga palad niya sa tiyan ko. Inaabangan niya ang paggalaw ni baby, bagay na hindi nangyari.
"Here, I can feel our baby moving. Thank you, Mei Ann."
Sabi niya pagkaraan. Pero hindi. Sinungaling siya. Hindi gumalaw si baby. Sinabi niya lang yun para makatulog ulit kami. He simply said that he was able to feel it kahit hindi naman to make his life easier!
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romantik"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
