MEI'S POV
It took several minutes before my mind was able to process everything.
Hindi pala ako bumagsak sa floor.
Kasi naagapan ng sinuman ang aking pagbagsak.
At ngayon, buhat-buhat ako?
Ni who?
Dahan-dahang sumilip ang isa kong mata.
I think I'm going to cry!
Ay, hindi pala puwede. Mabubuking ako.
Nagsimulang magpa-party ang mga makikire kong cells sa katawan.
Oh heaven!
Wagi ang feeling habang buhat ako ni John Henry Acosta!!!
'Focus! Mamaya ka na maglandi!'
Saway ng medyo matino-tino kong isip.
Yeah right! I should only pretend to be unconscious for not too long. I should wake up until at least 30 seconds. Most real fainters stay unconscious for 2 to 5 minutes.
At habang tahimik na nagbibilang ako sa isip ko, pasimple ko ring ine-enjoy ang pagpapabuhat kay Acosta. Mukhang nagpapanic nga siya. Ramdam ko ang bilis ng kanyang paghinga o hingal na yata habang mabibilis ang kanyang paghakbang.
117, 118, 119, 120!
Finally, 2 minutes na!
Muling sumilip ang isa kong mata.
Shit! Paksheyt! Ang guwapo niya talaga! Awang ang mamula-mula niyang bibig.
'Don't smile! You might be caught pretending!'
Muling babala ng aking isip. Thankful ako ngayon kasi sobrang gumagana ito. Inspired siguro.
Now it's time to be awaken from my pretend loss of consciousness.
Pero sa halip na iminulat ko ang mga mata ko, dahan-dahang umangat ang kanan kong kamay at humawak sa neck tie ni Acosta at saka ko ito hinila.
Wow! Ang galing! Hawak ko na siya sa leeg. I mean yong neck tie niya pala.
Naramdaman kong huminto siya sa paghakbang.
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
Boses ni Chequi. Nagtaka siguro kong bakit tumigil bigla si Acosta.
I didn't wait a single second. I flutter my eyes a bit. Not dramatically.
Na-practice ko na ang eksenang ito noon pa. Kaya masasabing gamay ko na.
I gaze a little blurry. I know I shouldn't start talking immediately.
I should look like I actually woke up from sleeping.
"You're awake."
His voice was deep, with a serious tone. I stayed quiet. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
His tousled dark brown hair was thick and lûstrous. His face was strong and defined. His dark eye brows sloped downwards in a serious expression. His usually playful lips had drawn into a hard line across his face. Hindi ko mahulaan kung ano ang tinatakbo ng isip niya sa oras na ito. Basta ang alam ko, nagsisimulang uminit ang paligid.
Why not?
His strong hands, slightly rough from working, held my body so hard.
Parang napipiga ang katawan ko sa paraan ng pagkabuhat niya sa akin.
Hindi ko mawari kung may halo bang panggigigil na dala ng pagkasabik o galit. Or maybe both? I couldn't figure out. Or mas tamang sabihing ayukong mag-aasume. Baka kasi mali na naman ako.
As he stared deep into my eyes, I couldn't help but blush. Ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha. Tila tinititigan niya ako gamit ang magnifying glass. Parang binubusisi niya kung may white heads o black heads man ako sa mukha. Ganyan siya makatitig.
And his body was warm and toned. Ramdam ko yun.
Ramdam na ramdam ko na may palitan kami ng kalakal.
That is body heat.
"What. Was. That?"
May diin ang bawat kataga niya. Aha, bulag ba siya? Hindi ba niya napanood kung paano ako umacting? I mean, kung paano ako mawalan ng malay?
'Calm down, Mei. Patience is a virtue. Huwag padala sa init ng ulo. Tuloy ang acting skills.'
Sabi ng kukute ko.
Bagay na sinunod ko naman.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
